×
Home: Mobile Home: Original Style Christian Netflix Jewish Stories X-Witch X-Muslim MP3 Bible Bible Movies Gospel Videos Godly Movies CBN Videos Kids Videos Worship Music Vids for New Believers Random Video Ask AI Bible Questions What's New
  Kat Kerr   Anna Rountree   Mary Baxter   Several #1   Several #2   Choo Thomas   Ian McCormack   Burpo   I saw His Glory   7 Colombian Youths   Heavenly Blood   Heaven Testimonies
  Lazarus   Bill Wiese   Mary Baxter   Dr. Rawlings   J. Perez   Hepzibah   Ptr. Park   7 Columbian Youths
  Atomic Prayer   Prayers that ROUT demons   Warfare + Blessing   Healing   Declaration   101 Decrees   Tongues   Rosary   Artic Fire   Why Should We Pray?   Why Bother
  MP3 Bible   10 Commandments   Learn Bible in 24 Hours   40 Spiritual Lessons   Alpha   Foundations   Bible Commentaries   Book of Mormon   Temple Study   Red Letters   Divine Healing Training   God Story   Gap Theory   Creation to Christ   Book of John   Kids Bible Cartoons   Derek Prince Teaching   Jesus Film   Digital Bible   Bible Codes ELS   Memorize the Bible   Bible Games
  Passion of Christ   New Jesus Film   Introduction   Names of God   Jesus IS...   Jesus Film   That's My KING   Father's Love Letter   Celestial Hug
  Warfare Training 1   Warfare Training 2   Casting Out demons   Combat   Examples   Warrior King   Exorcism   Prayer   Ask Him   demonology   Clarita   NUWI
  Final Quest   The Call   Tommy Hicks   3 Days   Angel Song   The Prison   H.A.Baker
  Best #1   Best #2   Spiritual Food   Generals   Ramirez   Bishop Kelley   Gary Wood   Roland Buck   Rees Howells   Baptized by Fire   Sid Roth   Todd White   Gary Beaton   Victor Marx   Akiane   Theo Nez   Nun's Story   Retha McPherson   Tomas Welch
  Booth's Vision   Frank Jenner   Hell's Best Kept Secret   EE-Taow   Manifesting Power   LivingWaters   Atheist Delusion   Using AI for Jesus   Sharing w/ Muslims   Sword + Serpent
  Revival Hymn   Jesus in China   Freemason Curruption   Modern Child Sacrifice   the WAR on Children   XGay   Transformations   Ark of Covenant   Soul Ties   Last Reformation   Noah's Ark Found   Does GOD Exist   Political Issues   Fake Mountain   7 Mountains   ID vs Evolution   Bible Science   American History   China Records   Case: Creator   Case: Christ   Case: Faith   Little Lessons   Deadly Mistakes   Enemies Within   Chinese Characters   Global Warming   The Final Frontier   Understanding Israel   Testing Joseph Smith   Targeting Kids
  X-Muslim   Journey of Hope   Islam Rising   ACT   Jihad   Best Muslim Story   Enemies Within   Answering Islam   Killing for Heaven   Killing the Infidel
  Downloadable MP3 Worship Music   Online Worship Music  DivineRevelations University   Free Posters   Christian Pictures   Kids Christian Cartoons   Bible Trivia   End Times Visions   Fractal Praise   Soaking Music   Communion Verses   Bobby Conner   Brother Yun   Civil War   Prayer Tank   Fiscal Cliff   Understanding Economics   Who takes the Son   Christian GPTs
  All Languages   Afrikaans   Albanian   Amharic   Arabic   Bengali   Bulgarian   Burmese   Cambodian   Catalan   Chinese   Czech   Danish   Dutch   Farsi   Finnish   French   German   Greek   Gujarati   Hausa   Heberw   Hindi   Hungarian   Indonesian   Italian   Japan   Kannada   Khazanah   Korean   Laos   Malagasy   Malayalam   Malaysian   Marathi   Mongolian   Nepali   Norwegian   Oriya   Polish   Portuguese   Punjabi   Romanian   Russian   Somali   Samoan   Serbo_Croatian   Sinhala   Slovak   Slovenian   Spanish   Swahili   Swedish   Tagalog   Tajik   Tamil   Telugu   Thai   Tongan   Turkish   Ukrainian   Urdu   Uzbek   Vietnamese
 About  Disclaimer  Phone# USA 425-610-9216  [email protected]  Donate
Follow on YOUTUBE  YouTube Follow on Facebook  Facebook Follow on X/Twitter  X/Twitter Follow Podcast RSS  Podcast  RSS Follow on Instagram  Instagram Follow on TikTok  TikTok
  PDF Library   Believer's Authority   Heavenly Man, Yun   Torch + Sword   The Harvest   Faith Shoemaker's Vision   Daughter of Sacrifice
Something Funny... 2nd Page, Older Material
×






Menu / Home
Menu / Home

The Way to JesusMga Kapahayagan ng Langit at Impiyerno sa 7 Kabataan ng Columbia

Magkakasama bilang isang grupo, ang 7 kabataan ng Columbia ay isinama ni HesuKristo at ipinakita ang Langit at Impiyerno. Pakinggan ang kanilang ulat ng Kaluwalhatian ng Langit at kaabahan ng Impiyerno.

Dahil sa kalagayan ng pinagkunang talaan, 6 na patotoo lamang ang kaya naming itala.

Halaw sa orihinal na salin mula sa Salitang Kastila. Mga halimbawang larawan ay idinagdag lamang at hindi kasama sa patotoo. Isinalin sa tulong ni Claudia Alejandra Elguezabal

 

  -Heaven-
English  Spanish  Chinese
German  Dutch  Portuguese  Romanian
Korean  Swahili  French   Japanese
Swedish  Indonesian  Finnish  URDU
Afrikaans  Tagalog  Arabic  Italian Malagasy
Hausa  Hungarian  Thai  Malaysian

[www.minluznaciones.org]

--Hell--
English  Spanish 
German  Dutch
Korean Chinese/Trad  Russian Malagasy
Swedish  Swahili  Japanese  Bahasa Malaysian  Indonesian  Tagalog Amharic
Thai  Hungarian  Italian  Bulgarian
Arabic French   Finnish  Romanian
Portuguese  Tagalog   Hausa  URDU

Mga Kapahayagan ng Langit
PDF   DOC  Impiyerno


(Unang Patotoo, Esau)

Heaven2 Corinto 12:2:

Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaalam) na magaw hanggang sa ikatlong langit.

