(Panimula ng Tagapagpakilala) Mapapakinggan ninyo ang pangitain sa Impiyerno, subalit higit sa lahat, mapapakinggan ninyo ang isang pangitain nang malalim na pagmamahal kay HesuKristo at ang Kanyang pagmamahal para sa buong mundo. Galing si Bill sa Impiyerno. Hindi siya isang panauhin doon, kagaya ng maraming tao sa mga makatotohanang pangitain, subalit naranasan niya ang mga pagdurusa sa Impiyerno sa loob ng kalahating oras na walang pag-asang makatakas pa. Si Bill at ang kanyang asawa ay may malalim na pagmamahal kay HesuKristo, at sa gawain ng Diyos, at sa pangunguna ng Banal na Espiritu. Ma-iibigan ninyo rin siya. Ating tanggapin Bill at Annette Wiese. (Bill Wiese nagsasalita) Isang karangalan maparito. Ang buong paglalakbay na ito ay sadya na isang pagpapala sa amin. Tulad ng sinabi ni Hal, kami ay nasa negosyo ng pagbebenta ng bahay at lupa. Hindi namin ginagawa ito para sa ikabubuhay. Hindi namin ito ginagawa para sa salapi. Ang alam lang namin sinabi sa amin ng Diyos na humayo at sabihin sa mundo ang tungkol sa Kanyang pag-ibig para sa mga tao at sa lugar na ayaw Niyang puntahan ninoman sa Kanyang nilikha. Kaya kami ay naririto. Kaya, alang-alang sa oras ay iigsian ko ang patotoong ito at pumunta na kaagad dito. Ngunit una sa lahat nais kong sabihin ang ilang mga bagay, mga tanong na maaaring nasa inyong isipan. Ang unang tanong na maaaring nasa aking isipan, kung ako ay nakikinig sa sarili ko, ay, “Paano mong malalaman na ito ay hindi isang panaginip lamang na iyong naranasan? Isang masamang panaginip?” Ilang mga puntos na dapat gawin, una sa lahat, iniwan ko ang aking katawan. Nakita ko ang aking katawan nang ako ay bumalik, nakahiga sa sahig. Kaya sigurado ako na ito ay karanasan sa labas ng katawan. Ilang mga Kristiyano ang nagsabi, “Oh ang isang Kristiyano ay hindi maaaring iwan ang kanyang katawan.” Subalit hindi ito totoo, sa 2 Corinto 12:2, nang si Pablo ay dinagit pataas sa ikatlong langit, Sinabi niya, “kung ito man ay sa katawan, o sa labas ng katawan ay hindi ko alam.” Kaya kung hindi niya alam ito’y nangangahulugang posible. At sinabi niya rin sa talata 1 na ito ay isang pangitain, kaya ako ay naniniwala na ito ay nasa ilalim ng uri ng isang pangitain. Sa Job 7:14 sinasabi nito, “Sinindak Mo ako ng mga panaginip at tinakot ako ng mga pangitain.” Kaya ito talaga ang ginawa ng Panginoon, tinakot ako sa pamamagitan ng isang pangitain. Sa aking pagbabalik mula rito, isang taon ang kinailangan bago ako napayapa, at naging isang normal na taong muli. Ako ay lubhang balisa at tulala mula sa takot na ito’y nagpabago nang buo kong pananaw kung paano magpatotoo at kung paano pagpapahalagahan ang kaligtasan ng Diyos. Hinihiling ko ang aking asawa na umakyat sandali rito upang maibahagi niya sa inyo kung ano ang nangyari nang makita niya ako sa aming sala, dahil hindi ko maalala ang bahaging ito. Kaya gusto kong ibahagi niya ito sa ilang pananalita. Salamat. (Annette asawa ni Bill nagsasalita) (Bill Wiese nagsasalita) Ako’y pinagpala ng isang mabuting babae. Ako’y lubos na nagpapasalamat sa Diyos. Apat na taon na akong may asawa, at nakilala ko siya sa loob ng anim na taon, at ito ang pinakamainam na anim na taon sa aking buhay, dapat kong sabihin, kaya purihin ang Diyos. Nais kong malaman nang ako ay bumalik mula sa karanasang ito, kung mayroong tao sa Bibliya nakaranas ng Impiyerno. Kaya nagpasimula akong magsaliksik. Nakinig ako kay Chuck Missler nang higit. Siya ay tagapagturo ng Bibliya sa buong bansa, isang tunay na magaling at sinabi niya na si Jonas ay nakaranas ng Impiyerno. Sa Jonas 2:2 sabi rito, “sa Impiyerno siya ay nanangis.” At sa Jonas 2:6 sabi rito, “Ang ilalim ng lupa taglay ang kanyang mga rehas ay nakapalibot sa akin magpakailanman, ngunit ibinalik mo ang aking buhay mula sa pagkabulok.” Kaya kahit papaano mayroong tao sa Bibliya na nakaranas ng Impiyerno, si Jonas. Gusto ko ring malaman, dahil ako ay pinalaki sa mga panimulang araw ng Calvary Chapel, na kahit anong karanasang espiritual na inyong mararanasan ay dapat nasasaad sa Salita ng Diyos. Kaya naunawaan ko na kung ang aking naranasan ay