×
Home: Mobile Home: Original Style Christian Netflix Jewish Stories X-Witch X-Muslim MP3 Bible Bible Movies Gospel Videos Godly Movies CBN Videos Kids Videos Worship Music Vids for New Believers Random Video Ask AI Bible Questions What's New
  Kat Kerr   Anna Rountree   Mary Baxter   Several #1   Several #2   Choo Thomas   Ian McCormack   Burpo   I saw His Glory   7 Colombian Youths   Heavenly Blood   Heaven Testimonies
  Lazarus   Bill Wiese   Mary Baxter   Dr. Rawlings   J. Perez   Hepzibah   Ptr. Park   7 Columbian Youths
  Atomic Prayer   Prayers that ROUT demons   Courts of Heaven   Warfare + Blessing   Healing   Declaration   101 Decrees   Healing Decrees Capps   Prayers to Cover Everything   Tongues   Rosary   Artic Fire   Why Should We Pray?   Why Bother
  MP3 Bible   10 Commandments   Learn Bible in 24 Hours   40 Spiritual Lessons   Alpha   Foundations   Bible Commentaries   Book of Mormon   Temple Study   Red Letters   Divine Healing Training   God Story   Gap Theory   Creation to Christ   Book of John   Kids Bible Cartoons   Derek Prince Teaching   Jesus Film   Digital Bible   Bible Codes ELS   Memorize the Bible   Bible Games
  Passion of Christ   New Jesus Film   Introduction   Names of God   Jesus IS...   Jesus Film   That's My KING   Father's Love Letter   Celestial Hug
  Warfare Training 1   Warfare Training 2   Casting Out demons   They Shall Expel demons   Combat   Examples   Warrior King   Exorcism   Prayer   Deliverance Song   Ask Him   demonology   Clarita   NUWI
  Final Quest   The Call   Tommy Hicks   3 Days   Angel Song   The Prison   H.A.Baker
  Best #1   Best #2   Generals   Ramirez   Supernatual Stories   Spiritual Food   Dale Black   Bishop Kelley   Sid Roth   Fatima   Richard Sigmund   Gary Wood   Roland Buck   Rees Howells   Baptized by Fire   Todd White   Gary Beaton   Victor Marx   Akiane   Theo Nez   Milton Alvarez   Nun's Story   Retha McPherson   Tomas Welch
  Booth's Vision   Frank Jenner   Hell's Best Kept Secret   EE-Taow   Manifesting Power   LivingWaters   Atheist Delusion   Using AI for Jesus   Sharing w/ Muslims   Sword + Serpent
  Revival Hymn   Jesus in China   Freemason Curruption   Modern Child Sacrifice   the WAR on Children   XGay   Transformations   Ark of Covenant   Soul Ties   Last Reformation   Noah's Ark Found   Does GOD Exist   Political Issues   Fake Mountain   7 Mountains   ID vs Evolution   Bible Science   American History   China Records   Case: Creator   Case: Christ   Case: Faith   Little Lessons   Deadly Mistakes   Enemies Within   Chinese Characters   Global Warming   The Final Frontier   Understanding Israel   Testing Joseph Smith   Targeting Kids
  X-Muslim   Journey of Hope   Islam Rising   ACT   Jihad   Best Muslim Story   Enemies Within   Answering Islam   Killing for Heaven   Killing the Infidel
  Downloadable MP3 Worship Music   Online Worship Music   Practice Presence of God  DivineRevelations University   Free Posters   Christian Pictures   Kids Christian Cartoons   Bible Trivia   End Times Visions   Fractal Praise   Soaking Music   Communion Verses   Bobby Conner   Brother Yun   Contorting Jesus   Civil War   Prayer Tank   Fiscal Cliff   Understanding Economics   Who takes the Son   Christian GPTs
  All Languages   Afrikaans   Albanian   Amharic   Arabic   Bengali   Bulgarian   Burmese   Cambodian   Catalan   Chinese   Czech   Danish   Dutch   Farsi   Finnish   French   German   Greek   Gujarati   Hausa   Heberw   Hindi   Hungarian   Indonesian   Italian   Japan   Kannada   Khazanah   Korean   Laos   Malagasy   Malayalam   Malaysian   Marathi   Mongolian   Nepali   Norwegian   Oriya   Polish   Portuguese   Punjabi   Romanian   Russian   Somali   Samoan   Serbo_Croatian   Sinhala   Slovak   Slovenian   Spanish   Swahili   Swedish   Tagalog   Tajik   Tamil   Telugu   Thai   Tongan   Turkish   Ukrainian   Urdu   Uzbek   Vietnamese
 About  Disclaimer  Phone# USA 425-610-9216  [email protected]  Donate
Follow on YOUTUBE  YouTube Follow on Facebook  Facebook Follow on X/Twitter  X/Twitter Follow Podcast RSS  Podcast  RSS Follow on Instagram  Instagram Follow on TikTok  TikTok
  PDF Library   Believer's Authority   Heavenly Man, Yun   Torch + Sword   The Harvest   Faith Shoemaker's Vision   Daughter of Sacrifice
Something Funny... 2nd Page, Older Material
×






Menu / Home
Menu / Home

HellMga Kapahayagan ng Langit at Impiyerno sa 7 Kabataan ng Columbia

Magkakasama bilang isang grupo, ang 7 kabataan ng Columbia ay isinama ni HesuKristo at ipinakita ang Langit at Impiyerno. Pakinggan ang kanilang ulat ng Kaluwalhatian ng Langit at kaabahan ng Impiyerno.

Dahil sa kalagayan ng pinagkunang talaan, 6 na patotoo lamang ang kaya naming itala.

Halaw sa orihinal na salin mula sa salitang Kastila. Mga halimbawang larawan ay idinagdag lamang at hindi kasama sa patotoo. Isinalin sa tulong ni Claudia Alejandra Elguezabal

 

  -Heaven-
English  Spanish  Chinese
German  Dutch  Portuguese  Romanian
Korean  Swahili  French   Japanese
Swedish  Indonesian  Finnish  URDU
Afrikaans  Tagalog  Arabic  Italian Malagasy
Hausa  Hungarian  Thai  Malaysian

[www.minluznaciones.org]

--Hell--
English  Spanish 
German  Dutch
Korean Chinese/Trad  Russian Malagasy
Swedish  Swahili  Japanese  Bahasa Malaysian  Indonesian  Tagalog Amharic
Thai  Hungarian  Italian  Bulgarian
Arabic French   Finnish  Romanian
Portuguese  Tagalog   Hausa  URDU

Mga Kapahayagan sa Impiyerno

PDF   DOC   Langit


(Unang Patotoo)

Lucas 16:19-26 Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya'y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng sagana: At isang pulubi na ang pangala'y Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa kaniyang pintuan, At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat. At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing; At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito. Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan. At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga mag-ibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin.

Ang Bibliya, ang salita ng Diyos, ay napaka linaw sa paksa ng langit at impiyerno. Sa bahaging ito na ating nabasa, ang Panginoon ay nagsasabi sa atin tungkol sa dalawang lugar: Langit at Impiyerno, ang kapahamakan o ang kaligtasan. Wala ritong lugar sa pagitan. Ang purgatoryo ay hindi tunay. Limbo ay hindi rin tunay, na kung saan ang tao ay pansamantalang lalagi matapos na sila ay pumanaw mula sa Daigdig at pagkatapos ay tutungo sa Langit; ang Bibliya ay napaka linaw tungkol sa mga bagay na iyan.

(Ika-11 ng Abril, 1995) Ang Diyos ay nagbigay sa amin ng kapahayagan na nagpabago sa landasin ng aming mga buhay. Nagpapasimula pa lamang kaming makilala ang tungkol sa Diyos at ang Kanyang Salita. Kami ay pitong kabataan na kung saan ay binigyan ng Diyos ng karangalan at malaking tungkulin na ibahagi ang kapahayagang ito sa mundo.

Ang lahat ay nagsimula sa bandang ika- 10 ng umaga. Kami ay nananalangin at handa na upang tumungo sa picnic sa hapon ng araw ding yaon. Pagdakay bandang ika-10 ng umaga, isang matinding liwanag ang sumilay sa isa sa mga bintana. Nang nagpakita ang liwanag, lahat kami ay sabay-sabay na nagsalita sa ibang wika at nabautismuhan sa Espiritu Santo.

Sa sandaling iyon, lahat kami ay namangha at nagimbal sa aming nakita. Ang maluwalhating liwanag na iyon ay nagpaliwanag sa buong silid. Ang liwanag sy higit na malakas kaysa liwanag mula sa araw. Sa gitna ng liwanag, nakita namin ang hukbo ng mga anghel nakadamit ng puti. Ang mga anghel na ito ay napaka gaganda, matatangkad at napaka inam tignan.

Sa gitna ng lahat ng mga anghel nakita naming ang isang kamangha-manghang hugis ng isang lalaki. Ang wangis na ito ay isang pambihirang nilalang, isang lalaki na nakadamit sa isang napakaputing mantel at mga kasuotan. Ang Kanyang buhok ay tulad ng mga gintong sinulid. Hindi naming mabanaag ang Kanyang mukha ito ay lubhang nagluluning-ning. Subalit, nakita naming ang isang bigkis sa palibot ng Kanyang dibdib, may mga gintong titik na nagsasabi: “Hari ng mga hari at Panginoon ng panginoon.” Siya ay nakasuot ng purong gintong sandalyas sa kanyang mga paa, at ang Kanyang kagandahan ay walang kapantay. Nang makita naming ang presensya ng Lalaking ito, kaming lahat ay napaluhod sa aming mga tuhod.

At pagkatapos pinasimulan naming pakinggan ang Kanyang tinig. Ito ay napaka espesyal at kamangha-mangha; bawat salita bumaon sa aming mga puso tulad ng isang tabak na magkabila’y talim; parang tulad nito ang nasusulat sa salita ng Diyos (Hebreo 4:12). Siya ay nangusap sa amin sa napaka simple subalit makapangyarihang mga salita. Nadinig naming sinabi Niya sa amin, “ Aking mumunting mga anak, huwag kayong matakot, Ako si Hesus na taga Nazareth, at Ako’y dumalaw sa inyo upang ipakita ang isang hiwaga upang inyong maipakita at masabi sa mga bayan, mga bansa, mga lungsod, mga simbahan, at sa lahat ng dako. Kung saan ko sabihin na kayo ay humayo, kayo ay hahayo, at kung saan ko sabihin sa inyo na huwag humayo, ay hindi kayo hahayo.

Ang Banal na Bibliya, ang Salita ng Diyos, ay nagsasabi sa Joel 2:28At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:” Ito ang mga oras na inihahanda ng Diyos para sa bawat isa.

Pagkatapos mayroon kakaibang nangyari, isang malaking bato ang lumabas sa gitna ng silid, at ang Panginoon, na kasama namin, ginawang kami ay lumulan sa malaking bato na iyan. Ang malaking bato ay waring walong pulgada naka-angat mula sa sahig, at isang malaking butas ang lumitaw sa sahig. Ito ay isang malaking, madilim, makapangingilabot na hukay o yungib. Di nagtagal, kami ay nanga hulog sa ibabaw ng malaking bato at tumungo padausdos sa hukay na nasa sahig. Ito ay napakadilim at dinala kami nito sa gitna ng mundo.

Habang kami ay nasa mapanglaw na kadiliman, kami ay natakot! Kami ay lubhang natakot at sinabi sa Panginoon, “Panginoon ayaw naming pumunta sa lugar na iyan! Huwag Niyo kaming dalhin sa lugar na iyan Panginoon! Alisin Mo kami rito Panginoon!” Ang Panginoon ay tumugon sa amin sa isang napakaganda at mapagmahal na tinig, “Ang karanasang ito ay kinakailangan upang inyong makita at sabihin sa iba.”