Kami ay nasa silid, nang kami ay unang nagkaroon nang karanasan. Ang silid ay nagsimulang mapuno muli ng liwanag mula sa presensya ng Panginoon. Iyon ay napakalakas na anupa’t nagliwanag ang buong silid. Ang silid ay puno ng kanyang kaluwalhatian, sadyang napaka-inam sa Kanyang harapan.

Sinabi ni Hesus sa amin, “Mga anak, ngayong ipapakita ko sa inyo ang Aking kaharian, pupunta tayo sa Aking Kaluwalhatian.” Naghawak-hawak kami ng aming mga kamay at kami ay umangat pataas. Tumingin ako pababa at napansin ko na umalis kami palabas nang aming mga sariling katawan. Sa aming pag-alis sa aming mga katawan kami ay nadamtan ng mga puting damit at nagpasimula kaming umakyat nang napakatulin.

Dumating kami sa harap ng isang magkaparis na pinto na siyang pasukan sa Kaharian ng Langit. Kami ay namangha sa nangyayari sa amin. Salamat na lamang at kasama namin si Hesus ang Anak ng Diyos, kasama ang dalawang anghel na may tig-aapat na pakpak.

Ang una kong nakita ay isang usa, kaya tinanong ko ang isa sa aking mga kaibigan, “Sandra, ikaw ba ay nakatingin sa parehong bagay na aking tinitignan?” Hindi na siya umiiyak o sumisigaw ngayon, tulad ng ipakita sa amin ang Impiyerno. Siya ay nakangiti at nagsabi: “Oo, Esau, ako ay nakatingin sa isang usa!” Kaya nalaman ko na ang lahat ay totoo, kami nga ay nasa Kaharian ng Langit. Lahat ng mga nakakatakot na nakita naming sa Impiyerno ay biglang nakalimutan na. Naroon kami nagsasaya sa kaluwalhatian ng Diyos. Pumunta kami sa kinaroroonan ng usa, sa likod nito ay natindig ang napakalaking puno! Ito ay nasa gitna ng paraiso.

Ang mga anghel ay nagpasimulang makipag-usap sa amin, subalit hindi namin maunawaan kung ano ang kanilang sinasabi. Ang kanilang mga wika ay ibang-iba sa atin, wala ring katulad na anumang wika sa Mundo. Ang mga anghel na ito ay pinapapasok kami at binuksan nila ang napakalaking pintuan. Nakita naming ang isang napakagandang lugar, na mayroon iba’t-ibang mga bagay. Nang kami ay pumasok, isang ganap na kapayapaan ang pumuno sa aming mga puso. Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na bibigyan tayo ng Diyos ng kapayapaan na hihigit sa lahat ng kaunawaan ng tao. (Filipos 4:7)

Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin sa Pahayag 2:7 “Ang sinuman ay may pandinig, hayaan siyang makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ipagkakaloob ko sa mananagumpay ang makakain mula sa puno ng buhay na nakatindig sa gitna ng paraiso ng Diyos.”

Ang punong ito ay isang simbulo ni Hesus, dahil si Kristo ay buhay na walang hanggan. Sa likod ng puno ay isang ilog na may mala-kristal ng tubig. Ito’y napakalinaw at napakaganda, hindi naming nakita kaylan man sa Mundo. Naisa na lang naming manatili sana sa lugar na iyon. Maraming beses sinabi naming sa Panginoon, “Panginoon pakiusap! Huwag mo na kaming alisin sa lugar na ito! Nais naming dumito na lang kaylan man! Ayaw naming bumalik sa Mundo!” Tumugon ang Panginoon sa amin, “Mahalagang bumalik kayo upang magpatotoo sa lahat ng mga bagay na Aking inihanda sa mga nagmamahal sa Akin dahil Ako ay malapit na malapit nang bumalik at dala ko ang Aking gantimpala.”

Nang makita namin ang ilog, nagmadali kami rito at sumisid. Na alaala namin ang kasulatan na nagsasabi na sinuman ang sumampalataya sa Panginoon, mula sa kanyang tiyan ay dadaloy ang mga ilog ng tubig ng buhay. (Juan 7:38) Ang ilog mula sa ilog na ito ay tila baga may buhay sa kanyang sarili, kaya nilubog namin ang aming mga sarili rito. Sa loob at labas ng tubig nakakahinga kami ng maayos. Ang ilog na iyon ay napakalalim at marami roong iba’t-ibang isda na lumalangoy na may iba’t-ibang kulay. Ang liwanag sa loob at labas ng ilog ay karaniwan; sa Langit ang liwanag ay hindi nagmumula sa isang dako, ang lahat ng bagay ay maliwanag na lamang. Ang Bibliya ay nagsabi sa atin na ang Panginoon Hesus ang liwanag ng lungsod na iyon. (Pahayag 21:23). Sa pamamagitan ng aming mga kamay, kumuha kami ng ilang isda mula sa tubig; hindi sila namatay. Kaya tumakbo kami sa Panginoon at tinanong Siya kung bakit. Ngumiti ang Panginoon at sumagot sa Langit wala nang kamatayan, wala nang pag-iyak, wala nang sakit. (Pahayag 21:4)

Umalis kami sa ilog at pumunta sa iba pang lugar na aming masusumpungan, nais naming mahipo ang maranasan ang lahat ng bagay. Nais naming dalhin lahat ng bagay pabalik sa Mundo kasama namin, dahil lubha kaming namangha sa mga bagay-bagay sa Langit. Ang mga ito ay hindi basta-basta maipapaliwanag nang mga salita, dahil sa kadakilaan ng mga bagay sa Kaharian ng Langit. (2 Corinto 12) May mga bagay kaming nakita na sa anumang paraan ay hindi namin kayang isalarawan.