totoo, dapat ito ay naroroon na sa mga salita. Kaya nagpasimula akong magsaliksik at nakita ko na mahigit 400 na talata nagpapatunay sa lahat nang nakita ko, narinig, naramdaman, lahat ng may kinalaman sa Impiyerno. Ito ay naroon na sa Bibliya, kaya anumang bagay na sasabihin ko ay naroroon na. Babanggitin ko rin ang ilan sa mga talata habang tayo ay nagpapatuloy. Hindi ko kaya sambitin ang lahat sa 400, subalit sigurado ang ilan sa mga ito. Napag-alaman ko rin na mayroon ding 14 pang ibang mga tao na nakaranas ng ilang bahagi ng Impiyerno. Kalimitan sa kanila ay mga karanasang malapit na sa kamatayan, mga tao namamatay sa ospital at muling nakabalik. Kaya upang magsimula kaagad dito, mabilisan: Kaming mag-asawa ay galing sa panggabing pagpupulong sa panalangin ng Linggo na lagi naming dinadaluhan kasama ang aming mga pastor. At umuwi kami sa aming bahay tulad din ng mga pangkaraniwang gabi at nahiga sa kama. Bandang alas 3 ng umaga ako ay kinuha. Hindi ko alam kung paano akong napunta roon hanggang sa ako ay nakabalik. At ipinaliwanag ng Panginoon. Ngunit ako ay basta na lamang ibinagsak sa loob ng isang kulungan, tulad ng isang pangkaraniwang kulungan o selda, na ating iniisip, may magaspang na malalaking mga pader at mga rehas sa pintuan. Hindi ko pa alam kung nasaan ako. Ang nalalaman ko lamang ito ay napaka-init, kahidik-hindik na init. Sadyang napaka-init, hindi ako makapaniwala na buhay pa ako. Noong una ay maliwanag pa sa silid, at naniniwala ako na ang presensya ng Panginoon ay naroroon upang makita ko nang higit ang tanawin, subalit pagkatapos ito ay naging madilim pagkalipas ng may isang minuto. Sa
Isaias 24:22 sinasabi rito: “At
sila ay sama-samang titipunin, tulad ng mga bihag na tinipon sa lunga,at
ikukulong sa loob ng kulungan....”
Kawikaan 7:27 "sila
ay mapaparoon pababa sa Impiyerno sa mga camara (silid) ng kamatayan"
Ganoon
din sa
Jonas 2:6, "ang
lupa taglay ang kanyang mga rehas ay nakapalibot sa akin kaylan pa...." Natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng selda, at itong 4 na nilalang ay kasama ko sa loob ng selda. Hindi ko alam na sila pala ay mga demonyo sa mga oras na iyon, dahil napunta ako roon bilang isang di mananampalataya. Inalis ng Diyos sa aking isipan na ako ay isang Kristiyano. Hindi ko maunawaan kung bakit, subalit ito ay ipinaliwanag Niya sa akin nang kami ay bumalik. Hindi ko natanto agad na itong mga nilalang ay mga demonyo at sila ay napakalalaki. Sila ay 12 o 13 talampakan ang taas, tulad ng nakikita natin sa palabas. Isa sa mga taong nagbigay ng patotoo, nakita niya ang parehong demonyong nakita ko. Kaya makikita ninyo kung ano ang tunay na mukha ng isa sa kanila. Mayroong isang magandang larawan nito sa isang pelikula na kung saan isang lalaki ang hinila nito sa loob ng selda ng Impiyerno. Ito ay nasa patotoo ni Kenneth Hagin. Gayunpaman, ang mga ito ay may mga kaliskis. Ang isang ito ay may kaliskis sa buo niyang katawan, malahiganteng mga panga na may malalaking mga ngipin, at mga pangil na nakalabas, sa hanay ng mga matang nakalubog. Sila talaga ay napakalalaki. Ang isa ay hindi tulad nito, mayroon siyang matatalim na palikpik sa palibot may mahabang braso at hindi pantay na mga paa. Lahat ay yupi-yupi at baluktot at hindi pantay-pantay, hindi magkakatulad, wala sa ayos ang mga sukat, mahaba ang isang braso at maigsi naman ang isa at talagang mga kakaibang nilalang, nakakatakot, nakakatakot na mga anyo. At nilalapastangan nila ang Diyos. Sa lahat ng oras ay sinusumpa nila ang Diyos. Nagtataka ako, “Bakit nila sinusumpa ang Diyos? Bakit labis silang namumuhi sa Diyos?” At nilipat nila ang pansin sa akin, at naramdaman ko na ang galit nila sa Diyos ay siya ring galit sa akin, at muli naisip ko: “Bakit sila nagagalit sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kanila.” Subalit sila ay namuhi sa akin na kailan man ay hindi ko pa naranasan sa Mundo; higit sa kakayahan ng tao na mamuhi. Lubos ang pagkamuhi nila sa akin, at nalaman ko na sila ay nakatalagang pahirapan ako. Mayroon akong mga bagay na sasabihin, na hindi ko malaman kung paano kong nalaman. Sa Impiyerno