Kami ay nasa hugis sungay na daan sa ilalim ng lupa, at naka tingin kami upang makita ang mga anino, mga demonyo at mga hugis na gumala mula sa iba’t-ibang lugar. Nagpatuloy kami sa paglalim at paglalim pababa. Sa ilang saglit lamang, naramdaman namin ang kawalang-kabuluhan at isang napakalaking takot.

Pagkatapos dumating kami sa ilang mga lungga sa ilalim ng lupa; sa ilang nakapangingilabot na mga pintuan, tulad sa isang maraming lagusan. Ayaw naming tumungo sa loob. Napansin naming ang isang napakabahong amoy at isang init na sumasakal sa amin. Nang kami ay pumasok, nakita namin ang nakakasindak na mga bagay, nakapangingilabot na mga wangis. Ang buong lugar ay nasasakupan ng mga apoy; at sa gitna ng mga apoy, mayroong mga katawan ng libu-libong mga tao. Sila ay naghihirap sa matinding parusa. Ang tanawin ay sobrang nakakatakot, ayaw naming makita ang ipinapakita sa amin.

Ang lugar ay nahati sa ibat-ibang mga bahagi ng parusa at paghihirap. Isa sa mga unang bahagi na pinahintulutan ng Panginoon na aming makita ay ang “Lambak ng mga Kaldero” na amin itong tinawag. Mayron doong milyung-milyong kaldero. Ang mga kaldero ay mayroong laman at pantay sa lupa; bawat isa sa kanila ay may naglalagablab na putik na bato sa loob. Sa loob ng bawat isa ay ang kaluluwa ng isang tao na namatay at napunta sa impiyerno.

Nang makita ng mga kaluluwa ang Panginoon, nagpasimula silang humiyaw at tumili, “Panginoon mahabag ka sa amin! Panginoon bigyan mo ako ng pagkakataon na maka-alis sa lugar na ito! Panginoon, alisin mo ako at sasabihin ko sa daigdig na ang lugar na ito ay tunay!” Subalit ang Panginoon ay hindi man lamang tumingin sa kanila. Mayroong milyun-milyong lalake, babae, at mga kabataan sa lugar na iyon. Nakita rin naming ang mga baklang lalake, babae, at mga lasingero sa pagdurusa. Nakita naming ang lahat ng mga taong ito na humihiyaw sa labis na paghihirap.

Na gimbal kaming makita kung paano ang kanilang mga katawan ay mawasak. Mga bulate ay naglalabas masok sa kanilang mga sisidlan ng mga mata, mga bibig, at mga tainga; at pumapanuot sa balat at sa lahat ng bahagi ng kanilang mga katawan. Ito ay ang kaganapan ng salita ng Diyos nasulat sa aklat ng Isaias 66: 24 “At sila'y magsisilabas, at magsisitingin sa mga bangkay ng mga taong nagsisalangsang laban sa akin; sapagka't ang kanilang uod ay hindi mamamatay, o mamamatay man ang kanilang apoy: at sila'y magiging kayamutan sa lahat ng mga tao.” Ganoon din sa Marcos 9:44, “Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.” Kami ay sadyang nahintakutan sa aming namamalas. Nakita namin ang lagablab ng mga apoy ay 9 hanggang 12 talampakan ang taas. Sa loob ng bawat lagablab, mayroong kaluluwa ng isang tao na namatay at napunta sa impiyerno.

John LennonJohn Lennon

Pinahintulutan kami ng Panginoon na makita ang isang tao sa loob ng isa sa mga kaldero. Siya ay naka baligtad at ang laman sa kanyang mukha ay lumalagpak isa-isa. Siya ay nanatiling masusing nakamasid sa Panginoon; at pagkatapos nagpasimulang humiyaw at tumawag sa Pangalan ni Hesus. Sabi niya, “Panginoon mahabag ka! Panginoon bigyan mo ako ng pagkakataon! Panginoon alisin mo ako sa lugar na ito!” Subalit ang Panginoong Hesus ay ayaw man lang tumingin sa kanya. Tumalikod lamang si Hesus sa kanya. Nang gawin ni Hesus ito, ang tao ay nagpasimulang sumpain at lapastanganin ang Panginoon. Ang taong ito ay si John Lennon, ang kasapi sa satanistang grupong musiko, “The Beatles.” Si John Lennon ay isang tao na nang hamak at nangutya sa Panginoon nang siya ay nabubuhay pa. Sinabi niya na ang Kristiyanismo ay maglalaho at si HesuKristo ay malilimutan ng bawat tao. Subalit, ngayon ang taong ito ay nasa impiyerno at si HesuKristo ay buhay! Ang Kristiyanismo rin ay hindi naglaho.

At ng kami ay nagpasimulang lumakad sa mga gilid ng lugar na iyon, ang mga kaluluwa ay iniaabot ang kanilang mga kamay sa amin at nagmamakaawa para sa habag. Pinakikiusapan nila si Hesus na alisin sila roon, subalit ang Panginoon ay di man lamang tumingin sa kanila.

Pagkatapos nito ay nagpasimula kaming pumunta sa iba’t-ibang bahagi. Napunta kami sa pinaka nakapangingilabot na bahagi ng impiyerno, na kung saan ang pinaka grabeng pagdurusa ay nanagaganap; ang gitna ng impiyerno. Ang pinaka masinsin na mga anyo ng pagdurusa; mga pagdurusang sadyang di kayang sambitin ng isang tao. Ang mga tao lamang na naririto ay yaong nakakakilala kay Hesus at sa Salita ng Diyos. Mayroon doong mga pastor, mga evangelista, mga misyonero, at lahat ng mga uri ng tao na minsan tinanggap si Hesus at naka-alam ng katotohanan; subalit namuhay ng isang dobleng pamumuhay.

Mayroon din doon mga tumalikod na mananampalataya; ang kanilang pagdurusa ay isang libong ulit ang hirap higit sa kanino pa man. Sila ay sumisigaw at nagmamakaawa sa Panginoon ng habag, subalit ang salita ng Panginoon ay nagsasabi sa aklat ng Hebreo 10:26-27Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilalkilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway ng Diyos.”

Ang mga kaluluwang iyon ay naroon dahil sila’y nangaral, nag-ayuno, umawit at nagtaas ng kanilang mga kamay sa simbahan subalit sa mga lansangan at mga tahanan sila ay nasa pangangalunya, pakikiapid, pagsisinungaling, pagnanakaw. Hindi tayo makapagsisinungaling sa Diyos. Ang sabi ng Bibliya siya na binigyan ng higit higit din ang pagsusulit. (Lucas 12:48)

Pagkatapos pinahintulutan kami ng Diyos na makita ang dalawang babae na minsan ay naging mga Kristiyanong magkapatid habang sila ay nasa mundo, subalit hindi sila namuhay ng matuwid sa harap ng Panginoon. Sabi ng isa sa isa, “Ikaw na sinumpang bigo! Ikaw ang may sala kung kaya’t narito ako sa lugar na ito! Hindi mo ipinangaral sa akin ang banal na mabuting balita! At dahil sa hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa katotohanan, narito ako ngayon sa impiyerno!” Sila’y nangungusap ng ganito sa isa’t-isa sa gitna ng naglalagablab na apoy, at namumuhi sila sa isa’t-isa dahil wala roong pag-ibig, habag o pagpapatawad sa impiyerno.

Mayroon doong libu-libong kaluluwa na alam ang Salita ng Diyos, subalit ang kanilang buhay ay hindi malinis sa harapan ng banal na presensya ng Panginoon. “Hindi ka maaaring makipaglaro sa Diyos o kahit sa mga apoy ng impiyerno!” sabi ng Panginoon. Sinabi Niya sa amin, “Mga anak, lahat ng paghihirap sa mundo pagsamasamahin sa isang lugar ay bale wala, BALE WALA kumpara sa pagdurusa ng isang tao na taglay sa pinaka mainam na mga bahagi ng impiyerno.” Kung ito ay ganoon kalunos- lunos para sa kanila na nagdurusa ng bahagya sa impiyerno, gaano pa kaya ka-grabe itong sa kanila na nagdurusa sa gitna ng impiyerno, na minsan nakaalam ng Salita ng Panginoon at lumakad papalayo rito. Pagkatapos sabi ng Panginoon sa amin na kami na maaaring makipaglaro sa apoy sa mundo, subalit hindi kailan man sa apoy ng impiyerno.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa iba’t ibang lugar at ipinakita sa amin ng Panginoon ang iba’t-ibang mga tao. Nakikita namin na ang lahat ng mga tao roon ay may humigit kumulang na anim na iba’t-ibang uri ng pahirap. Mayroon doong mga kaluluwa pinahirapan ng mga demonyo ng lahat ng uri ng mga pahirap. Iba pang teribleng pahirap ay ang kanilang sariling budhi na nagsasabi, “Alalahanin mo nang sila ay nangangaral sa iyo, alalahanin mo nang marinig mo ang Salita ng Diyos, alalahanin mo nang sabihin nila sa iyo ang tungkol sa impiyerno at ikaw ay tumawa tungkol dito.” Ang kanilang sariling mga consyensya ang nagpahirap sa kanila; tulad ng mga bulate na gumagapang sa ibabaw ng kanilang mga katawan, tulad ng mapangtupok na apoy na libu-libong ulit higit na mas ma-init sa nalalaman natin. Ito ang gantimpala na ini-laan ng Diyablo para sa lahat sa kanila na naghahanap at sumusunod sa kanya.

Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi sa Pahayag 21:8Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.

Sumunod, ipinakita sa amin ng Panginoon ang isang tao na pumatay ng anim na katao. Ang anim na taong ito ay nakapalibot sa kanya ngayon, at sumisigaw sa kanya na nagsasabi, “Ito’y pagkakamali mo na kaming lahat ay naririto sa lugar na ito, IYONG KAMALIAN!” Ang mamatay tao ay sikap na tinatakpan ang kanyang mga tainga dahil ayaw niyang pakinggan sila, subalit hindi niya maiwasan pakinggan dahil sa impiyerno ang lahat ng iyong pakiramdam ay higit na sensitibo.

Mga kaluluwa sa lugar na iyon ay pinahirapan nang di makayanang uhaw sa tubig na hindi mapapatid sa anumang paraan; tulad ng kuwento sa Bibliya kay Lazaro at ang mayamang tao. (Lucas 16:19) Ang mayamang tao sa impiyerno ay nagnais kahit isang patak ng tubig, na makakasapat na. Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi sa Isaias 34:9, “At ang mga batis niya ay magiging sahing, at ang alabok niya azufre, at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing.

Fruit Tree of fireSa lugar na iyon, bawat kaluluwa ay nasa gitna ng apoy. Ang mga tao ay nakita nang guniguni ng mala-kristal na linaw ng tubig ng mga ilog sa gitna ng apoy; subalit nang sila’y magtangka abutin ang mga ito, ang mga ilog ay naging apoy. Nakakita rin sila ng mga puno na may bunga na nagdudulot ng tubig; subalit nang subukin nilang kunin ang mga ito, sila’y nasunugan ng mga kamay at kinukutya sila ng mga demonyo.