Pagkatapos dumating naman kami sa isang napakalapad na lugar; isang kamangha-manghang at napakagandang lugar. Ang lugar na ito ay puno ng mga mamahaling bato: ginto, mga esmeralda, mga rubi at mga diamante. Ang sahig ay yari sa purong ginto. Pagkatapos pumunta kami sa isang lugar na mayroong tatlong malalaking Aklat. Ang una ay isang Bibliya na yari sa ginto. Sa mga Awit sinasabi sa atin na ang Salita ng Diyos ay mananatili sa Langit magpakaylan man. (Awit 119:89) Nakatingin kami sa isang napakalaking Bibliya na ginto; ang mga pahina, ang kasulatan, lahat ay yari sa purong ginto.

Ang ikalawang aklat na nakita namin ay mas malaki pa sa Bibliya. Ito ay binuksan at isang anghel ang naka-upo roon nagsusulat sa loob ng aklat. Lumapit kami kasama ang Panginoon upang makita kung ano ang sinusulat ng anghel. Sinusulat ng anghel ang lahat ng mga bagay na nangyayari sa ibabaw ng Mundo. Lahat nang bagay na nangyari, kasama ang petsa, ang oras, lahat ng bagay ay nakasulat doon. Ito ay nangyari upang ang Salita ng Panginoon ay maganap na sinabi ang mga aklat ay binuksan, at ang mga tao sa Mundo ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa na nakasulat sa mga aklat (Pahayag 20:12). Isinusulat ng anghel ang lahat ng mga bagay na ginagawa ng mga tao sa ibabaw ng mundo, mabuti at masama, kagaya nang nasusulat.

Nagpatuloy kami sa lugar na naroon ang ikatlong aklat. ito ay mas malaki kaysa sa huling aklat! Ang aklat ay nakasara, subalit lumapit kami rito. Kaming pito ay sama-samang ibinaba ang aklat mula sa kanyang lalagyan, ayon sa utos ng Panginoon, at ililagay namin ito sa ibabaw ng isang haligi.

Ang mga poste at mga haligi sa Langit ay kamangha-mangha! Hindi sila tulad ng mga gawa rito sa ibabaw ng Mundo. Ang mga haligi ay tulad ng tirintas, ang mga ito ay yari sa iba’t-ibang mamahaling bato. Ang ilan ay yari sa diamante, iba ay yari sa purong esmeralda, iba ay yari sa purong ginto, ang iba ay yari sa kumbinasyon ng iba’t-ibang mamahaling bato. Naunawaan ko na na ang Diyos ang talagang may ari ng lahat ng mga bagay tulad ng nasusulat sa Hageo 2:8, “Ang ginto ay Akin, ang pilak ay Akin.” Naunawaan ko na ang Diyos ay lubhang napakayaman at siya ang nagmamay-ari ng lahat ng yaman sa buong Mundo. Naunawaan ko rin na ang daigdig sa lahat ng kanyang karangyaan ay pag-aari ng ating Diyos, at nais Niya itong ibigay sa lahat nang sa Kanya ay nagsisihingi sa pananampalataya.

Ang sabi ng Panginoon, “Humingi ka sa Akin at ibibigay Ko sa iyo ang mga bansa bilang mana.(Awit 2:8) Ang aklat na ito na ipinatong namin sa ibabaw ng haligi ay napakalaki na upang mailipat mo ang isang pahina kailangan naming lumakad sa isang pahina patungo sa kabilang bahagi ng aklat. Sinubukan naming basahin ang mga nasa loob ng aklat, kagaya nang sabi ng Panginoon. Nang una, napakahirap basahin dahil ito ay nasusulat sa kakaibang guhit na hindi namin maunawaan. Ito ay kakaiba sa anumang wika sa Mundo; ito ay sadyang panlangit. Subalit sa tulong ng Banal na Espiritu, binigyan kami ng biyaya na maunawaan ito. Tulas ito ng isang bandana na inalis mula sa aming mga mata at naunawaan na namin ang nakasulat; malinaw tulad nang aming sariling wika.

Nakita namin na lahat nang pitong pangalan namin ay nakasulat sa aklat. Sinabi sa amin ng Panginoon na ito ay ang Aklat ng Buhay. (Pahayag 3:5) Napansin namin na ang mga pangalan na nakasulat sa aklat ay hindi ang pangalan na tawag sa amin sa ibabaw ng Mundo; ang mga pangalang ito ay bago, upang ang Salita ng Diyos ay maganap nang sabihin na bibigyan Niya tayo ng isang bagong pangalan na walang sinumang nakakaunawa kundi ang taong tumanggap nito. (Pahayag 2:17)

Sa Langit, kaya naming sambitin ang aming mga pangalan, subalit nang kami ay ibalik muli ng Panginoon sa lupa, ang mga pangalang iyon ay inalis sa aming alaala at sa aming mga puso. Ang Salita ng Diyos ay pangwalang-hanggan, at ito ay dapat maganap. Mga kaibigan, ang Bibliya ay nagsabi, (Pahayag 3:11) Huwag mong pahintulutan na kunin nino man ang iyong korona, huwag mong pahintulutan sino man na alisin ang lugar na inilaan na ng Ama para sa iyo. Sa Langit, mayroong milyung-milyon na mga bagay na kamangha-mangha, talagang hindi lang namin kayang sambitin ng aming mga bibig. Subalit may nais akong sabihin sa iyo, “Ang Diyos ay nag-aantay sa iyo!” Gayun pa man ang mg a tao lamang na nagsumikap hanggang huli ang maliligtas! (Marcos 13:13)


(Ikalawang Patotoo, Ariel)

Nang magpasimula kaming umakyat sa Kaharian ng Langit, dumating kami sa isang napakagandang lugar na may mamahaling mga pintuan. Sa harap ng mga pinto ay may dalawang anghel. Nagpasimula silang magsalita, subalit hindi namin sila maintindihan o kung ano ang kanilang pinag-uusapan dahil ito ay mga salitang pang anghel. Subalit ang Banal na Espiritu ay binigyan kami nang pang-unawa. Kami ay pinapapasok nila. Hinawakan ng Panginoon Hesus ang mga pinto at ito ay bumukas. Kung hindi namin kasama si Hesus hindi kami makapapasok sa loob ng Langit.