ang iyong mga pakiramdam ay higit, alam mo na higit pa sa pakiramdam ng ating pisikal na katawan. Di lingid sa akin ang mga distansya, alam ko ang oras, at ang iba pa, higit sa kaalaman mo ngayon. Alam ko na ang mga bagay na ito ay itinakda sa akin, na pahirapan ako magpakailanman sa lugar na ito. Ako ay nakahandusay sa sahig ng seldang ito at wala akong lakas sa aking katawan. Nagtataka ako, “Bakit hindi ako makagalaw, ano kaya ang nangyayari sa akin?” Ang nalalaman ko lamang ako’y walang lakas, at ako ay nakalugmok doon na walang magagawa. Isang Demonyo ang dumakma sa akin at binitbit ako pataas, at pinukol ako sa pader na parang isang baso. Binitbit niya ako na para lamang isang baso. Ganoon ako kagaan, o ganoon siya kalakas. At ipinukol niya ako sa pader, at lahat ng aking buto ay nabasag. At naramdaman ko ang kirot! Nakahandusay lamang ako sa sahig doon, nananangis para kahabagan, subalit ang mga nilalang na ito ay sadyang walang habag kahit kaunti, wala talagang habag. Ang isa ay dinampot ako, at ang isa naman na may matatalim na kuko, nilaplap ang aking mga laman. Talagang binaklas niya ito at wala siyang pakialam sa katawang ito na ginawa ng Diyos na napakaganda. Mayroon silang malalim na pagkamuhi sa akin. Nagtataka ako, “Bakit buhay pa ako, bakit ko pa nararanasan ito? Hindi ko maunawaan kung bakit hindi pa ako namatay.” Nakalaylay na nakabalumbon ang aking laman. At walang dugo, laman lamang na nakalaylay, dahil ang buhay ay nasa dugo, at walang buhay sa Impiyerno. At walang tubig sa Impiyerno. Sa Isaias 14:9-10 sinasabi rito, Ang Sheol (Impiyerno) mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa. Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin? Ikaw ba'y naging gaya namin? Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay; ako'y parang taong walang lakas: At nalalaman natin na ang demonyo ay talagang mayroong lakas, sa mga kasulatan mayroon doong isang tao na inaalihan ng demonyo patakbu-takbo sa mga libingan, sinasabi sa: At nagsidating sila sa kabilang ibayo ng dagat sa lupain ng mga Gadareno. At paglunsad niya sa daong, pagdaka'y sinalubong siya na galing sa mga libingan ng isang lalake na may isang karumaldumal na espiritu. Na tumatahan sa mga libingan: at sinoma'y hindi siya magapos, kahit ng tanikala; Sapagka't madalas na siya'y ginapos ng mga damal at mga tanikala, at pinagpatidpatid niya ang mga tanikala, at pinagbabalibali ang mga damal: at walang taong may lakas na makasupil sa kaniya. Hindi nila kayang igapos siya; winasak niyang pira-piraso ang mga kadena. At ito ay isa lamang tao na may lakas ng demonyo. Naunawaan ko na ang mga demonyong ito ay may 1000 higit sa lakas ng isang tao. Kaya kahit na taglay ko ang aking natural na lakas, hindi ko rin sila kayang labanan sa anumang kaparaanan. Kaya ako ay lubusang nakasalalay sa kanilang habag, na wala naman sila. Ang mga Demonyo ang nagpapatakbo ng iyong buhay sa Impiyerno. Ang amoy ng mga demonyong ito at ang amoy ng Impiyerno ay lubhang pagkasama-sama; hindi ko kayang isalarawan ito sa iyo. Mayroon duong isang amoy ng nasusunog na laman, ng asupre. Ang amoy ng mga demonyong ito ay tulad ng isang bukas na poso negro, bilasa, bulok na karne, mga bugok na itlog, panis na gatas at lahat nang kaya mong isipin. Tanggapin mo ito, paramihin sa 1000 ulit, at ilagay mo sa iyong ilong. At hayaan mong langhapin ito. Ito ay lubhang nakalalason, na talagang papatay sa iyo, kung ikaw ay nasa katawang ito, mamamatay ka. At nagtataka ako, “Bakit pa ako nabubuhay sa amoy na ito, ito ay lubhang nakakagimbal?” Subalit muli hindi ka mamamatay, kinakailangan mong tiisin ang mga ito. Ang mga paglapastangan, na sinusumpa nila ang Diyos ay nabanggit sa Ezekiel 22:26 "Ako ay nilapastangan sa gitna nila" Ang mga saserdote niyaon ay nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan, at nilapastangan ang aking mga banal na bagay: sila'y hindi nangaglagay ng pagkakaiba sa banal at sa karaniwan, o kanila mang pinapagmunimuni ang mga tao sa marumi at sa malinis, at ikinubli ang kanilang mga mata sa aking mga sabbath, at ako'y nalapastangan sa gitna nila.