Pagkatapos dinala kami ng Diyos sa isang lugar na higit na masama kaysa sa ibang mga lugar na aming nakita. Nakita naming ang lawa ng apoy at nagbabagang bato. Sa isang bahagi ng lawa ay mayroong maliit na lawa. Sa mas maliit na lawa, mayroong milyong-milyong-milyong mga kaluluwa ang umiiyak at nagmamaka-awa sa Panginoon na magkaroon nang habag sa kanila. Sinabi nila sa Kanya, “Panginoon paki-usap! Alisin mo kami rito kahit isang saglit lang!” Paki-usap bigyan mo ako ng pagkakataon na makalabas!!!” Datapwat, ang Panginoon ay walang magawang anuman para sa kanila dahil ang kanilang kahatulan ay nakatakda na.

Mula sa mga milyon at mga milyong mga tao, pinahintulutan kami ng Panginoon na tumuon sa isang tao na ang katawan ay kalahating nakalubog sa lawa ng apoy. Pinahintulutan ng Panginoon na aming maunawaan at malaman ang Kanyang mga iniisip. Ang pangalan ng taong yaon ay Mark. Kami ay namangha sa mga bagay na sinabi ng taong ito sa kanyang sarile, sa kanyang mga iniisip. Natutunan namin ang walang hanggang aral nang marinig namin ang mga sumusunod na kaisipan, “Ibibigay ko ang anuman para kamtan ang inyong kalagayan ngayon! Ibibigay ko ang anuman upang makabalik sa mundo kahit isang minuto lamang. Hindi ko na aalalahanin pa kung ako ang pinaka kawawa, pinaka masakitin, pinaka kamuhian, o ang pinakamahirap na tao sa mundo, ibibigay ko ang lahat makabalik lamang! Kahit isang minuto lamang sa ibabaw ng mundo.” Ang Panginoong Hesus ay hinahawakan ang aking kamay. Sumagot si Hesus sa mga iniisip ni Mark sinasabi, “Mark, bakit mo gustong bumalik sa mundo kahit na sa isang minuto lamang?” Sa isang umiiyak at nahihirapang tinig, sinabi niya kay Jesus, “Panginoon! Ibibigay ko ang anuman upang makabalik sa mundo kahit sa isang minuto lamang upang makapagsisi at maligtas.

Nang marinig ng Panginoon ang sinabi ni Mark, nakita kong may dugong lumabas mula sa mga sugat ni Hesus at napuno ng luha ang Kanyang mga mata nang sabihin Niya, “Mark, ito ay lubhang huli na para sa iyo! Mga bulate ay nakahanda para sa iyong higaan at mga bulate ang lulukob sa iyo.” (Isaias 14:11) Nang sabihin ito ng Panginoon sa kanya, siya ay lumubog sa lawa magpakailanman. Nakalulungkot, lahat ng mga kaluluwang naroon ay wala na ngang pag-asa. Tayo lamang nasa ibabaw ng mundo ang mayroong pagkakataon na magsisi ngayon at makapunta sa Langit kasama ang ating Panginoong HesuKristo.

Ngayon ay iiwanan ko kayong kasama ang aking kapatid na babae upang magpatuloy sa patotoong ito, salamat sa iyo.


(Ikalawang Patotoo, Lupe)

Pagpalain kayo ng Diyos mahal na minahal na mga kapatid, Basahin natin ang Salita ng Panginoon mula sa Awit 18:9. “ Kaniya namang iniyuko ang mga langit , at ibinaba; at salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.” Nang abutin ng Panginoon ang aking kamay, hinawakan ko ang Kanyang kamay at nagsimula kaming bumaba pailalim sa butas na iyon sa ilalim ng lupa. Ang butas sa ilalim ng lupa ay patuloy na dumilim ng dumilim hanggang sa hindi ko na makita kahit ang isa ko pang kamay, na hindi nakahawak sa kamay ng Panginoon.

Pagdakay, dumaan kami sa tila baga madilim at kumikislap; na nagbibigay ng ingay. Ang kadiliman ay lubhang napakakapal, hindi man lamang makita ng iyong kamay ang mga pader ng butas sa ilalim ng lupa. Ang aming pagbaba ay napaka bilis, na tila baga humihiwalay ang aking kaluluwa mula sa aking katawan.

Di naglaon napansin ko ang isang napakabahong amoy; tulad ng amoy ng nabubulok na laman. Ito’y patuloy na pasama ng pasama sa bawat sandali. Pagkatapos narinig ko ang mga

tinig ng mga milyon at mga milyong mga kaluluwa. Sila’y humihiyaw ng walang katapusan, nananaghoy ng malakas at umuungol. Ako’y lubhang natakot kaya’t ako’y pumihit sa Panginoon at nagsabi, “Panginoon saan Mo ako dadalhin? Panginoon mahabag Ka sa akin!” Sinabi lamang ng Panginoon, “Ito’y mahalaga na iyong makita, upang iyon masabi sa bawat isa.”

HellNagpatuloy kami pababa dito sa hugis-sungay na butas sa ilalim ng lupa hanggang marating namin ang isang lugar na pangkalahatang dilim. Tulad ng paghila ng isang mabigat na kurtina mula sa aking mga mata, nakita ko pagkatapos ang mga milyon at mga milyong mga apoy. Lalong lubha, narinig ko itong mga hirap na hirap na mga hiyawan subalit wala akong makitang sino man. Ako’y tunay na natakot. Ang sabi ko sa Panginoon, “O pakiusap Panginoon mahabag Ka sa akin! O pakiusap Panginoon mahabag Ka sa akin! Huwag mo akong dalhin sa lugar na ito! Patawarin Mo ako!” Sa oras na ito, hindi ko naisip na ako ay isa lamang tagamasid sa impiyerno, ang nasa isip ko’y ito na ang araw ng pagsusulit. Tumitindig sa harap ng Panginoong Hesus, ako’y lubhang nangangatal dahil ang nasa isip ko talaga’y ito na ang katapusan ng aking buhay.

Lumapit kami ng mas malapit sa isang malaking liyab ng apoy sa harapan namin; ito’y napakalaki at nagliliyab nang galit. Nagpatuloy ako sa pagbaba ng marahan, nakikita ko ang laksa-laksang nagliliyab na apoy at naririnig ang milyong-milyong kaluluwa na umiiyak sa iisang tinig.

Table with bottlesPagkatapos nakita ko ang isang lamesang kahoy na hindi natutupok ng apoy. Ito’y mayroong tila baga mga bote ng serbesa sa ibabaw nito. Mukha silang nakaka pamatid-uhaw, subalit sila’y puno ng apoy. Habang ako ay nakatingin sa mga ito, isang tao ang biglang lumabas. Ang kanyang laman ay halos lubusan nang wasak at ang natira sa kanyang mga damit ay

maputik at nasusunog. Wala na ang kanyang mga mata, bibig, at lahat ng kanyang buhok mula sa apoy. Nakikita niya ako, kahit na wala siyang mga mata. Sinasabi ko sa iyo ito na ang kaluluwa ng isang tao ang nag-iisip, nangangatuwiran at tunay na nakakakita; hindi ang iyong likas na katawan.

Inabot ng tao ang kanyang payat na payat na kamay sa Panginoon at nagpasimulang umiyak nang malakas, nagsasabi, “Panginoon, mahabag Ka sa akin! Panginoon mahabag Ka sa akin! Ako ay nasa pagdurusa! Ako ay nasusunog! Paki-usap mahabag Kayo at alisin Mo ako sa lugar na ito!” Tinignan siya ng Panginoon na may kahabagan, at nagpasimulang maramdaman ko ang kakaibang init sa aking kamay. Tumingin ako at ito ay dugo…dugo ni Hesus! Ang dugo ng Panginoon mula sa Kanyang kamay habang Siya ay nakatingin sa taong ito na nagdurusa sa loob ng mga naglalagablab na apoy.

Pagkatapos itinuon ng tao ang kanyang sulyap sa direksyon ng lamesa at lumakad papunta sa mga bote. Hinawakan niya ang bote subalit nang kanya na itong iinumin, apoy at usok ang lumabas sa bote. Ini-atras niya ang kanyang ulo at humiyaw na di ko pa narinig kailan man. Umiyak siyang may lubhang kirot at kapanglawan at pagkatapos nagpasimulang inumin ang nasa loob ng boteng ito. Subalit ang bote ay puno ng asido at ang kanyang lalamunan ay tuluyang nawasak sa pamamagitan nito. Makikita mo ang asido dumaraan sa kanyang sikmura at siya’y nasasaktan.

Ang bilang na 666 ay naka-ukit sa noo ng taong ito. Sa kanyang dibdib ay may plaka na yari sa di kilalang bakal na hindi nasisisra, kahit na sa pamamagitan ng apoy o ng mga bulate. Ito ay may mga titik na nakasulat dito, subalit hindi naming ito maunawaan. Ang Panginoon, sa Kanyang dakilang kahabagan, binigyan kami ng kaunawaan na maintindihan ang nakasulat. “Ako’y naririto dahil ako ay lasenggo.” Nagmakaawa siya sa Panginoon para sa kahabagan, subalit ang Salita ng Diyos ay napaka linaw nang sabihin sa atin sa 1 Corinto 6:10Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.

Ipinakita sa akin ng Panginoon and huling sandali ng taong ito sa ibabaw ng mundo, tulad ng isang palabas o pelikula. Ito’y tulad ng isang malaking telebisyon na ipinapakita sa akin ang kanyang mga huling segundo bago siya mamatay. Ang pangalan ng tao ay Luis at siya ay nasa bahay aliwan at umiinom ng alak. Nakita ko ang parehong lamesa at parehong mga bote sa bahay aliwan na iyon. Nakapalibot sa lamesang ito ay ang kanyang mga kaibigan. (Kaya kong sabihin sa iyo ito ngayon, mayroon lamang ISANG TUNAY NA KAIBIGAN, at ang Kanyang pangalan ay HESUKRISTO. Siya ang tunay na kaibigan.) Si Luis ay umiinom at ang kanyang mga kaibigan ay mga lasing na. Ang kanyang matalik na kaibigan ay kumuha ng bote, binasag ito at nagpasimulang saksakin si Luis. Nang makita niyang si Luis ay nakahandusay na sa sahig siya ay tumakbo papalayo, subalit si Luis ay duguan hanggang mamatay sa sahig. Ang pinaka malungkot na bagay ay ang namatay siya na wala sa Panginoon.

Sa gitna ng lahat ng ito, habang ang lahat ng mga kaluluwa iyon sa impiyerno ay umiiyak ng malakas, tinanong ko ang Panginoon, “O Panginoon, pakiusap sabihin Mo sa akin, ang tao bang ito ay may kaalaman tungkol sa Iyo? Alam ba niya ang tungkol sa Iyong kaligtasan?” Ang Panginoon ay malungkot na tumugon, “Oo, Lupe, alam niya ang tungkol sa akin. Tinanggap niya ako bilang kanyang sarileng tagapagligtas, subalit hindi siya naglingkod sa akin.” Pagkatapos naramdam ko lalo ang higit na takot. Si Luis ay umiyak ng higit at sumigaw, “Panginoon ito ay masakit! Panginoon ito ay masakit! Pakiusap mahabag ka sa akin!” Ini-unat niyang muli ang kanyang kamay sa Panginoon, subalit sa halip kinuha ng Panginoon ang aking kamay at naglakad kaming papalayo sa apoy. Ang mga apoy na tumutupok kay Luis lalong naglagablab, at siya ay umiyak ng higit, “Maawa ka sa akin!!” Pagkatapos siya ay nawala sa mga lagablab ng apoy.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, ang lugar na ito ay sadyang napaka lawak at nakakatakot! Lumapit kami sa isa pang lagablab ng apoy at sabi ko sa Panginoon, “Panginoon, hindi! Pakiusap ayaw ko nang makita muli ang mga bagay na ito! Nakikiusap ako sa iyo na patawarin mo ako! Pakiusap patawarin mo ako! Ayoko nang makita ito!” Kaya isinara ko ang aking mga mata, subalit walang pagkakaiba, bukas o sara nakikita ko pa rin ang lahat ng bagay. Ang lagablab ng apoy ay nagpasimulang humupa unti-unti at nagpasimula kong makita ang isang babae. Siya ay natatakpan ng putik, at ang putik ay puno ng mga bulate. Siya ay may kakaunting buhok na natitira, at siya ay napapahiran ng putik na may mga bulate o uod. Siya ay kinain ng mga uod buong palibot at siya ay sumigaw, “Panginoon mahabag ka sa akin! Panginoon mahabag ka sa akin at patawarin mo ako! Tignan mo ako! Ito ay masakit! Mahabag ka sa akin! Alisin mo ako sa pagdurusang ito dahil ito’y napakasakit!” Tinignan lamang siya ng Panginoon na may malaking kalumbayan. Habang hawak namin ang Kanyang kamay, nararamdaman namin ang kirot at kalungkutan sa puso ng Panginoon para sa lahat ng mga napahamak na kaluluwa, magpakailan man sinisilaban sa naglalaglab na apoy ng impiyerno.