Kami ay nagpasimulang malugod sa lahat ng mga bagay sa Langit. Nakita namin ang isang malaking puno, ang Bibliya ay inilarawan ang punong ito na “Puno ng Buhay.” (Pahayag 2:7) Pumunta kami sa isang ilog, at nakita ang maraming isda sa loob. Ang lahat ng mga bagay ay pawang kamangha-mangha na ang aking mga kaibigan at ako ay nagpasyang pumunta sa ilalim ng tubig. Nagpasimula kaming lumangoy sa ilalim ng tubig. Nakita namin ang mga isda na pagalagala at niyakap nila ang aming mga katawan. Hindi sila lumangoy papalayo sa amin tulad ng karaniwan sa ibabaw ng Lupa; ang presensya ng Diyos ay nagpapayapa sa mga isda. Ang mga isda ay nagtitiwala sa amin dahil alam nilang hindi namin sila sasaktan. Ako ay talagang pinagpala at namangha na hinawakan ko ang isang isda at inalis ito sa tubig. Ang talagang nakakamangha ay napakapayapa ng isda nalulugod sa presensya ng Panginoon kahit siya ay nasa aking mga kamay. Ibinalik ko ang isda muli sa tubig.

Jesus on the white horseNakikita ko sa di kalayuan na mayroong mga puting kabayo sa Langit, kagaya ng nasusulat sa salita ng Diyos sa Pahayag 19:11. “Pagkatapos nakita kong bumukas ang Langit at isang puting kabayo ang nagpakita. Ang nakasakay dito ay tinawag na Matapat at Totoo; matuwid Siyang humatol at makipagdigma.” Iyong mga kabayo na iyon ang gagamitin ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik sa Lupa upang kunin ang Kanyang mga tao, Kanyang Iglesia. Naglakad ako patungo sa mga kabayo at nagpasimulang himasin sila. Sinundan ako ng Panginoon at pinahintulutan akong sumakay sa isa sa kanila.

Nang ako ay sumakay, may naramdaman akong hindi ko pa naramdaman noon sa ibabaw ng Lupa. Nagpasimula kong maranasan ang kapayapaan, ang kalayaan, ang pag-ibig, ang kabanalan na makakamtan ng isang tao sa napakagandang lugar na iyon. Nagpasimula akong magsaya sa lahat ng mga bagay na aking nakikita. Gusto ko lang magsaya sa bawat bagay sa napakagandang paraiso iyon na inihanda ng Panginoon sa atin.

The banquet tableNakita rin namin ang dulang para sa piging ng kasalan, ang bawat bagay ay naihanda na. Wala itong simula at katapusan. Nakita namin ang mga silya para sa amin. Mayroon ding mga korona ng buhay na walang hanggan na handa na para aming kunin. Nakita namin ang masasarap na pagkain na nakahain na, para sa lahat ng mga aanyayahan sa Kasalan ng Kordero.

Ang mga anghel ay naroroon at may dalang mga puting tela para sa mga balabal na inihahanda ng Panginoon para sa atin. Akoy ay namangha sa pagmamasid sa lahat ng mga bagay na ito. Ang Salita ng Diyos ay nagsasabi sa atin na dapat nating tanggapin ang Kaharian ng Diyos tulad ng maliliit na bata. (Mateo 18:3) Nang kami ay nasa Langit kami ay tulad ng mga bata. Nagpasimula kaming magsaya sa bawat bagay doon; ang mga bulaklak, ang mga tahanan…pinahintulutan din ng Panginoon na makapasok kami sa loob ng mga tahanan.

Pagkatapos dinala kami ng Diyos sa isang lugar na mayroong maraming bata. Ang Panginoon ay nasa gitna nila at nagpasimula Siyang makipaglaro sa kanila. Tiniyak Niyang may sapat na oras Siyang gamitin sa bawat isa sa kanila at Siya ay masayang kasama sila. Lumapit kami sa Panginoon at nagtanong sa Kanya. “Panginoon ang mga bata bang ito ay ang mga ipapanganak sa ibabaw ng Lupa?” Tumugon ang Panginoon, “Hindi, ang mga batang ito ay ang mga nilaglag sa ibabaw ng Lupa.” Nang ito ay marinig ko, nakadama ako ng isang bagay sa aking kalooban na nakapanginig sa akin.

Naalala ko ang isang bagay na nagawa ko sa nakalipas, nang hindi ko pa kilala ang Panginoon. Sa mga panahong iyon, ako ay may karelasyong isang babae at siya ay nabuntis. Nang sabihin niya sa akin na siya ay buntis, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kaya humingi ako sa kanya nang ilang panahon upang makapagpasya. Lumipas ang oras at nang ako ay pumunta sa kanya upang sabihin sa kanya ang aking pasya, ito ay huli na dahil ipinalaglag na niya ang bata. Iyon ay nagmarka sa aking buhay. Kahit na matapos kong tanggapin ang Panginoon sa aking puso, ang pagpapalaglag na iyon ay isang bagay na hindi ko kayang patawarin ang aking sarili. Subalit may ginawa ang Diyos sa araw na iyon, pinahintulutan Niya akong makapasok sa lugar na iyon at sinabi sa akin, “Ariel, nakikita mo ba ang batang babae na naroroon? Ang batang babaeng iyon ay iyong anak.” Nang sabihin Niya ito sa akin, nakita ko ang batang babae, naramdaman ko ang sugat sa aking kaluluwa sa mahabang panahon ay nagpasimulang gumaling. Pinahintulutan ako ng Panginoong lumakad papalapit sa kanya at siya ay lumapit sa akin. Inabot ko siya ng aking mga kamay at tinitigan ang kanyang mga mata. Isang salita ang narinig ko mula sa kanyang mga labi, “Daddy.” Naunawaan ko at naramdaman na kinahabagan ako ng Diyos at pinatawad, subalit dapat kong matutunan na patawarin ang aking sarili.