Inaalimura, binabastos at mga paglapastangan. Ang pahirap na ginawa nila sa akin ay nabanggit sa Deuteronomio 32:22-24. Sapagka't may apoy na nagalab sa aking galit, At nagniningas hanggang sa Sheol (Impiyerno), At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito, At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok. Aking dadaganan sila ng mga kasamaan; Aking gugugulin ang aking busog sa kanila:Sila'y mangapupugnaw sa gutom, at lalamunin ng maningas na init, At ng mapait na pagkalipol; At ang mga ngipin ng mga hayop ay susunugin ko sa kanila, Sangpu ng kamandag ng nangagsisiusad sa alabok. Kaya may mga ngipin ang mga hayop o halimaw na kakagat sa iyo. 2 Samuel 22:6 nagsasabi: Ang mga panali ng Sheol (Impiyerno) ay lumibid sa akin: Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin. At sa Micas 3:2 mayroong isang nakagaganyak na talata na kung saan ang mga Filisteo, na galit sa mga Israelita ay nagsasabi: Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan; na siyang umaagaw sa mga dukha ng balat nila, at ng kanilang laman sa kanilang mga buto; Ito ang ginawa nila sa mga Hudio. Ito ay sa natural, subalit saan nila kinuha ang ganuong kaisipan? Ito ay galing sa Impiyerno. Ito ang ginagawa ng mga Demonyo, at ang habag? Mayroon lamang habag sa Langit. Ang habag ay galing sa Diyos, at ang demonyo ay walang kaalamalam sa anumang habag, siya ay sadyang laban dito. Awit 36:5 “Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay nasa mga langit: ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit.” Ito ay mariing hindi sa Impiyerno. At sa Awit 74:20 sinasabi rito: Magkaroong pitagan ka sa tipan: sapagka't ang mga madilim na dako ng lupa ay puno ng mga tahanan ng karahasan. Ito ay isang malupit, malungkot, kakila-kilabot na lugar na dapat mong batain. Dapat mong batain ang lahat ng mga bagay na ito. Ginawa ng Diyos ang sangkatauhan na pinakamataas na anyo ng kanyang nilikha, at ang mga demonyong ito ang pinakamababa sa anyo ng nilikha. Bilang mga tao nagsisikap tayo na umasenso sa buhay, pinaghuhusay natin ang ating mga sarili, nag-aaral tayo. Subalit sa Impiyerno, ang iyong buhay ay pinatatakbo ng mga demonyo. Ang mga nilalang na ito ay walang isip, lubusang mangmang na mga nilikha. Ang alam lang nila ay pagkamuhi sa Diyos, pagkamuhi sa iyo at pagpapahirap. At sila ang nagpapatakbo ng buhay mo, at wala kang magagawa sa mga bagay na ito. Mayroong mga talata tungkol sa kahihiyan na dapat mong pagtiisan. “Ang bagay na ito ang magpapatakbo ng buhay ko, hindi ko kayang pigilin ito!” Sa Isaias 5:14-15 Kaya't pinalaki ng Sheol (Impiyerno) ang kaniyang nasa, at ibinuka ang kaniyang bibig ng walang sukat: at ang kanilang kaluwalhatian, at ang kanilang karamihan, at ang kanilang kahambugan, at ang nagagalak sa gitna nila ay bumaba roon. At ang taong hamak ay pinayuyukod, at ang makapangyarihang tao ay pinapagpapakumbaba, at ang mga mata ng nagmamataas ay pinapagpapakumbaba: At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol(Impiyerno). Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad; gayon ma'y hindi mo sinabi, Walang kabuluhan: ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas; kaya't hindi ka nanglupaypay. At kanino ka nangilabot at natakot, na ikaw ay nagsisinungaling, at hindi mo ako inalaala, o dinamdam mo man? Hindi baga ako tumahimik na malaong panahon, at hindi mo ako kinatatakutan? Aking ipahahayag ang iyong katuwiran; at tungkol sa iyong mga gawa, ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo. Pagka ikaw ay humihiyaw, iligtas ka nila na iyong pinisan; nguni't tatangayin sila ng hangin, isang hinga ay tatangayin sa kanila: nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay magaari ng lupain, at magmamana ng aking banal na bundok; At kaniyang sasabihin, inyong patagin, inyong patagin, inyong ihanda ang lansangan, inyong alisin ang katitisuran sa langsangan ng aking bayan. Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi. Sapagka't hindi ako makikipagtalo magpakailan man, o mapopoot man akong lagi; sapagka't ang diwa ay manglulupaypay sa harap ko, at ang mga kaluluwa na aking ginawa. Nandoon ang Elam at ang buo niyang karamihan sa palibot ng kaniyang libingan; silang lahat na nangapatay na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak, na nagsibabang hindi mga tuli sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, na nakapagpangilabot sila sa lupain ng buhay, at dinala ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay. Nagpatuloy at nagpatuloy ito. Iyon ay isang kasuklam-suklam na bagay, ang patakbuhin ang iyong buhay ng mga nilalang na ito, na walang anumang habag sa iyo. (Ang kadiliman at hiyawan sa Impiyerno) At ang takot na sasakop sa iyo ay hindi kapanipaniwala. Lahat ay pinaghaharian ng takot. Wala ang presensya ng Diyos sa lugar na ito, kaya dapat mong pagdusahan ang takot at ang paghihirap at ang kadiliman. Wala kang makitang anuman. Ni hindi mo makita kung ano ang paparating na laban sa iyo. Ang kasulatan ay nangusap tungkol sa kadilimang ito sa Awit 88:6 Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay, sa mga madilim na dako, sa mga kalaliman. At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon; at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap, Mga mabangis na alon sa dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man. At mayroong kadiliman na maaaring maramdaman, na ipinakita sa Exodo 10:21 At sinabi ng Panginoon kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit, upang magdilim sa lupain ng Egipto, ng kadiliman na mahihipo.” Maaari mong maramdaman ang kadilimang ito. (Ang takot sa Impiyerno) Kaya ito ang ilang mga bagay na dapat nating tiisin sa Impiyerno. Sa Isaias 24:17-18 sinasabi rito: Takot, at ang hukay, at ang silo ay nangasa iyo, Oh nananahan sa lupa.At mangyayari, na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo: sapagka't ang mga dungawan sa itaas ay nangabuksan, at ang mga patibayan ng lupa ay umuuga. Ted Koppel, sa isang palabas na kanyang ginawa sa "Night Line" isang taon at kalahati nang nakalilipas, dinalaw ang ilan sa mga kulungan o selda sa ating bansa at nagpalipas nang gabi roon. Hindi siya makapaniwla kung gaano iyon kalakas, na hindi siya makatulog, bawat isa ay humihiyaw sa taluktok ng kanilang mga baga. Sinabi niya sa TV na siya ay nagimbal kung paano ang mga tao ay humiyaw at dumadaing buong magdamag. Kaya maging sa ating mga kulungan sa mundo, ang mga tao ay naghihiyawan, gaano pa kaya sa Impiyerno. Sa Job 18:14 isinasabi rito na ang masamang mga landas ng isang tao, isang tao na tinakwil ang Panginoon... Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan; at siya'y dadalhin sa hari ng mga kakilabutan. Ang diablo ang tiyak na Hari ng mga kilabot. (Mapanglaw sa Impiyernol) Ang kadiliman ay napakakapal; kinakain nito ang anumang liwanag. Subalit mayroong sapat upang makita ang bahagya nang kalawakan. Lahat ay kulay kape at parang disyerto! Ang ibig kong sabihin ay wala kahit isang berdeng dahon, walang anumang may buhay ng anumang uri, bato, lupa at madilim na kalawakan, at maruming usok sa kalawakan. Ang lagablab ng apoy ay talagang napakataas kaya ko nakikita ang mga ito. Mayroong isang talata sa Deuteronomio 29:23 At ang buong lupaing yaon ay asupre, at asin, at sunog, na hindi nahahasikan, at walang ibubunga, ni walang tumutubong damo, na gaya ng nangyari sa pagkagiba ng Sodoma at Gomorra, Adma at Seboim, na giniba ng Panginoon sa kaniyang kagalitan at sa kaniyang maningas na pagiinit; Walang anumang buhay sa Impiyerno. Talagang kakaiba ang mapunta sa daigdig na walang buhay. Dito nalulugod tayo sa mga puno at sariwang hangin, subalit doon talagang lubos na walang buhay. (Init) Sila'y mangapupugnaw sa gutom, at lalamunin ng maningas na init, At ng mapait na pagkalipol; At ang mga ngipin ng mga hayop ay susunugin ko sa kanila, Sangpu ng kamandag ng nangagsisiusad sa alabok. Gayon din ang Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan.. Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro.. Ganoon ang nangyayari sa Impiyerno, ito’y napakainit. Lahat nang mga bagay na ito ay papatay sa iyo, subalit hindi ka mamamatay! Dapat mong batain ang lahat ng mga bagay na ito. Ninais ko ang kapayapaan ng isipan, upang makalayo sa mga hiyawan at makalabas sa lugar na ito. Tulad nito yung gusto mo nang umuwi sa bahay ninyo kapag gabi na, at ikaw ay nagkaroon ng masalimuot na araw, gusto mo lang ng kapayapaan ng isipan. Subalit doon dapat mong pagtiisan ang lahat nang hiyawan at lahat ng pagdurusa. At hindi ka makaalis-alis dito kailan pa man. Sa Isaias 57:21 sinasabi rito: “Walang kapayapaan,” sabi ng aking Dios, “sa mga masama.” Ikaw din ay hubo’t hubad sa Impiyerno. Isang bagay pa rin na dapat batain. Kahihiyan! Sa Ezekiel 32:24 sinasabi rito ang tungkol sa kahihiyan sa loob ng hukay. Nandoon ang Elam at ang buo niyang karamihan sa palibot ng kaniyang libingan; silang lahat na nangapatay na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak, na nagsibabang hindi mga tuli sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, na nakapagpangilabot sila sa lupain ng buhay, at dinala ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay. .At sa Job 26:6 Ang Sheol (Impiyerno) ay hubad sa harap ng Dios, at ang Abaddon ay walang takip. Ang ibig sabihin nito nakakakita ang Diyos sa loob ng Impiyerno, kanya itong namamasid. Subalit ikaw din ay hubo’t hubad sa Impiyerno, isa pang bagay na dapat mong pagdaanan. (Tuyo) At sa Hades (Impiyerno) na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. “At siya'y sumigaw at sinabi, ‘Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito.’ Sabi ni Abraham, “Anak alalahanin mo”, at pagkatapos nagpatuloy siyang magsalita tungkol sa kanyang mga kapatid. Gusto niya na ilubog niya ang dulo ng kanyang daliri sa tubig, upang makainom kahit isang patak. Iyon ay napakahalaga na, isang patak, subalit hindi ka makakainom kahit isang patak. Napakahirap isipin kung gaano katuyo ang iyong bibig. Kung kaya mong isipin ang isang mahabang takbuhin sa Death Valley at taglay ang bulak sa iyong bibig at mananatili ka roon nang ilang araw, at magpapatuloy ito nang ganoon, sadyang tuyo, sagad, masidhing pagnanasa sa isang patak ng tubig. Isang bagay pa na ipinahayag sa akin nang talatang ito na alam natin na mayroong isang malaking bangin sa pagitan nila sa Impiyerno; sa pagitan ng Paraiso at Impiyerno. At nakita ng mayamang lalake si Abraham sa kalayuan. Sa natural, paano niya makikilala si Lazaro at Abraham? Una sa lahat hindi pa niya nakita si Abraham at pagkatapos makita mo ang isang tao nang ganoon kalayo, hindi mo talaga makikilala kung sino sila. Subalit sadyang mayroong talagang mga bagay-bagay na alam mo sa Impiyerno. Naunawaan mo, tulad nang sinasabi ko, ang mga lalim, kung gaano kalayo at ang sumusod pa. Pagkatapos isa sa mga demonyo ay hinawakan ako, at kinaladkad ako pabalik sa loob ng selda at pinasimulan muli ang lahat ng mga pahirap, na talagang kinamumuhian akong pag-usapan, dahil ayokong muling sariwain ang pahirap. Pinasimulan nilang basagin ang aking bungo. Dinakma ako ng isang demonyo at sinikap na ihampas ang aking bungo. Ako ay humihiyaw at nagmamakaawa para sa habag, subalit walang habag! Sa mga oras na ito bawat isa sa kanila ay hinawakan ang aking braso at binti at handa nang punitin ang aking mga binti at mga braso. Naisip ko, “hindi ko matatagalan ito, hindi ko matatagalan ito!” (Kasunod sa Hukay) At pagdakay, mayroong humatak sa akin at hinila ako palabas ng seldang ito. Alam ko na ito ay ang Panginoon, subalit hindi ko alam iyon. Naroon ako bilang isang taong hindi ligtas, kaya hindi ko alam ang mga bagay na ito. Napunta na lamang ako roon na tila baga na hindi ko pa tinanggap ang Panginoon. Ako ay nilagay sa unahan kasunod ng apoy na nakita ko. Ako ay nakatayo sa hanay ng hukay na iyon. Ako ay nasa ilalim ng isang yungib, tulad ng isang higanteng kuweba, na may isang lagusan pataas. Sa hanay ng apoy nakikita ko sa loob nang mga lagablab ang mga katawan, mga tao sa loob humihiyaw, humihiyaw nang habag, nasusunog sa lugar na ito! At alam ko na ayaw