Ang babaing ito ay walang mga mata o mga labi, subalit siya’y nakakakita at nakakaramdam pa; ang lahat ng kirot ay sadyang mas malakas. Siya ay may bote sa kanyang mga kamay, puno ng asido, subalit naniniwala siya na ito ay pabango. Nakikita ko na ito ay asido at sa tuwing iwiwisik niya sa kanyang katawan, siya ay nalalapnos. Ganoon pa man, patuloy siya sa pagwisik ng asidong ito sa kanyang katawan paulit-ulit. Patuloy niyang sinasabi na ito ay isang mamahaling pabango. Naniniwala rin siya na siya ay nakasuot ng isang magandang kwintas, subalit ang pawang nakikita ko ay mga ahas na nakapalupot sa kanyang leeg. Naniniwala siya na siya ay nakasuot ng mamahaling mga pulseras, subalit nakita ko ang mga ito ay talagang mga uod, mga isang piye ang haba, nagpupumilit na hukayin ang kanyang mga buto. Sinabi niya na ang kanyang mga alahas ay ang tanging pag-aari niya, subalit ang nakita ko ay mga alakdan at mga uod sa buo niyang katawan. Siya ay may isang bakal na plaka, na ang bawat isa sa impiyerno ay suot. Ito’y mababasa “Ako’y naririto sa pagnanakaw.”

Ang babaeng ito ay walang mataos na pagsisisi sa kanyang kasalanan. Tinanong siya Panginoon, “Magdalena, bakit ka nasa lugar na ito?” Siya’y sumagot, “Hindi ko alintanang pagnakawan ang iba. Ang tanging bagay na inaalala ko ay panghawakan ang aking mga alahas at kumuha ng mga mamahaling pabango. Wala akong paki-alam kung sino ang pinagnanakawan ko, basta’t maganda lamang ang aking itsura.”

Humawak ako sa kamay ni Kristo habang nakita ko ang mga uod nagpasukan sa kanyang buong katawan. Lumingon si Magdalena at may bagay na hinahanap. Tinanong ko ang Panginoon minsan pa, “Panginoon, ang tao bang ito ay may kaalaman tungkol sa iyo?” At sumagot ang Panginoon, “Oo, ang taong ito ay kilala ako.

Nagpasimulang tumingin pa-ikot-ikot si Magdalena, nagsasabi, “Panginoon nasaan yung babae na nangusap sa akin tungkol sa Iyo? Nasaan siya? Labing limang taon na ako sa impiyerno.” Lahat ng tao sa impiyerno ay kayang alalahanin ang lahat ng bagay. Patuloy na nagtatanong si Magdalena, “Nasaan ang babaing ito? Hindi ko siya makita?” Alam ko na ang kanyang katawan ay hinid kayang pumihit paikot dahil ang kanyang laman ay nanatili sa parehong posisyon. Sinubukan niyang pumihit at tumingin sa ibang naglalagablab na apoy, upang makita ang babaing iyon na nangusap sa kanya tungkol sa Diyos. Tugon ng Panginoon, “Hindi!, hindi, Magdalena, wala siya rito. Ang babaing iyon na nagsabi sa iyo tungkol sa akin ay kasama Ko sa kaharian ng Langit.

Nang marinig niya ito, hinagis niyang pabagsak ang kanyang sarile sa naglalagablab na apoy at susunog sa kanya ng lalong higit. Ang bakal na plaka ay may hatol sa kanya bilang magnanakaw. Nais kong basahin mo ang Salita ng Panginoon sa Isaias 3:24.At mangyayari na sa halip na mga mainam na especia ay kabulukan; at sa halip na pamigkis ay panali at sa halip na buhok na ayos ay kakalbuhan; at sa halip na pamigkis na mainam ay pamigkis na kayong magaspang; hero sa halip ng kagandahan.

Habang kami ay patuloy sa paglalakad na kasama ang Panginoon, nakita ko ang isang lubhang napaka laking haligi puno ng mga uod. Sa palibot nito ay may isang padulasan yari sa namumulang bakal sa init. Sa ibabaw ng haliging ito ay may isang maliwanag na karatula na maaaring makita kahit saan. Ang karatula ay mababasa, “Pagbati sa lahat ng mga sinungaling at mga mapanirang puri.” Sa dulo ng padulasan ay mayroong isang maliit na kumukulong lawa. Ito ay katulad ng nag-aapoy na nagbabagang bato. Pagkatapos nakita ko ang isang taong hubo’t hubad bumubulusok pababa sa padulasan. Habang sila’y dumadausdos, ang kanilang mga balat ay natutuklap at kumakapit sa padulasan. Kapag sila ay nahulog sa nag-aapoy na lawa, ang kanilang mga dila ay namamaga hanggang sa ito ay sumabog at maglabasan ang mga uod sa kinalalagyan ng dila. Ito ang simula ng kanilang pagdurusa. Ang sabi ng Salita ng Diyos sa Awit 73:18-19Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: iyong inilugmok sila sa kapahamakan. Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali! Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan.

Pagkatapos naming makita ito, kami ay kinuhang pabalik, palabas ng Impiyerno. Nais ko lamang sabihin sa iyo na ang Langit at Impiyerno ay higit na di hamak na tunay kaysa sa materyal na mundo na ating nalalaman. Dito ang lugar kung saan ikaw ay magpapasya kung saan dako mo ibig pumunta; upang gugulin ang walang hanggang buhay kasama si Hesus o sa isang nag-aapoy na impiyerno. Ang Panginoon ay patuloy na nagsasabi sa atin, “walang kabanalan ay walang taong makakakita sa Akin, walang kabanalan walang taong makakakita sa Akin.” (Hebreo 12:14) Kung kaya sinasabi ko sa iyo ang ganoon ding bagay ngayon, “Walang kabanalan hindi mo makikita ang Panginoon.


(Ikatlong Patotoo, Sandra)

Pumunta tayo sa Salita ng Panginoon sa Mateo 10:28 “At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa; kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.

Sa tuwing may isang kaluluwang dumarating sa impiyerno, ang taong iyon ay magkakaroon ng isang katawan ng kamatayan. Kinuha ng Panginoon ang aking kamay at nagpasimula kami sa paghayo pababa sa pamamagitan ng isang napaka dilim na butas sa ilalim ng lupa na patungo sa gitna ng Mundo. Dumating kami sa isang lugar na mayroon ilang mga pinto; ang isa sa kanila ay bumukas at kami ay pumasok kasama nang Panginoon. Ayaw kong bitiwan ang kamay ng Panginoon dahil alam ko kung gagawin ko, maiiwan ako sa impiyerno magpakailan man.

People hung up on wallsSa aming pagpasok sa pintuang iyon, nakita ko ang isang kakila-kilabot na pader. Mayroon doong libo-libong tao nakabitin ang mga ulo sa mga kalawit, naka gapos ng tanikala ang kanilang mga kamay sa pader. Nakita rin namin ang maraming libong tao nakatindig sa gitna ng mga naglalagablab na apoy sa lahat ng dako. Pumunta kami sa harapan sa isa sa mga naglalagablab na apoy at nagpasimula itong humupa dahan-dahan. Mayamaya nakikita ko ang isang taong nasa loob, at nang siya’y nagsalita, masasabi ko na siya ay isang lalake. Ang lalake ay nakadamit na pang pare, na talagang nanglilimahid at sira-sira. Mga uod ay pagapang-gapang sa loob at labas, ng buong katawan ng lalakeng ito. Mukha siyang uling at sunog nang apoy. Ang kanyang mga mata ay bunot palabas at ang kaniyang laman ay natutunaw at nalalaglag sa lupa. Subalit matapos na maglaglagan ang lahat ng kaniyang mga laman, ito’y muling tumutubo pabalik, at ang buong pangyayari ay paulit-ulit.

Nang makita niya si Hesus sabi niya, “Panginoon mahabag ka sa akin! Pakiusap hayaan mo akong makalabas kahit isang saglit! Kahit isang minuto!” Sa ibabaw ng dibdib ng lalakeng ito ay may bakal na plaka na nababasa, “Ako ay naririto sa pagnanakaw.

Nang si Hesus ay lumapit, tinanong Niya ang lalake, “Ano ang pangalan mo?” Sumagot ang lalake, “Andrew, ang pangalan ko ay Andrew, Panginoon.” Ang Panginoon nagtanong sa kanya, “Gaano ka na katagal dito?” Sumagot si Andrew, “Ako ay naririto na sa mahabang panahon.” Nagpasimulang magkuwento ang lalake patungkol sa kanyang buhay. Sabi niya siya noon ang nakatalagang maglikom ng mga ikapu at mamahala sa pagbabahagi ng salapi sa mahihirap sa kanyang simbahang Katoliko. Subalit, nanakawin niya ang salapi. May mga matang puno ng habag, ang Panginoon nagtanong sa lalake, “Andrew, napakinggan mo na ba minsan ang mabuting balita?” Tugon ni Andrew, “Oo Panginoon, Mayroon isang Kristiyanong babae na nagpunta sa simbahan at ipinangaral niyang minsan ang mabuting balita, subalit ayaw ko itong tanggapin. Ayaw ko itong paniwalaan, subalit ngayon ako ay naniniwala na! Ngayon ako ay naniniwala na ito ay totoo! Pakiusap Panginoon alisin mo ako rito, kahit na isang saglit lamang!

Habang siya ay nagsasalita, mga uod ay gumagapang sa dating kinalalagyan ng kanyang mga mata, lumalabas sa kanyang mga tainga, at pumapasok muli sa kanyang bibig. Sinikap niyang hilahin sila palabas sa pamamagitan ng kanyang mga kamay subalit ito ay hindi maaari. Siya ay humihiyaw na nakapangingilabot at patuloy na nagmamakaawa sa Diyos para sa habag. Patuloy siyang nagtatanong kay Hesus na alisin siya sa lugar na iyon. Lalong masaklap, mayroong mga demonyong pinahihirapan siya, walang humpay na tinutusok siya sa pamamagitan ng kanilang mga sibat. Ang mga demonyo ay kamukha ng isang laruang manika na mayroon tayo sa ibabaw ng mundo na tinatawag na “Ang Jordanos.” Nakita ko ang mga manikang ito sa impiyerno, subalit hindi na sila mga manika; sila’y mga buhay at mga demonyo. Sila’y may tatlong talampakan ang taas at mayroon napakatatalim na mga ngipin. Dugo ay lumalabas sa kanilang mga bibig at ang kanilang mga mata ay pulang-pula.