Mahal kong kaibigan, sinuman ang bumabasa nito, nais kong sabihin sa iyo ang isang bagay. Pinatawad na ng Diyos ang iyong mga kasalanan, ngayon dapat mong pag-aralang patawarin ang iyong sarili. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagpapahintulot na ibahagi ko ang aking patotoo sa inyo. Panginoong HesuKristo ibinibigay ko sa Iyo ang karangalan at kaluwalhatian! Ang patotoong ito ay galing sa Panginoon, pinahintulutan Niya kaming matanggap ang kapahayagang ito. Ako ay umaasa na ang bawat isa sa ating mga kapatid na nagbabasa ng patotoo na ito ay tanggapin din ang pagpapala ng patotoong ito at dalhin upang mapagpala ang marami pang iba.

Pagpalain ka ng Diyos.


(Ikatlong Patotoo)

(Pahayag 21:4)

At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.

Nang kami ay dumating, itong malalaking pintuan ay binuksan para sa amin, at nagpasimula kong makita ang isang lambak na puno ng mga bulaklak. Ang mga bulaklak ay napakagaganda at ang kanilang mga amoy ay katangi-tangi. Nagpasimula kaming maglakad at danasin ang isang lubos na kalayaan na hindi namin naramdaman sa ibabaw ng Lupa. Naramdaman namin ang isang kapayapaan na pumupuno sa aming mga puso at habang kami ay nakatingin sa mga bulaklak napansin namin na sila mga pambihira; bawat talutot ay sari-sari, tunay, at mayroong pambihirang kulay.

Sa loob ng aking puso, Sinabi ko sa aking Panginoon na gusto ko ng isang bulaklak na tulad ng isa sa mga ito. Binigyan ako ng Panginoon nang pangungusap nang pangsangayon, lumapit ako sa isang bulaklak at nagpasimulang bunutin ito. Subalit walang nangyari, hindi ko mabunot ang bulaklak mula sa lupa. Ni hindi ko mapitas ang mga talutot at mga dahon mula sa bulaklak. Pagkatapos binasag ng Panginoon ang katahimikan at sinabi, “Dito ang bawat bagay ay ginagawa sa pag-ibig.” Hinipo Niya ang bulaklak at ito ay nagpasakop ng kusa sa kamay ng Panginoon. At ito naman ay ibinigay Niya sa amin. Nagpatuloy kami sa paglalakad at ang halimuyak mula sa mga bulaklak ay sumasa amin pa rin.

Dumating kami sa isang lugar na mayroong isang pares ng napakagagandang mga pinto. Ang mga pintong ito hindi karaniwan, sila ay lubhang napapalamutian sa kanilang kahusayan at mayroong taglay na mamahaling mga bato nakaukit sa kanila. Ang mga pinto ay bumukas at kami ay pumasok sa isang silid na maraming tao. Ang bawat isa sa kanila ay nagtutumulin pari’t parito sa paghahanda. Ang ilan sa kanila ay may dalang mga rolyo ng kumikinang na puting tela pasan sa kanilang balikat, ang iba ay may mga dalang panghabing may mga gintong sinulid, at ang iba rin naman ay may dalang tila baga mga plato na parang mga kalasag sa loob nila. Ang bawat isa ay tumatakbong may pagpapagal.

Tinanong namin ang Panginoon kung bakit mayroong labis na pagpapagal at pagmamadali. Pagkatapos tinawag ng Panginoon ang isang batang lalake na lumapit. Ang taong ito ay may dalang isang rolyo ng tela sa kanyang mga balikat. Lumapit siya at tumingin sa Panginoon, maypaggalang. Nang tanungin siya ng Panginoon bakit dala-dala niya ang rolyo ng tela na iyon, tumingin lamang siya sa Panginoon at nagsabi, “Panginoon alam mo kung para saan ang telang ito! Ang telang ito ay gagamitin sa paggawa ng mga damit ng mga tinubos, ang mga damit para sa dakilang Babaing Ikakasal.” Sa pagkakarinig ko rito, nakaramdam kami ng isang dakilang kaligayahan at kapayapaan. Pahayag 19:8 sinasabi sa atin: “At sa kaniya'y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka't ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.

Nang lumabas kami sa lugay na iyon lalo kaming nakaramdam ng higit na kapayapaan, dahil tunay na napakagandang tignan na ang Panginoon mismo ang gumagawa ng mga bagay- bagay na mainam para sa atin. Mayroon Siyang lugar at oras para sa iyo dahil mahalaga ka sa Kanya. Nang lumabas kami sa lugar na iyon, ang aming mga mata ay nangaligaw sa iba’t-ibang detalye sa Langit. Para bang ang bawat bagay ay may buhay sa kanyang sarili, at bawat bagay doon ay nagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos.

Pagkatapos dumating kami sa isang lugar na mayroong milyun-milyon at milyun-milyong mga bata, nang lahat ng edad. Nang makita nila ang Panginoon, lahat sila ay nagnasa Siyang yakapin, upang lalong maramdaman ang higit Niyang pag-ibig, dahil Siya ang kanilang kinahuhumalingan. Si Hesus ang kinahuhumalingan ng bawat batang naroon. Nadama namin na parang gusto naming maiyak matapos naming makita kung paano pinagpaparaya ng Panginoon ang bawat isa sa mga batang ito, kung paano Niya halikan sila at hawakan ang kanilang mga kamay.

Jesus with the ChildrenNakita namin kung papaano ang mga anghel lumapit sa Panginoon, dinadala sa Kanya ang mga bata na nakabalot sa lampin. Niyayakap ng Panginoon, hinahawakan, at binibigyan sila ng isang halik sa kanilang mga noo at pagkatapos isasamang muli sila ng mga anghel. Tinanong namin ang Panginoon kung bakit maraming bata roon, ang mga bata bang ito ay ipapadala sa ibabaw ng Lupa. Ang Panginoon ay naantig sumandali, at Kanyang sinabi, “Hindi, ang mga batang ito ay hindi ipapadala sa Mundo! Sila ay ang mga nilaglag sa ibabaw ng Lupa, nakung saan ang kanilang mga magulang ay ayaw silang kamtan. Sila ay Aking mga anak at mahal ko sila.” Tinango ko ang aking ulo, at pati ang aking tinig ay nangatal upang tanungin ang Panginoon nang ganoong tanong.