kong pumunta sa loob nito. Ang kirot nang pinagdusahan ko ay napakasama na, subalit ang init mula sa lagablab ng apoy ay alam ko na mas malala. Ang mga taong ito ay nagmamakaawa na makalabas. Naroroon itong mga dambuhalang mga nilalang nakahanay pabilog sa gilid ng hukay na ito, at habang ang mga tao ay gumagapang palabas nagtatangkang tumakas, itutulak nilang muli sa apoy at di papayagang makalabas. Naisip ko, “Oh, ang lugar na ito ay talagang nakapangingilabot, nakapangingilabot at karimarimarim.” Ang lahat nang ito ay sabay-sabay na nangyayari. Ikaw ay uhaw, ikaw ay gutom, at ikaw ay haponghapo. Hindi ka rin makakatulog sa Impiyerno. Kailangan ng tulog gaya nang ginagawa mo ngayon. Kailangan ng katawan mo ng tulog. Pahayag 14:11 sinasabi, At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan ...Hindi ka makakatulog. Kaya mo bang isipin iyon, walang tulog. Tungkol sa tubig, sa Zacarias 9:11, Tungkol sa iyo naman, dahil sa dugo ng iyong tipan ay aking pinalabas ang iyong mga bilanggo sa hukay na walang tubig. .Lubos na walang tubig sa Impiyerno. Nalaman ko na ang lugar ng Impiyerno ay nasa gitna ng mundo. Naroon ito, sa gitna ng mundo. Natanto ko na ako ay nasa 3700 milya sa ilalim ng lupa. Alam natin na ang bantod o diyametro ng mundo ay 8000 milya. Ang gitna ay 4000. Ako ay nasa bandang 3700 pailalim sa lupa. Sa Efeso 4:9 sinasabi rito na si Hesus ay bumaba sa mas mababang bahagi ng mundo. Sa Bilang 16:32 sinasabi, At ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang lahat ng lalake na nauukol kay Core, at lahat ng kaniyang pag-aari. .Naroon ang Impiyerno ngayon. Hindi na magtatagal ang Impiyerno at Kamatayan ay ihahagis sa Lawa ng Apoy at pagkatapos itatapon sa mas Malayong Kadiliman. Ito ay pagkatapos ng Araw ng Paghuhukom, subalit ngayon ito ay nasa ilalim ng Lupa. (Mga Demonyo) Ako ay nakatayo rito sa gilid ng hukay na apoy at nakita ko ang lahat ng mga demonyong ito nakapila sa hanay ng mga pader, lahat ng sukat at anyo nang bawat uri, kubikong, pangit na mga nilalang na kaya mong isipin. Sila ay mga pilipit, kubikong na mga nilikha, malalaki, maliliit. Mayroon doong higanteng gagamba, malalaking gagamba (5 talampakan), mga daga, mga ahas at mga uod o bulate, dahil ang Bibliya ay nangusap tungkol sa mga uod na nagtatakip sa iyo (Isaias 14:11). Naroroon ang lahat ng mga uri ng mga kasuklam-suklam na mga nilalang sa lahat ng dako at para bagang sila ay nakakadena sa mga pader. Namangha ako “Bakit ang mga bagay na ito ay nakakadena sa mga pader”. Hindi ko maunawaan ito, subalit may talata para rito sa Judas 1:6 sinasabi, "At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.” Kaya marahil iyon ang aking nakita, hindi ko alam, subalit ganoon sila nagpakita. Ako’y natuwa dahil ayaw kong makalapit sila sa akin. Lahat sila ay namumuhi sa akin nang isang masidhing pagnanasa! Iyon ay isa pang bagay na hindi ko maunawaan, hindi lang sila basta-basta nilalang, mayroon silang pagkamuhi sa mga tao. Kaya ako’y natuwa na sila ay nakakadena sa mga pader. Ako’y nagpasimulang tumaas sa hukay na ito sa butas sa ilalim ng lupa, at iwanan ang mga lagablab ng apoy. Di naglaon nagpasimula itong dumilim, subalit nakikita ko pa ang mga demonyong nakahanay sa mga pader at sila ay may tagIay na kapangyarihan. Naisip ko, “Sino ang makalalaban sa mga nilalang na ito. Walang sinuman ang makalalaban sa mga bagay na ito.” Subalit, ang takot lubhang nakapanglulumo, ni hindi ako makatayo at makayanan ang takot na ito. (Walang Pag-asa) Ito ang pinakamasaklap na bagay tungkol sa Impiyerno, na wala nang pag-asa pang makalabas ang mga naroroon. Naunawaan ko ito. Pinanghawakan ko ang buhay na walang hanggan. Nauunawaan ko ang buhay na walang hanggan. Dito sa ibabaw ng mundo, hindi natin lubos mapanghawakan ang mga ito. Subalit doon naunawaan ko ito. Alam ko na ako ay mapupunta roon magpakailan kailan pa man, at walang pag-asang makalabas. Naisip ko ang aking asawa. Hindi na ako makapupunta sa aking asawa! Lagi kong sinasabi sa kanya kung sakaling magkahiwalay tayo dahil