Sinasaksak nila si Andrew nang buo nilang lakas, ganoon din ang lahat nang iba pang naririto sa mga bahaging ito ng impiyerno. Nang mapansin ko ito, tinanong ko ang Panginoon paanong mangyayari para sa isang manika sa ibabaw ng mundo, na kamukhang-kamukha nang ganong demonyo. Sinabi sa akin ng Panginoon na ang mga iyon ay mga espiritu ng kalungkutan.

Sa aming pagpapatuloy, nakita namin ang libo-libong mga tao nasa paghihirap. Sa tuwing may isang kaluluwa na nakakita sa Panginoon, pilit nilang inaabot Siya nang kanilang mga napakapayat na mga kamay. Napansin ko ang isang babae na nagpasimulang sumigaw nang nakita niya si Hesus. Humiyaw siya, “Panginoon pakiusap mahabag ka sa akin! Alisin mo ako sa lugar na ito!” Siya ay nagdurusa nang lubos at iniunat niya ang kanyang mga kamay tungo sa Panginoon. Patuloy siyang nagmamaka-awa sa Kanya na alisin siya sa lugar na iyon kahit na isang saglit lamang. Siya ay hubo’t hubad at takip ng putik. Ang kanyang buhok ay napakarumi at mga uod ay dumudulas paakyat at pababa sa kanyang katawan. Sinikap niyang alisin ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang mga kamay, subalit sa tuwing kakayurin niya ang ilan sila’y lalong dumarami nang dumarami. Ang mga uod ay may 6-8 pulgada and haba. Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi sa Marcos 9:44, “Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.

Kakila-kilabot na makita ang babaing ito at mapakinggan ang kanyang mga panaghoy habang ang mga uod ay masisiba na kinain ang kanyang laman. Mayroong isang bakal na

plaka nakabaon sa kanyang dibdib na hindi maaaring masira ng mga naglalagablab na apoy. Ang basa, “Ako’y naririto dahil sa pakikiapid.” Sa ganoon ding paraan nang kanyang pagkakasala, ang babaeng ito ay pinilit na makiapid sa impiyerno sa isang nakakamuhing matabang ahas. Ang ahas ay may malalaking tinik palibot ng kanyang katawan, may 6-8 pulgada and haba. Ang ahas ay pinasok ang kanyang maselang bahagi ng katawan at naglakbay pataas ng kanyang katawan at sa kanyang lalamunan. Nang pasukin siya ng ahas, siya ay nagsimulang humiyaw.

Higit siyang nagmaka-awa sa Panginoon na alisin siya sa lugar na iyon, “Panginoon, ako’y naririto dahil sa pakikiapid, ako’y narito nang may 7 taon, mula nang ako ay mamatay sa AIDS. Nagkaroon ako ng anim na kalaguyo, at ako ay naririto dahil sa pakikiapid.” Sa impiyerno dapat niyang ulitin paulit-ulit ang kanyang kasalanan. Wala siyang kapahingahan araw o gabi, nagdurusang kagaya ng dati sa lahat ng oras. Sinikap niyang iabot ang kanyang mga kamay sa Panginoon, subalit sinabihan lamang siya ng Panginoon, “Blanca, ito’y huli na para sa iyo. Mga uod ang iyong higaan, at mga uod ang magtatakip sa iyo. (Isaias 14:11) Nang sabihin ng Panginoon ang mga salitang iyon, isang kumot na apoy ang tumakip sa kanya, at hindi ko na siya maaaring makita.

Lake of FireNagpatuloy kami sa paglalakad, nakikita ang libu-libong at libu-libong tao. Mayroon doong mga kabataan, may sapat na gulang at matatandang tao nagdurusa sa parusa. Dumating kami sa isang lugar na gaya ng isang malaking tangke na paliguan ng apoy, may libu-libong lalake at babae sa loob nito. Bawat isa sa kanila ay may bakal na plaka sa ibabaw ng kanilang mga dibdib na ang basa: “Ako ay naririto dahil sa hindi pagbibigay ng mga ikapu at mga kaloob.” Nang mabasa ko iyon, Tinanong ko ang Panginoon, “Panginoon, paano ito maaaring mangyayari, na ang mga tao ay naririto dahil sa ganitong dahilan??” Ang Panginoon ay tumugon, “Oo, dahil ang mga taong ito ay nag-akala na ang mga ikapu at mga kaloob ay hindi mahalaga, kahit ang aking Salita ay nagpapakita na ito ay isang utos.” Sa Malakias 3:8-9 sabi nito “Nanakawan baga ng tao ang Dios? Gayon ma'y ninanakaw ninyo ako. Nguni't inyong sinasabi. Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog. Kayo'y nangagsumpa ng sumpa sapagka't inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga'y nitong buong bansa.”

Sinabi ng Panginoon sa akin nasa tuwing ang kanyang mga tao’y ipinagkakait ang kanilang mga ikapu, ito’y naghahadlang sa gawain ng Panginoon, at pagkatapos ang mabuting balita ay hindi naipapangaral. Ang mga tao sa lugar na ito ay nagdusa ng isang libong ulit na hirap kaysa iba, dahil alam nila ang Salita ng Panginoon at sumuway.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at ipinakita sa aking ng Panginoon ang isang lalake. Nakikita ko mula sa kanyang baywang hanggang sa kanyang ulo, at ako ay nagpasimulang magkaroon ng isang pangitain kung paano siya namatay. Ang kanyang pangalan ay Rogelio. Siya ay nasa kanyang kotse habang ang isang tao ay lumapit upang ipangaral ang mabuting balita sa kanya, at binigyan siya ng isang Bibliya. Subalit nagwalang bahala si Rogelio sa babala ng taong iyon at nagpatuloy sa kanyang lakad, hindi niya alam na ilang minuto pa ang kanyang kotse ay lalagpak. Ito ay nahulog sa isang bangin, at pagdaka siya ay namatay.

Noong oras na siya ay lumagpak, ang Bibliya ay bumukas sa Pahayag 21:8, “Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.” Nang mabasa ni Rogelio ang talatang ito, siya’y namatay at napunta sa impiyerno.

Siya ay isang buwan pa lamang doon at mayroon pang ilang laman sa kanyang mukha. Subalit, siya ay nagdurusa na kagaya rin nang bawat isa. Noong una, hindi niya alam kung bakit siya napunta sa impiyerno. Sa palagay ko nang lumapit ang Kristiyano na iyon sa kanyang kotse, ito na ang tangi at huling pagkakataon para sa kanya na tanggapin ang Panginoong Hesus. Tulad sa paraan na naibibigay na pagkakataon sa marami para tanggapin Siya. Ngayon, iniimbitahan kita na buksan ang iyong puso kay Hesus; Siya lamang ang daan, ang katotohanan, ang buhay. (Juan 14:6) Tanging sa pamamagitan Niya tayo ay maliligtas tungo sa Kaharian sa Langit. (Gawa 4:12) Ang Panginoon din ay nagsasabi sa atin na sundan ang Kanyang mga daan sa kabanalan at dangal. Pagpalain ka ng Diyos.


(IKA-APAT NA PATOTOO)

Pagpalain kayo ng Diyos mga kapatid. Nang kunin ng Panginoon ang aking kamay, nakikita ko na ako ay nakatayo sa ibabaw ng isang bato, at sa likod naming, nakita ko ang isang anghel. Nagpasimula kaming bumaba sa isang butas sa ilalim ng lupa na may kamangha-manghang tulin. Biglang sulyap, ako’y pumihit at nakita ko na wala na ang anghel, at naramdaman ko ang sobrang takot. Tinanong ko ang Panginoon, “Panginoon, nasaan ang anghel? Bakit wala na muli siya rito ngayon?” Sabi ng Panginoon, “Hindi siya maaaring pumunta sa ating patutunguhan.

Nagpatuloy kami sa pagbaba at pagkatapos ay biglaang paghinto, tulad ng isang elebeytor. Nakita ko ang ilang mga butas sa ilalim ng lupa, at pumasok kami sa isa na sinabi ng aking kapatid na si Sandra. Ang butas sa ilalim ng lupa na kung saan ang mga tao ay nakabitin sa mga kawit sa pamamagitan ng kanilang mga ulo, may mga tanikala sa kanilang mga pulsuhan. Ang pader na may mga tao sa ibabaw ay tila baga walang katapusan ang hangganan. Milyon-milyong tao ang mga nakabitin sa ibabaw nito. Mayroon silang mga uod sa buo nilang mga katawan. Tumanaw ako sa unahan at nakita na mayroon pang iba pang pader, eksaktong katulad ng iba pa. Sabi ko sa Panginoon, “Panginoon, napakarami ng tao sa lugar na ito!” Pagdakay, isang talata ang pumasok sa aking isipan; isa na di ko nakikilala. Ang Panginoon ay nagsabi sa akin, “Impiyerno at libingan ay laging gutom.” (Kawikaan 27:20)

Cauldron of fireUmalis kami roon at pagdakay dumating sa isang lugar na tinawag naming, “Ang Lambak ng mga kaldero.” Ang mga kalderong ito ay puno ng kumukulong putik, at lumapit kami sa isa sa mga ito. Ang unang tao na nakita ko ay isang babae. Ang kanyang katawan ay lulutang at lulubog sa kumukulong putik, subalit nang siya ay tignan ng Panginoon, huminto siya sa paggalaw at nanatiling naka-angat sa putik hanggang baywang. Nagtanong ang Panginoon, “Babae ano ang pangalan mo?” Sumagot siya, “Ang pangalan ko ay Rubiella.

Ang kanyang buhok ay punong-puno ng kumukulong putik at laman ay naka laylay sa mga buto, na maitim na sunog dahil sa apoy. Mga bulate ay pumasok sa mga butas ng kanyang mga mata, lumabas mula sa kanyang bibig, pumasok muli sa kanyang ilong at lumabas sa kanyang mga tainga. Kapag ang mga uod ay hindi makapasok, sila’y gumagawa na lamang ng butas upang makapasok sa iba pang bahagi ng kanyang katawan, na nagdulot ng hindi mawaring kirot.

Sumigaw siya, “Panginoon, pakiusap! Alisin mo ako sa lugar na ito. Mahabag ka sa akin! Hindi ko na kayang magpatuloy nang ganito! Pahintuin mo ito Panginoon! Hindi ko na kaylan man kayang tiisin ito! Pakiusap mahabag ka sa akin!” Ang Panginoon nagtanong sa kanya bakit siya naroroon. Sinabi niya na siya ay naroroon dahil sa kayabangan, na tulad ng salita na naka sulat sa bakal na plaka sa ibabaw ng kanyang dibdib. Sa kanyang kamay ay may pangkaraniwang bote, subalit para sa kanya ito ay mukhang mamahaling pabango. Kailangang kunin ni Rubiella ang bote, na puno ng asido, at iwisik ito sa buo niyang katawan. Ito ay nagdulot ng pagkatunaw ng lahat ng kanyang laman na nawisikan, nagdudulot sa kanya ng matinding kirot.