Noong hindi ko pa kilala ang Panginoon, ang tunay na Buhay na Siya nga, Nakagawa ako ng maraming pagkakamali at nagkasala tulad din ng ibang tao. Isa sa pagkakasala nagawa ko ay ang pagpapalaglag ng sanggol. Mayroong mga pagkakataon na kung saan kailangan kong mapag-isa sa Panginoon at tanungin Siya, “Panginoon, ang bata na inilaglag ko noon, narito ba?” Tumugon ang Panginoon, “Oo.” Nagpasimula akong maglakad sa isa sa mga gilid at nakita ko ang isang magandang batang lalaki. Malapit sa kanyang mga paa nakatayo ang isang anghel. Ang anghel ay nakatingin sa Panginoon, at ang likod ng bata ay nakaharap sa amin.

Sinabi sa akin ng Pangioon, “Tingin, naroon ang iyong anak na lalaki.” Gusto ko siyang makita kaya tumakbo ako sa kanya, subalit ang pinigil ako ng anghel sa pamamagitan ng kanyang kamay. Pinakita niya sa akin na kinakailangang makinig muna ako sa sasabihin ng bata. Tinanong niya ang anghel, “Ang tatay at ang nanay ko ba ay malapit nang pumunta rito?” Ang anghel, nakatingin sa akin, sumagot sa kanya, “Oo, ang tatay at ang nanay mo ay malapit nang dumating.”

Hindi ko alam kung bakit ako binigyan nang karangalang mapakinggan ang mga salitang ito, subalit sa aking puso alam ko na ang mga salitang ito ay ang pinakamainam na kaloob na maibibigay sa aking ng Panginoon. Ang isang maliit na ito ay hindi nagsasalita nang may galit, o sakit, marahil kahit alam niya na hindi namin siya binigyan ng pagkakataon maipanganak . Naghahantay lamang siya na taglay ang pag-ibig na inilagay ng Diyos sa kanyang puso.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, subalit itinago ko ang wangis ng batang iyon sa aking puso. Alam ko na sa bawat araw ay dapat akong magpagal upang makasama ko siya balang araw. Mayroon akong isa pang dahilan upang pumunta roon, dahil mayroong naghihintay sa akin sa Kaharian ng Langit. Ang Salita ng Diyos ay nagsasabi sa atin sa Isaias 65:19, “At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.”

Dumating kami sa isang lugar na may ilang maliliit na bundok, at ang Panginoong Hesus dumating na sumasayaw. Sa kanyang harapan ay maraming mga tao nakasuot ng puting kasuotan at itinaas nila ang kanilang mga kamay na may luntiang sanga ng mga olibo. Nang kanilang iwagayway ang mga sanga sa hangin, naglabas ito ng langis. Ang Diyos ay naghanda ng mga dakilang bagay para sa iyo! Ngayon ang oras para sa iyo na ilagay ang iyong puso sa Kanyang harapan.

Pagpalain kayo ng Diyos.


(Ika-apat na Patotoo)

Sa kaharian ng Langit, nakita namin ang mga kamangha-manghang bagay kagaya ng nasusulat sa Salita ng Diyos, 1 Corinto 2:9, “Datapuwa't gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.

Nang kami ay dumating sa Kaharian ng Langit ito ay talagang kagilagilalas at kamangha-mangha na tignan ang napakaraming bagay at maramdaman ang kaluwalhatian ng Panginoon. Ito ay napaka-espesyal; isang lugar na napakaraming bata. Masasabi namin na mayroon doong milyung-milyong bata sa lugar na iyon.

Nakita namin ang mga batang iba’t-ibang gulang, ang Langit ay nahahati sa iba’t-ibang bahagi. Nakakita kami ng ilang uri ng bahay para sa bata na naglululan ng mga bata sa gulang na 2-4. Napansin din namin na ang mga bata sa Kaharian ng Langit ay lumalaki at mayroon doong isang paaralan na kung saan ang mga bata ay tinuturuan ng Salita ng Diyos. Ang mga guro ay mga anghel at tinuturuan nila ang mga bata ng mga awit pagsamba at kung papaanong luwalhatiin ang Panginoong Hesus.

Nang dumating ang Panginoon, nakikita namin ang matinding kagalakan ng ating Hari. Kahit na hindi namin makita ang kanyang mukha, nakikita namin ang Kanyang ngiti, napupuno nito ang buong lugar. Nang Siya ay dumating, lahat ng bata ay nagtakbuhan sa Kanya! Sa gitna nang lahat ng batang doon, nakita namin si Maria, ang ina ng Panginoong HesuKristo sa ibabaw ng Lupa. Siya ay napakagandang babae. Hindi namin siya nakitang nakaupo sa isang trono at walang ding sumasamba sa kanya. Siya ay naroroon kagaya rin ng iba pang mga babae sa Langit, kagaya nang lahat ng iba pang tao sa ibabaw ng Lupa kinakailangan kamtan rin niya ang kaligtasan. Siya ay may puting kasuotan at isang gintong pamigkis sa palibot ng kanyang baywang, at ang kanyang buhok ay abot hanggang baywang.

Sa ibabaw ng Lupa, nakinig tayo sa maraming tao habang sinasamba nila si Maria bilang ina ni Hesus, subalit nais kong sabihin sa iyo na ang Salita ng Diyos ay nagsasabi, “Ako ang daan, ang buhay, at ang katotohanan, walang sinumang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.” (Juan 14:6)

Napansin din namin na roon ay walang araw o buwan. Ang Salita ng Diyos ay nagsasabi sa atin sa Pahayag 22:5At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw: sapagka't liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.”

Nakikita namin ang kaluwalhatian ng Diyos. Napakahirap para sa amin na ipaliwanag ang mga kakila-kilabot na nakita namin sa Impiyerno, subalit higit na mahirap na ipaliwanag ang mga makalangit na bagay na aming nakita at ang kaganapan ng ating Manlilikha. Nang kami ay naroroon, ninasa naming tumakbo upang makita ang bawat bagay. Maaari kaming humiga sa damuhan, at nararamdaman namin ang kaluwalhatian ng Diyos. Iyong banayad na sipol; iyong banayad na hangin na yumayakap sa aming mga mukha, ay isang bagay na kamangha-mangha.