Sumigaw siya sa Panginoon, “Panginoon pakiusap, mahabag ka sa akin! Hindi ko na kaylan man kayang manatili rito! Kahit isang saglit Panginoon.” Hindi ko sinasabi na isang kasalanan ang gumamit ng isang pabango, subalit ang Panginoon ay sinabi sa atin na ang babae ay napunta roon dahil sa kanyang pabango, tulad ng sinasabi sa atin ng Salita ng Panginoon sa Deuteronomio 5:7 Hindi ka magkakaroon ng ibang mga diyos sa harapan ko.” Siya ay naroon dahil sa kanyang kagandahan, mga pabango, at kayabangan ang mga una sa kanyang buhay. Subalit, ang Panginoong Hesus ay Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon! Siya ang dapat na una sa iyong buhay; ito ang dahilan kung bakit siya naririto. Taglay ang kalungkutan, ang Panginoon ay tumingin sa kanya at nagsabi, “Rubiella, ito ay huli na para sa iyo, mga uod ang iyong magiging higaan, at mga uod ang iyong takip.” Nang sabihin iyon ng Panginoon, isang kumot ng apoy ang buong tumakip sa kanya. Habang ang kanyang katawan ay tinutupok sa loob ng kaldero, siya ay nadusa ng kahindik-hindik na kirot.

Pagkatapos lumayo kami sa lugar mula roon at dumating sa isang lugar na may mga higanteng pinto. Habang kami ay papalapit sa kanila, sila’y bumukas para sa amin. Sa kabilang banda nakita naming ang isang higanteng kuweba. Habang ako ay nakatingala nakita ko ang iba’t–ibang kulay ng mga ilaw na gumagalaw tulad ng isang ulap ng usok. Pagdaka’y, nakarinig kami nang tugtugan; salsa, ballenato, rock, at iba’t-ibang uri ng mga sikat na tugtugan na pinakikinggan ng mga tao sa radio. Ang Panginoon ay gumawa ng galaw sa kanyang kamay, at nakita naming ang milyun-milyon at milyun-milyong tao na nakabitin sa mga kalawit sa kanilang mga kamay. Sila ay magulong tumatalon sa ibabaw ng apoy.

Ang Panginoon tumingin sa amin at nagsabi: “Tignan, ito ang mga kabayaran ng mga mananayaw.” Kailangang sila ay tumalon nang maigi pataas at pababa sa saliw ng musika. Kung salsa ang tumutugtog, kailangan silang tumalon sa ganoong saliw, kung iba naman uri ng musika ang tumutugtog, kailangan silang tumalon sa ganoong saliw. Hindi sila maaaring huminto sa pagtalon. Subalit ang higit na masama dito, ang kanilang mga sapatos ay may anim na pulgadang mga tinik sa ilalim. Sa tuwing sila’y tatalon tutusukin nito ang kanilang mga paa, at wala silang panahon magpahinga. Kung mayroong magtatangkang hihinto, darating kaagad ang mga demonyo at sasaksakin sila ng mga sibat, sinusumpa sila, at nagsasabi, “Purihin siya! Ito ang inyong kaharian ngayon, Purihin si Satanas! Purihin siya! Hindi kayo hihinto, purihin siya! Purihin siya! Kailangan ninyong purihin siya! Kailangan kayong tumalon! Kailangan kayong sumayaw! Hindi kayo maaaring huminto kahit isang saglit.

Isang kahindik-hindik na maraming mga tao ay dating mga Kristiyano na kilala ang Panginoon, subalit sila ay nasa mga bahay kasayahan ang sila ay namatay. Marahil ikaw ay nagtatanong, “Saan sa Bibliya na sinasabi na mali ang sumayaw?” Sa Santiago 4:4, ang Salita ng Diyos ay nagsasabi: “Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipag-away sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.” Gayon din sa 1 Juan 2:15-17, Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama. Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan. At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man.” Tandaan ang mundo ay lilipas, lahat nang ito ay mapaparam, subalit siya na gumaganap sa kalooban ng Diyos ay mananatili magpakaylan man.

Aking mga kaibigan at mga kapatid, nang iwan naming ang lugar na ito, nakita namin ang tila baga mga tulay na naghahati-hati sa impiyerno sa iba’t-ibang bahagi ng pagdurusa. Nakita namin ang isang espiritu naglalakad sa ibabaw ng isang pang-paang-tulay. Ang mukha niya ay kagaya ng isang manika na mayroon tayong nakikita sa mundo; ang tawag natin dito ay Treasure Trolls. Mayroon silang iba’t-ibang kulay ng buhok, na may taglay na mukha ng matanda subalit isang katawan ng bata; walang mga maselang bahagi. Ang kanilang mga mata ay puno ng kasamaan. Ang Panginoon pinaliwanag na ang mga ito ay mga espiritu ng kawalan. Ang espiritung ito ay may

isang sibat sa kanyang mga kamay at naglalakad ng may kayabangan sa ibabaw nang tulay, tulad ng isang reyna o kaya isang palalong palaboy na modelo.

Sa kanyang paglakad, sinasaksak niya ang mga tao sa gawing ibaba ng kanyang sibat. Susumpain niya sila sinasabi, “Alalahanin ninyo ang araw na kayo ay nasa labas ng isang Kristiaynong Simbahan at ayaw ninyong pumasok sa loob? Alalahanin ninyo ang araw ipinangaral nila sa inyo at ayaw ninyong makinig? Alalahanin ninyo ang araw na binigyan nila kayo ng isang babasahin tungkol sa mabuting balita at ito ay inyong itinapon?” Ang mga napahamak na kaluluwa ay magtatangkang takpan ang dating lugar na kinalalagyan ng kanilang mga tainga. Sila’y sasagot sa demonyo, “Tumigil ka! Tumigil ka! Huwag mo nang sabihin ito sa akin kahit kailan! Ayaw ko nang malaman pang muli, tumigil ka!” Subalit, ang masamang espiritu ay natutuwa na gawin iyon dahil sa kirot na ipinaparusa nito sa mga kaluluwa.

BurningNagpatuloy kami sa paglalakad kasama ang Panginoon. Sa aming pagtingin sa napakaraming tao, napansin namin ang isang lalaking sumisigaw mas malakas kaysa iba na kapwa nasusunog doon. Sinasabi niya, “Ama, Ama, maawa ka sa akin!” Ang Panginoon ay hindi hihinto para tignan ang lalakeng ito, subalit nang marinig Niya ang mga salitang “Ama” Huminto Siya at lumingon. Tinignan siya ni Hesus at sinabi sa kanya, “Ama? Tinatawag mo akong Ama? Hindi, Hindi ako ang iyong Ama at hindi rin kita anak. Kung ikaw ang aking anak, ikaw sana ay kasama ko sa Kaharian ng Langit. Ikaw ay anak ng iyong ama ang diablo.” Pagdaka’y isang kumot ng apoy ang lumabas at buong tinakpan ang kanyang katawan.

Sinabi sa amin ng Panginoon ang kuwento ng buhay ng taong ito. Ang lalake ay tinawag Siyang Ama dahil nakilala niya Siya. Parati siyang pumupunta sa simbahan at nakikinig sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita, marami siyang tinanggap na pangako ng Diyos. Kaya nagtanong kami, “Ano ang nangyari Panginoon? Bakit siya naririto ngayon?” Tumugon ang Panginoon, “Siya ay namumuhay ng dalawang uri ng buhay; namuhay siya ng isang paraan sa bahay, at isa pa sa simbahan. Ang akala niya sa kanyang puso, ‘Mabuti, wala na man nakatira na malapit sa akin, kahit ang pastor o kahit na sinong kapatiran, kaya puede kong gawin ang anumang ibig kong gawin’. Subalit nakalimutan niya na ang mga mata ng Panginoon ay nakatuon sa lahat ng ating mga landasin at walang sinuman ang makapagsisinungaling or makakapagtago mula sa Panginoon.

Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi sa atin, “Huwag kayong magsinungaling sa inyong sarile hindi madadaya ang Diyos. Dahil lahat ng inihahasik ng isang tao, siya rin ang kanyang aanihin.” (Galatia 6:7) Ang taong ito ay nagdurusa mahigit sa isang libong ulit na hirap kaysa iba. Siya ay nagbabayad ng dalawang kahatulan: isa para sa kanyang mga kasalanan, at ang isa para sa kanyang pag-aakala na nadadaya niya ang Panginoon.

Sa ngayon, ang mga tao ay sinisikap na i- rango ang mga kasalanan batay sa bigat nito; akala nila na ang mga bakla, mga magnanakaw, at mga mamamatay tao ay higit na mga makasalanan kaysa mga sinungaling at mga mapangtsismis. Subalit sa mga mata ng Panginoon, lahat ng mga kasalanang ito ay mayroon pare-parehong bigat at pare-parehong kabayaran, Ang Bibliya ay nagsabi sa atin, “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” “Ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.(Roma 6:23) (Ezekiel 18:20) Aking mga kaibigan at mga kapatid, Iniimbitahan kita ngayon na tanggapin ang imbitasyon ni Hesus’. Iniaabot ni Hesus ang kanyang mga palad ng kahabagan sa iyo kung ikaw ay magsisisi. Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi sa atin na siya na nagbabago ng kanyang mga paraan at nagsisisi ay pagkakalooban ng kahabagan. Higit na mainam sumampalataya ngayon, kaysa maghantay at masumpungan ang mahirap na daan bandang huli. Pagpalain ka ng Diyos.


(IKA-LIMANG PATOTOO)

Ang Salita ng Diyos ay nagsasabi sa atin sa Roma 6:23Ang mga kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, subalit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Kristo Hesus na ating Panginoon.”

Nang bumaba kami doon, naramdaman ko ang kirot at karanasan ng pagiging patay. Ako ay lubhang natakot sa mga bagay na aking nakita. Natanto ko doon na maraming, maraming mga tao doon; lahat ay humihiyaw at humahagolgol. Sadyang iyon ay napaka dilim, subalit dahil sa presensya ng Panginoon, ang kadiliman ay umalis. Nakita namin ang libu-libong at libu-libong mga kaluluwang lahat ay umiiyak para sa tulong at kahabagan. Sila’y umiiyak ng malakas sa Panginoon na alisin sila sa lugar na iyon. Naramdaman din namin ang dakilang kirot dahil alam namin ang Panginoon ay naghirap ng todo-todo sa tuwing nakikita Niya sila.

Marami ang nanaghoy sa Panginoon na alisin sila kahit isang minuto, kahit isang saglit. Ang Panginoon ay nagtanong sa kanila, “ Bakit gusto ninyong lumabas?”, at sila ay sasagot, “Dahil gusto kong maligtas! Gusto kong magsisi at maligtas!” Subalit, ito ay huli na para sa kanila.

Mga minamahal na mga tao na nakikinig sa akin ngayon, ngayon ang tanging pagkakataon pumili nang ating walang hanggang kasasapitan. Maaari mong piliin ang walang katapusang lugar ng kaligtasan, ang walang hanggang lugar ng kapahamakan.

Bumaba pa kaming palayo, nakita ko na ang sahig na aming nilalakaran ay sinisira ng apoy; putik at naglalagablab na mga apoy ay lumalabas mula rito. Mayroon ding isang kakilakilabot na amoy kahit saan. Sumama ang aming mga pakiramdam at nahihilo mula sa amoy at mga sigawan ng lahat ng mga tao.

Soul trapped in burning mudNakita namin ang isang lalaki, napakalayo, na nakalublub hanggang baywang sa nag-aapoy na putik. Sa tuwing ilalabas niya ang kanyang mga braso, ang laman mula sa kanyang mga buto ay lalaglag sa putik. Nakikita namin ang isang kulay abong usok sa loob ng kanyang kalansay, kaya tinanong namin ang Panginoon kung ano ito. Ang ganitong uri ng usok ay nasa bawat tao sa impiyerno. Ang sabi ng Panginoon sa amin ito ang kanilang mga kaluluwa nakulong sa loob ng isang kasalanang katawan; katulad ng nasusulat sa Pahayag 14:11 “ At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kaylan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan.”

Nagpasimula kaming maintindihan ang maraming bagay na hindi namin pinapansin sa Mundo; higit na mahalaga, ang malinaw na mensahe na ang ating mga buhay sa Mundo ang nagtatakda kung saan natin gugugulin ang walang hanggan panahon.

Hawak-hawak kamay kaming naglakad kasama ng Panginoon, aming natanto na ang impiyerno ay mayroong iba’t-ibang mga lugar na may iba’t-ibang antas nang pahirap. Dumating kami sa isang lugar na mayroong maraming mga kulungan na naglalaman ng mga pinahirapang kaluluwa. Ang mga kaluluwa ay pinahihirapan ng marami at iba’t-ibang uri ng mga demonyo. Ang mga demonyo ay sinusumpa ang mga kaluluwa, sinasabi, “Ikaw na sinumpang sawing-palad, purihin si Satanas! Paglingkuran siya kagaya ng ginawa mo nang ikaw ay nasa ibabaw ng Lupa!” Ang mga kaluluwa ay lubhang naghihirap mula sa mga uod; at ang apoy ay tulad ng asido sa ibabaw ng lahat nilang katawan.

Nakakita kami ng dalawang lalaki sa loob ng isang kulungan, bawat isa sa kanila ay may kutsilyo sa kanilang mga kamay at kapwa nagsasaksakan. Sila’y nagsasabi sa isa’t-isa, “Ikaw na sinumpang sawing-palad! Ito’y dahil sa iyo na ako ay naririto! Pinapunta mo ako rito dahil binulag mo ako sa katotohanan at hindi mo ipinakilala sa akin ang Panginoon! Hindi mo ako pinahintulan tanggapin Siya! Maraming beses ako nagkaroon ng pagkakataon at hindi mo ako pinahintulutang tanggapin Siya! Kaya naririto ako, pinahihirapan araw at gabi!”

Sa pamamagitan ng isang pangitain, ipinakita ng Panginoon sa amin ang kanilang mga buhay sa Mundo. Nakita namin silang magkasama sa isang bahay-aliwan. Isang pagtatalo ang nagsimula na nauwi sa isang away. Sila ay mga lasing na. Isa sa kanila ay kumuha ng isang basag na bote at ang isa naman ay naglabas ng isang patalim. Nagsaksakan sila hanggang kapwa sila malubhang nasugatan at namatay. Ang dalawang lalaki ay tinadhanang ulitin ang ganoong pangyayari habang panahon. Sila rin ay pinahihirapan nang alaala na sila ay matalik na kaibigan sa ibabaw ng Lupa, tulad ng magkapatid ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa.

Nais kong sabihin sa iyo ngayon, mayroon lamang isang tunay na kaibigan, at ang Kanyang pangalan ay Hesus na taga Nazareth. Siya ang tunay na kaibigan. Siya ang matapat na kaibigan, na kasama mo sa bawat sandali.

Sa aming patuloy na paglalakad, nakita namin ang isang babae sa loob ng isa pang kulungan, siya ay pagulong-gulong sa putik. Ang lahat ng kanyang buhok ay nanglilimahid at puno ng putik. Sa loob din ng seldang iyon ay may isang malaki at matabang ahas. Ito ay gumapang papalapit sa kanya, pinalibutan ang kanyang katawan, at pumasok sa kanya simula sa kanyang ibabang mga bahagi. Siya ay sapilitang nakipagtalik sa ahas na iyon. Sa lugar na iyon lahat ng lalaki at babae na namuhay sa pakikiapid ay sapilitang pina-uulit sa kanila roon. Gayunman, dapat nilang gawin ito sa mga ahas na nababalutan ng 6 na pulgadang tinik. Winasak ng ahas ang kanyang katawan sa tuwing ito ay papasok sa kanya. Humagolgol siya sa Panginoon at nagtanong na pahintuin ito. Ayaw na niyang madusa pa. “Pahintuin ito! Hindi ko na ito gagawin muli! Pakiusap! Pahintuin ito!” Nagmakaawa siya sa Panginoon habang ang ahas ay pumapasok sa kanya at sinira ang kanyang katawan paulit-ulit at paulit-ulit.

Tinangka naming takpan ang aming mga tainga sa kanyang mga iyak subalit amin pa rin siyang naririnig. Lalo pa naming tinakpan nang mas mahigpit ang aming mga tainga, subalit hindi ito naka tulong. Sinabi namin sa Panginoon, “Pakiusap Panginoon ayaw na naming makita at marinig ito kahit kaylan! Pakiusap!” Sabi ng Panginoon, “Ito ay mahalagang makita ninyo, upang masabi ninyo sa iba pa, dahil ang aking mga tao ay napapahamak, ang aking mga tao ay wina-walang bahala ang katotohanan ng kaligtasan, ang tunay na landas patungo sa kaligtasan.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad at nakita namin ang isang higanteng lawa na mayroong libu-libo at libu-libong tao sa gitna ng mga naglalagablab na apoy. Winawagayway nila ang kanilang mga kamay humihingi ng tulong, subalit maraming demonyong lumilipad sa ibabaw nang lugar na iyon. Gamit ng mga demonyong ito ay mga sibat na may s-kurbada na mga dulo ng sibat upang saktan ang lahat ng taong nasusunog sa lawa. Ang mga demonyo ay tinuya at sinumpa sila nagsasabi, “Kayong mga sinumpang sawing-palad! Ngayon dapat ninyong sambahin si Satanas! Purihin siya, purihin siya kagaya nang ginawa ninyo nang kayo ay nasa ibabaw ng Lupa!”Mayroong libu-libo at libu-libong mga tao. Kami ay talagang natakot, naramdaman namin na kung hindi kami nakahawak sa kamay ng Panginoon maiiwanan kami sa kakila-kilabot na lugar na iyon. Kami ay nangilabot sa mga bagay na aming nararamdaman.

Sa di kalayuan nakita namin ang isang taong nakatayo, siya ay nasa labis na kirot at paghihingalo. Mayroong dalawang demonyong lumilipad sa ibabaw niya, pinahihirapan siya. Itinutusok nila ang kanilang mga sibat sa loob ng kanyang katawan at inaalis ang kanyang mga tadyang. Ginagawa rin nila siyang katatawanan sa lahat ng oras. Higit pa rito, ipinakita sa akin ng Panginoon na siya ay pinahihirapan nang laging pag-aalala tungkol sa kanyang pamilya na iniwan sa ibabaw ng Lupa. Ayaw ng lalake ang kanyang pamilya mapunta rin doon sa lugar ng pagdurusa. Siya ay balisa dahil hindi niya ibinahagi sa kanila ang mensahe ng kaligtasan. Siya ay nagdurusa dahil naalala niya na minsan sila ay nagkaroon ng pagkakataon na tanggapin ang mensahe ito. Siya ay napaka importanteng tao na magbahagi ng mensaheng ito sa kanyang pamilya, subalit mas pinili pa niyang isang tabi ito, at ngayon siya ay balisa tungkol sa kanyang mga anak na lalaki at sa kanyang asawa.

Ang pagdurusa ay nagpatuloy habang ang mga demonyo ay pinuputol ang kanyang mga braso, nahulog siya sa nasusunog na putik. Dahil sa kirot mula sa nag-aapoy na putik, siya ay nangisay na tulad ng isang uod mula sa isang lugar patungo sa iba. Ang kanyang laman ay nahulog mula sa kanyang mga buto dahil sa init. Nagpasimula siyang gumapang tulad ng isang ahas, nagtatangkang lumabas sa lugar na iyon. Subalit sa bawat pagkakataon na siya ay nagtatangkang umalis, ang mga demonyo ay tinutulak siya pabalik at siya ay napunta sa mas malalim sa loob ng putik.

Pagkatapos nakita namin ang isang bilang ng mga demonyo sa isang lugar. Ilang bagay ang nakakuha ng aking pansin, napansin ko na isa sa mga demonyo ay nawawalan ng isang pakpak. Tinanong ko ang Panginoon, “Panginoon, bakit itong demonyo na ito ay nawawalan ng isang pakpak?” Sumagot ang Panginoon, “Iyang demonyo na yan ay pinadala sa ibabaw ng Lupa na may isang layunin, subalit hindi niya nagampanan ang kanyang tungkulin, at siya ay itinapon pabalik sa Impiyerno ng isa sa mga lingkod ng Diyos. Pagkatapos dumating si Satanas at pinarusahan siya, at pinutol ang isa sa kanyang mga pakpak.” Sa oras na iyon naunawaan namin na bilang mga Kristiyano, mayroon tayong lahat nang kapamahalaan at kapangyarihan sa Pangalan ni Hesus upang palayasin lahat ng mga demonyo at kanilang mga pamunuan.

Mahal na mga kaibigan na ngayon ay nagbabasa nang mga salitang ito, ang patotoong ito ay hindi bilang paghahatol subalit kaligtasan; upang iyong masuri ang iyong sarili at makita ang kalagayan ng iyong puso sa harap ng Panginoon. Ito ay sadyang ganito upang iyong baguhin ang iyong mga daan, para sa kaligtasan at hindi para sa paghahatol. Ngayon din, itaas mo ang iyong puso sa Panginoon at ipahayag ang iyong mga kasalanan, upang kung dumating ang Panginoon sa oras na ito makakasama ka sa Kanya sa halip na pumunta sa lugar na iyon nang pagdurusa na kung saan may mga panaghoy at pagngangalit ng mga ngipin. Doon, mauunawaan mo talaga kung bakit binayaran ni Hesus nang isang napakalaking halaga sa krus ng Kalbaryo.

Nakita namin ang maraming mga tao sa impiyerno na mangmang kung bakit sila naroroon. Ang mga buhay nila ay punong-puno ng mga gawain na hindi nila iniisip na ito ay mga kasalanan. Mahal na kaibigan, suriin mo iyong sarili! Huwag mong isipin na ang pagsisinungaling, pagnanakaw, pagiging malayaw ay tamang mga bagay na ginagawa! Ang lahat nang ito ay pawang kasalanan sa harap ng mga mata ng Panginoon! Mahal na mga kapatid, tumalikod ka at hintuan mo ang paggawa ng mga bagay na ito! Ibinibigay ko sa iyo ang mensaheng ito upang iyong tigilan nang tuwiran ang pagkakasala, at lalong tumingin sa mukha ng Panginoon.


(IKA-ANIM NA PATOTOO)

Awit 62:12 Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang kagandahang-loob sapagka't ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.”

Noong umaga na dinalaw kami ng Panginoon sa loob ng silid na iyon, dinala Niya kami sa pamamagitan ng kamay at nagpasimula kaming humayo pababa. Ang puso ko ay lubos na puno ng takot, hindi ko kayang isalarawan ito. Ang alam ko lang ay hindi ako dapat makabitaw sa kamay ng aking Tagapagligtas. Naramdaman ko na si Hesus ang aking Buhay at aking Liwanag at lahat ng aking Pag-asa ay nasa Kanya; kung hindi ganoon maiiwan ako sa lugar na iyon. Hindi ko naisip na makakarating ako sa lugar na iyon. Hindi rin ako naniniwala na mayroon talagang isang ganoong lugar. Kahit bilang Kristiyano, Lagi kong iniisip na ang purgatoryo ay ang Impiyerno, subalit ipinakita ng Diyos sa akin ang katotohanan ng Impiyerno.