Sa gitna ng kalawakan, nakakita kami nang isang napakalaking krus na yari sa purong ginto. Naniniwala kami na ito ay hindi isang pagsamba sa diyus-diyosan ngunit tulad lang ng isang simbolong nagpapakita na sa pamamagitan ng kamatayan ni Hesus sa krus, nagkaroon tayo ng pagpasok sa Kaharian ng Langit.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa Langit. Sadyang kabigha-bighani na maglakad kasama ang Panginoong HesuKristo. Doon nakasisiguro kami, kung sino ang Diyos na aming pinaglilingkuran…Hesus na taga Nazareth. Marami sa atin sa ibabaw ng Lupa iniisip na mayroong isang Diyos sa itaas, na nag-aantay sa ating pagkakasala upang parusahan Niya tayo at ipadala tayo sa Impiyerno. Subalit hindi ito ang katotohanan. Makikita natin ang ibang mukha ni Hesus, isang Hesus na kaibigan; isang Hesus na umiiyak kapag ikaw ay umiiyak. Si Hesus ay isang Diyos ng pag-ibig, pagmamahal at kahabagan; Dinadala Niya tayo sa Kanyang mga palad upang tulungan tayong magpatuloy sa landas ng kaligtasan.

Pinahintulutan din ng Panginoon na makadaup-palad namin ang isang tao mula sa Bibliya. Nakatagpo namin si Haring David, si Haring David ay nabanggit sa mga kasulatan. Siya ay isang magandang lalaki, matangkad at mababakas sa kanyang mukha ang Kaluwalhatian ng Diyos. Sa lahat ng oras na kami ay nasa Kaharian ng Langit, ang tanging bagay na ginawa ni Haring David ay sumayaw nang sumayaw nang sumayaw at ibigay ang lahat ng kaluwalhatian at karangalan sa Diyos.

Sa lahat nang nagbabasa ng patotoong ito, nais kong sabihin sa inyo na sa Salita ng Diyos ay sinasabi sa Pahayag 21:27 “At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anumang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero.” At nais ko ring sabihin sa inyo na tanging ang matatapang lamang ang nakasusumpong ng Kaharian ng Langit.

Pagpalain kayo ng Diyos.


(Ikalimang Patotoo)

New Jerusalem(2 Corinto 5:10)

Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo: upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.

Sa Kaharian ng Langit, makikita natin ang Bagong Herusalem na sinasabi sa atin ng Bibliya sa Juan 14:2, “Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.” Makikita natin ang lungsod at makapapasok dito; ito ay isang tunay at kamangha-manghang lungsod! Si Hesus ay nagpunta rito upang ihanda ang mga tirahan para sa atin.

Sa loob ng lungsod, makikita natin na ang bawat tirahan ay may pangalan ng may-ari nakasulat sa harapan nito. Ang lungsod na ito ay hindi pa tinitirhan, subalit nakahanda na para sa atin. Pinahintulutan kaming makapasok sa mga bahay at makita ang lahat ng mga bagay sa loob. Ngunit nang kami ay umalis sa lungsod, nakalimutan namin ang lahat nang nakita namin, ang mga alaalang iyon ay inalis sa amin. Gayunpaman, naaalala namin na ang mga haligi ng mga tahanan ay lantay ng mga mamahaling bakal at mayroong taglay na iba’t-ibang uri ng mga mamahaling bato nakapalamuti sa kanila. Sila rin ay may taglay na purong ginto sa loob nila.

Ang ginto ng lungsod na ito ay katulad ng inilalarawan ng Bibliya; ito ay halos lagusan ang kulay, at napakakintab. Ang ginto sa ibabaw ng Lupa ay hindi maihahalintulad sa kinang at ganda sa ginto na nasa Langit.

Pagkatapos nito, dinala kami sa isang lugar na nagtataglay ng maraming sisidlan. Sa loob ng mga sisidlan ay mga kristal na mga luha. Iyon ay ang mga luha na itinigis ng mga anak ng Diyos sa ibabaw ng Lupa. Hindi sila mga luha ng mga pag-angal, subalit mga luha na itinigis ng mga tao nang sila ay nasa presensya ng Diyos; mga luha ng pagsisisi, mga luha ng pasasalamat. Itinago ng Diyos ang mga luhang ito tulad ng isang mamahaling kayamanan sa Langit, kagaya nang binanggit sa Awit 56:8, “Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala: ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya; wala ba sila sa iyong aklat?

Dumating din kami sa isang lugar na kung saan ay napakaraming mga anghel. Bagaman sa Langit makakakita tayo ng maraming iba’t-ibang uri ng mga anghel, ang lugar na ito ay mayroon lamang isang espesyal na uri. Nakita namin na si Hesus ay may nakalaan na natatanging anghel para sa bawat isang tao. Pinakita rin Niya sa amin na ang anghel na ito ay magiging malapit sa amin sa buo naming pamumuhay. Ipinakilala Niya kami sa mga anghel na nakatalaga sa amin. Kinakailangang makita namin ang kanilang mga katangian, subalit sinabi ng Diyos sa amin na hindi kami pinahihintulutan ipahayag ang mga bagay na ito sa iba. Mababasa natin sa Awit 91:11, “Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.”

Dumating kami sa isang lugar na may maraming laker, sa loob nila ay maraming iba’t-ibang mga bulaklak. Ilan sa mga bulaklak ay binuksan, maganda at marilag. Ngunit ang iba ay parang lumalaylay, ang iba pa ay parang natutuyot na. Tinanong namin ang Panginoon kung ano ang ibig sabihin nang lahat ng mga bulaklak. Siya ay sumagot, “Ito ay dahil sa ang buhay ng bawat isa sa inyo ay tulad ng isa sa mga bulaklak na ito.” Kinuha niya ang isa sa mga marilag na bulaklak at sinabi, “Ang bulaklak na ito ay nagpapakita nang kalagayan nang inyong pakikiniig sa Akin.” Iniwan Niya ang bulaklak at kumuha ng isa pa na nakalaylay. Sabi Niya, “Tignan, ang taong ito ay nanglulupaypay dahil sila ay mayroong isang pagsubok, o isang paghihirap. Mayroong ilang bagay sa buhay na ito na humahadlang sa pakikiniig sa Akin. Alam ba ninyo ang ginagawa ko sa ganitong bulaklak kapag sila ay nanglulupaypay upang sila ay maging maningning at masiglang muli?” Pagkatapos kinuha Niya ang bulaklak sa Kanyang kamay at sinabi, “Ititigis ko ang aking mga luha sa kanila at ibabangon silang muli.” Nakita namin kung paano sa isang makapangyarihang paraan ang bulaklak na ito ay nagpasimulang magkaroon ng buhay muli at tumindig at ang kanyang mga kulay ay magpasimulang lumitaw muli.