Nang dumating kami sa Impiyerno, Naramdaman ko na umuga ang lugar. At lahat ng mga demonyo doon ay nagtakbuhan para magtago, dahil wala isa man sa kanilang makatatagal sa presensya ng Panginoon. Narinig namin ang mga bihag na kaluluwa na lalong sumisigaw nang malakas, dahil alam nila na si Hesus na taga Nazareth ay naroroon. Alam nilang lahat na mayroon lamang isang tao na maaaring makapag labas sa kanila. Mayroon silang ganoong pag-asa, kahit na ito ay isang maling pag-asa.

Lumakad kaming hawak-kamay kasama si Hesus, at dumating sa bahagi ng pakikiapid. Humingon si Hesus upang tignan ang isang babae na buong-buo na natatakpan ng apoy. Nang makita siya ni Hesus, nagpasimula siyang lumabas dahan-dahan mula sa apoy, bagamat ang kanyang mga pagdurusa ay walang hinto. Nakita namin na siya ay naka hubo’t-hubad at kita ang lahat ng kanyang mga panlabas na katangian. Ang kanyang katawan ay napakarumi, at siya ay mabaho. Ang lahat ng kanyang buhok ay magulo, at siya ay mayroong isang madilaw na maberdeng putik sa ibabaw. Siya ay walang mga mata at ang kanyang mga labi ay naglalaglagan nang pira-piraso. Wala siyang mga tainga, mga butas lamang. Sa pamamagitan ng kanyang mga kamay, na mga butong maitim sa sunog, kinuha niya ang laman na nalalaglag mula sa kanyang mukha at sinikap na ibalik itong muli. Subalit lalo itong nagbigay sa kanya nang mas matinding kirot.

Pagkatapos siya ay nanginig at sumigaw nang higit; ang kanyang hiyaw ay hindi natapos. Siya ay puno ng mga uod, at mayroong isang ahas na nakapulupot sa kanyang braso. Ito ay napakataba at may mga tinik paikot sa kanyang katawan. Siya ay may bilang na 666 na naka-ukit sa kanyang katawan; ang bilang ng Halimaw na binanggit sa aklat ng Pahayag. (Pahayag 13:16-18) Siya rin ay may isang bakal na plaka nakabaon sa ibabaw ng kanyang dibdib, yari sa hindi kilalang bakal, hindi ito natutupok ng apoy. Sa ibabaw ng plaka ay may nakasulat na kakaibang titik, subalit nauunawaan namin ang nakasulat dito. Ang basa, “Ako ay naririto dahil sa pakikiapid.

Nang makita siya ni Hesus tinanong siya Nito, “Elena, bakit ka naririto sa lugar na ito?” Habang si Elena ay sumasagot sa Panginoon ang kanyang katawan ay baluktot sa sakit ng kanyang mga parusa. Sinabi niya na siya ay naroon dahil sa pakikiapid. Humingi siya ng tawad sa Panginoon paulit-ulit.

Pagkatapos nagpasimula naming makita ang yugto ng kanyang kamatayan. Nang siya’y mamatay, siya ay nakikipagtalik sa isa sa kanyang mga kalaguyo, dahil inisip niya na ang tao na kinakasama niya ay umalis sa isang paglalakbay. Gayon pa man, siya ay bumalik mula sa kanyang hanap-buhay at nakita siyang may kasiping sa higaan. Pumunta nga siya sa kusina at kumuha ng isang malaking kutsilyo at isinaksak ito sa likod ni Elena. Siya ay namatay at dinala sa Impiyerno, siyang-siya kung paano siya namatay; hubo’t-hubad.

Sa Impiyerno, lahat ng bagay ay nagkakatutoo at taglay pa rin niya ang malaking kutsilyo sa kanyang likod, nagdudulot sa kanya ng sobrang sakit. Sa mga oras na ito, siya ay 7 taon nang nasa Impiyerno at natatandaan niya ang bawat yugto ng kanyang buhay at kamatayan. Naalala rin niya noong minsan may nagsubok na mangaral sa kanya tungkol kay Hesus; na Siya lamang ang tangging makapagliligtas sa kanya. Subalit ngayon ito ay sadyang huli na para sa kanya at sa bawat isa na nasa Impiyerno.

Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi nang maraming bagay tungkol sa pakikiapid, at ito ay napakalinaw. Ang pakikiapid ay pakikipagtalik sa labas ng pag-aasawa. 1 Corinto 6:13 Ang mga pagkain ay sa tiyan, at ang tiyan ay sa mga pagkain: nguni't kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito. Datapuwa't ang katawan ay hindi sa pakikiapid, kundi sa Panginoon; at ang Panginoon ay sa katawan.” Ganoon din sa 1 Corinto 6:18Magsitakas kayo sa pakikiapid. Lahat ng kasalanang gawin ng mga tao ay nangasa labas ng katawan; nguni't ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan.”

Nang si Hesus ay matapos makipagusap sa kanya, siya ay natakpan ng isang malaking kumot ng apoy at hindi na namin siya makita. Subalit narinig namin ang tunog ng kanyang laman na nasusunog at yung mga kakila-kilabot na hiyawan, hindi ko kayang isalarawan ang mga iyon sa mga salita.

Sa aming pagpatuloy na paglalakad kasama ng Panginoon, ipinakita Niya sa amin ang lahat ng mga tao roon: ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, yung mga gumamit at nagsagawa ng pangungulam, ang mga immoral, mga nangangalunya, mga sinungaling, at mga bakla. Kami ay takot na takot, ang tanging bagay na ibig naming gawin ay umalis. Subalit patuloy na sinasabi ni Hesus na ito ay mahalagang tignan upang masabi namin sa iba, upang sila ay manampalataya.

Nagpatuloy kaming kasama si Hesus, hawak-hawak na mas mahigpit ang Kanyang kamay. Dumating kami sa isang bahagi na nagbigay talaga sa akin ng isang bagay na di malilimutan. Nakita namin ang isang batang lalake, 23 taong gulang, nakabitin hanggang baywang sa gitna ng apoy. Hindi namin makita nang husto kung ano ang kanyang paghihirap, subalit ang bilang na 666 ay naka-ukit sa kanya. Siya rin ay may isang bakal na plaka sa ibabaw ng kanyang dibdib na ang basa, “Ako ay naririto sa pagiging karaniwan.” Nang makita niya si Hesus iniunat niya ang kanyang kamay patungo kay Hesus humihingi ng habag. Ang Salita ng Diyos ay nagsasabi sa Kawikaan 14:12 May isang landas na tila baga matuwid sa paningin ng isang tao, subalit ang dulo ay ang landas ng kamatayan.

Nang mabasa namin ang plaka na nagsasabi “Ako ay naririto sa pagiging karaniwan”, tinanong namin ang Panginoon, “Panginoon, paano nangyari! Ito ba’y posible na ang isang tao na mapunta sa lugar na ito sa ganyang kadahilanan?” At siya ni Hesus, “Andrew, bakit ka naririto sa lugar na ito?” Siya’y sumagot, “Hesus, nang ako ay nasa ibabaw ng Lupa, akala ko ang pagpatay at pagnanakaw lang ang mga kasalanan, at iyan ang dahilan kung bakit hindi ko sinubukang lumapit sa iyo.” Sa Awit 9:17 nagsasabi “Ang masama ay ibubulid sa Impiyerno, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Diyos.”

Si Andrew ay nakagawa ng isang napakalaking pagkakamali sa pamamagitan nang pag-uuri ng mga kasalanan, tulad ng maraming mga tao ngayon. Ang Bibliya ay napakalinaw nang sabihin nitong ang mga kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, subalit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan. (Roma 6:23)

Falling into HellKaragdagan, kapag ang Bibliya ay nangusap tungkol sa kasalanan, hindi nito pinagbubukud-bukod ang mga kasalanan, sapagkat lahat sila ay pawang mga kasalanan. Si Andrew ay nagkaroon ng pagkakataon na makilala at tanggapin si Hesus subalit hindi niya kinuha ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng Diyos. Marahil nagkaroon

siya ng isang libong pagkakataon na makilala ang Panginoon, subalit ayaw niyang makilala Siya at iyan ang dahilan kung bakit siya ay naroon. Pagkatapos isang malaking kumot ng apoy ang lumukob sa kanyang katawan at hindi na namin siya nakitang pang muli.

Nagpatuloy kami sa paglalakad kasama si Hesus, sa di kalayuan nakakita kami nang tila baga bumabagsak pababa, tulad ng mga tipak na bagay. Nang kami ay lumapit, nakita namin na ito pala ay mga tao na bumabagsak sa Impiyerno sa mga sandaling iyon. Mga taong kamamatay lamang sa ibabaw ng Lupa na hindi tinanggap si Hesus sa kanilang mga puso, sila ay nagdadatingan sa Impiyerno.

Nakita namin ang isang batang lalaki, maraming demonyo ang nagtakbuhan papunta sa kanya at nagpasimulang wasakin ang kanyang katawan. Agad-agad ang kanyang katawan ay nagpasimulang mapuno ng mga uod. Siya ay sumigaw, “Hindi!, Ano ito? Hinto! Ayoko sa lugar na ito! Ihinto ito! Ito marahil ay isang panaginip! Alisin ako sa lugar na ito!” Hindi nga rin niya alam na patay na siya, at namatay siyang walang Hesus sa kanyang puso. Ang mga demonyo ay ginagawa siyang katatawanan at laging pinahihirapan ang kanyang katawan. Pagkatapos ang bilang na 666 ay nakita sa kanyang noo, at isang bakal na plaka sa ibabaw ng kanyang dibdib. Kahit hindi namin nakita ang dahilan kung bakit siya napunta sa Impiyerno, alam namin siguradong hindi na siya kaylan man makalalabas muli. Sinabi sa amin ng Panginoon na ang mga parusa ng lahat ng mga tao rito sa Impiyerno ay lalong titindi sa araw ng Paghuhukom. Kung sila man ay nagdurusa sa isang kakila-kilabot at kasindak-sindak na paraan ngayon hindi ko maisip kung paano pa sila magdurusa pagkatapos ng araw ng Paghuhukom.

Wala kaming nakitang mga bata roon. Nakita lang namin ang libu-libo at libu-libong kabataan; lalaki at babae ng maraming lahi. Gayunman, sa Impiyerno wala na ang mga lahi o antas ng pamumuhay, lahat ay napunta upang pahirapan at parusahan. Mayroon lamang isang bagay na gusto ang bawat isa, at ito ay isang pagkakataon na makalabas, kahit na isang segundo lamang. Gusto rin nilang magkaroon kahit isang patak ng tubig upang malamigan ang kanilang mga dila, tulad ng kuwento ng mayamang tao sa Bibliya. (Lucas 16:19) Subalit ito ay hindi posible kaylan man, pinili nila kung saan nila ibig gugulin ang kanilang walang hanggang buhay. Pinagpasyahan nila itong gugulin na walang Diyos. Walang sinumang tao ibinulid ng Diyos sa Impiyerno, bawat isa ay dumating doon ayon sa kanilang sariling mga gawa. Sa Galatia 6:7Huwag kayong padadaya, ang Diyos ay hindi maaaring hamakin. Kung ano ang itinanim ng tao, siya ring aanihin niya.”

Ngayon ikaw ay mayroong dakilang pagkakataon na baguhin ang iyong pangwalang-hanggang kasasapitan. Si Hesus ay nag-aantay pa rin sa iyo ngayon, at sabi ng Bibliya habang tayo ay may buhay mayroon din tayong pag-asa. Ngayon mayroon kang buhay, huwag mong palagpasin ang pagkakataong ito, maaaring ito na ang huli.

Pagpalain ka ng Diyos.

Isinalin sa tagalog: Reyn Araullo
Ika-20 ng Disyembre, 2007
e-mail:[email protected]