Pagkatapos kinuha Niya ang isa sa mga natuyot na bulaklak at itinapon Niya ito sa apoy at sinabi, “Tignan, ang taong ito ay nakilala ako at lumakad papalayo sa akin. Ngayon siya ay namatay na hindi ako kasama at ito ay itinapon sa apoy.(Juan 15:5-6)

Nang umalis kami roon, nakakita kami ng isang magandang kastilyo napakalayo ang distansiya. Walang sinuman ang nagtangkang lumapit sa kastilyong iyon, at naniniwala kami sa sinasabi ng kasulatan tungkol dito sa Pahayag 22:1, “At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero.” Naniniwala kami na ang kastilyo ay marahil nakatindig malapit sa presensya at trono ng Diyos.

Habang nararanasan namin ang lahat ng mga bagay na ito sa Kaharian ng Langit, taglay namin ang labis na kagalakan sa aming mga puso, mayroon kaming mapayapaan na lumalampas sa lahat nang pang-unawa. (Filipos 4:7) Naunawaan namin tulad ng nasusulat sa 1 Pedro 1:4,Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, na inilaan sa langit para sa inyo.


(Ika-anim na Patotoo)

(Lucas 22:30)

Upang kayo'y magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko; at kayo'y magsisiupo sa mga luklukan, na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel.

Sa loob ng kagila-gilalas na lugar na iyon, pinahintulan ng Diyos na makita namin ang para sa amin ay ang pinakamagandang panghandaang bulwagan na naririto sa buong sansinukob. Nakita namin ang isang higanteng trono na may dalawang upuan na purong ginto at mga mahahalagang bato na hindi matatagpuan sa ibabaw ng Lupa. Sa harap ng higanteng trono ay isang lamesa na walang katapusan, sa ibabaw nito ay nakasapin ang puting mantel. Ito ay napakaputi na hindi natin maihahambing sa anumang bagay sa ibabaw ng Lupa.

Lahat ng uri ng mga katangi-tangi at dinalisay na mga pagkain ay nakahain sa ibabaw ng lamesa. Nakita namin ang ubas na kasing-laki ng dalandan at pinahintulutan kami ng Panginoon na matikman ang ilan sa kanila. Natatandaan pa rin namin ang mga lasa nila, ito ay isang bagay na kamangha-mangha! Aking kapatid at kaibigan, hindi mo kayang isipin ang lahat ng mga bagay na nakahanda sa Kaharian ng Langit at kung ano ang inihanda ng Diyos para sa iyo. (1 Corinto 2:9)

Ganoon din sa ibabaw ng lamesa, pinahintulutan ng Diyos na makita namin ang tinapay, ang “Manna”. Ito ang tinapay ng Diyos na sinabi sa atin ng mga Kasulatan. Pinahintulutan kami na magsaya sa lasa nito kasama nang ng marami pang ibang kamangha-manghang mga bagay na hindi masusumpungan sa ibabaw ng Lupa.

Ang mga bagay na ito ay pawang nag-aantay sa atin bilang ating hindi nasisirang mana sa Kaharian sa Langit. Tayo ay magsasaya sa ilang kamangha-manghang’t katangi-tanging at masasarap na pagkain kapag minana na natin ang Kaharian ng Langit. Kami ay namangha na ang mga upuan ay nakaayos sa magkabilang bahagi ng lamesa. Itong magagandang upuan ay may mga pangalan nakasulat sa bawat isa sa kanila. Nababasa namin nang malinaw ang aming mga pangalan sa ibabaw ng mga upuang yaon, subalit ang aming mga pangalan ay hindi katulad nang pangalan namin sa ibabaw ng Lupa. Ito ang mga bagong pangalan na walang sinuman ang nakakaunawa kundi ang aming mga sarili. (Pahayag 2:17)

Namangha kami sa nakasulat sa Salita ng Diyos, “Huwag kayong magalak na ang mga demonyo ay nagpapasakop sa inyo, magalak kayo dahil ang inyong mga pangalan ay nakasulat na sa Langit.” (Lucas 10:20) Napakaraming mga upuan! Mayroon pang lugar para sa lahat nang ibig pumunta sa Kaharian ng Langit. Mayroon ding mga upuan na inalis mula sa lamesa. Ang ibig sabihin ay may lalaki at babae na napagod sa paglilingkod sa Diyos, at ang kanilang mga pangalan ay binura mula sa Aklat ng Buhay at sila ay inilayo mula sa Piging ng Kasalan ng Cordero.

Pinahintulutan din ng Diyos na makita namin ang mga lalaki mula sa Bibliya, ang mga kamangha-manghang binanal na nababasa natin sa mga Kasulatan. Kami ay namangha na makita si Abraham. Si Abrahan ay isang matanda, subalit hindi sa kanyang katawan o sa itsura. Siya ay matanda sa pamamagitan ng karunungan na taglay niya. Ang buhok ni Abraham ay puti na lahat, ngunit ang bawat buhok ay katulad ng salamin o diamanteng sinulid. Ang lalong nakamangha sa amin ng higit ay mas bata pa siya sa amin. Sa Langit, lahat tayo ay magbabalik-sigla at magiging bata. Kami rin ay namangha sa kanyang mga salita. May sinabi si Abraham sa amin na hindi namin malilimutan. Pinapasok niya kami sa Kaharian ng Langit at sinabi sa amin na malapit na kaming manatili sa lugar na iyon, dahil ang pagparito ng Panginoong HesuKristo ay matulin nang papalapit nang papalapit.

Isinalin sa Tagalog ni Pastor Reyn Araullo
e-mail:
[email protected]
Ika-22 ng Disyembre, 2007
(Philippines)