sa anumang lindol o anumang bagay na masama, ang sabi ko “Pupuntahan kita. hahanapin kita. pupuntahan kita kung sakaling magkahiwalay tayo.” Subalit dito hindi ko na siya kayang puntahan. Hindi ko na siya makikitang muli. Wala siyang anumang kaalaman kung nasaan ako, at hindi ko na talaga siya muling makakausap. Ang mga kaisipang ganito ay sadyang bumahala sa akin nang lubos! Ang hindi na siya muling makausap, makalapit, at malaman niya kung nasaan ako, at ang kawalang pag-asa na makalabas! Nauunawaan mo, hindi ka na makalalabas dito, kahit kailan! Tignan mo, sa mundo laging may pag-asa. Maging ang mga tao sa mga kampong kulungan may pag-asang makalabas, o mamatay man lang upang makalabas dito. Subalit hindi pa natin naranasan ang isang kalagayang lubos na walang pag-asa. Sa Isaias 38:18 sinasabi rito, "Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan! Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan." Walang pag-asa, at ang katotohanan ay si Hesus. Siya ang katotohanan. (Nagpakita si Hesus) Sa mga oras na ito, ako ay paakyat na sa hukay na ito sa ilalim ng lupa, at ako ay nasa sagad sa takot, walang pag-asang napahamak, at takot na takot sa mga demonyo. Walang kaginsaginsay, biglang-bigla, nagpakita si Hesus! “Purihin ka Panginoon”, nagpakita si Hesus. Itong maliwanag na ilaw inilawan ang lugar. Nakita ko lamang ang Kanyang balangkas, ang balangkas ng isang lalake. Hindi ko makita ang Kanyang mukha, ito ay napakaliwanag. Tumingin na lamang ako basta sa liwanag na ito at nakita ang Kanyang balangkas. At ako ay bumagsak na lamang sa aking mga tuhod at nagpatirapa. Wala akong magawa kundi Siya ay sambahin. Ako ay lubos na nagpapasalamat. Isang segundo ang lumipas ako ay walang hanggang napahamak, at ngayon biglang-bigla wala na ako sa lugar na ito, dahil na kilala ko si Hesus. Ang mga taong iyon ay hindi na makalalabas, subalit ako ay maaari dahil ako ay naligtas na. Nalalaman ko at nauunawaan na walang ibang daan upang makalabas sa lugar na ito, kundi kay Hesus lamang. Siya ang tanging daan upang makaiwas sa pagpunta sa lugar na ito. Sa Pahayag 1:6 sinasabi rito, si Juan nang siya ay pumunta sa langit, nakita niya si Hesus, na ang Kanyang mukha ay tulad ng araw na nagliliwanag nang buong lakas. At nang makita niya Siya, bumagsak siya sa Kanyang paanan tulad ng isang patay na tao. Ngayon iniisip mo na mayroon akong isang milyong tanong sa Kanya, subalit kung naroon ka na, ang tangi mong magagawa ay sambahin Siya at purihin ang Kanyang Banal na Pangalan, at pasalamatan Siya sa Kanyang pagliligtas. Nang mapanumbalik ko ang aking kahinahunan para magsimula akong isaayos ang bagay sa aking isipan, inisip kong sabihin sa Panginoon, hindi ko tiyak na nasabi ko sa Kanya nang malakas, inisip ko lang ito at sinagot Niya ako. Sinabi ko, “Panginoon, bakit Mo ako pinadala sa lugar na ito? Bakit Mo ako pinadala rito?” Sinabi Niya sa akin “ Dahil hindi naniniwala ang mga tao na ang lugar na ito ay tunay." Sabi Niya "Kahit ang ilan sa sarili kong mga tao ay hindi naniniwala na ang lugar na ito ay tunay." Ako ay nagulat sa ganoong pangungusap. Ang akala ko lahat ng mga Kristiyano ay dapat maniwala sa Impiyerno. Subalit hindi lahat ay naniniwala sa isang literal na nag-aapoy na Impiyerno. Sabi ko, “Panginoon, bakit ako ang pinili Mo?” Subalit hindi Niya ako sinagot sa tanong na iyon. Wala akong alam kung bakit ako ang pinili Niya para pumunta roon. Ako ang pinaka huli na dapat pumunta sa lugar na ito. Ang asawa ko at ako ay namumuhi sa mga pelikulang nakakatakot. Namumuhi kami sa anumang bagay na masama. Hinidi ko rin gusto ang tag-araw, pati ang init. Ito’y marumi. Wala roong kaayusan. Lahat doo’y kaguluhan at walang kaayusan at nakakasuya. At gusto ko ang lahat na may kaayusan at kahusayan. Hindi Niya ako sinagot sa tanong na iyon. Sinabi Niya sa akin, “Humayo ka at sabihin mo sa kanila na namumuhi Ako sa lugar na ito, na hindi ito ang ibig ko sa sinuman sa aking mga nilikha na puntahan, kahit minsan! Hindi ko ginawa ito para sa tao. Ito ay ginawa para sa diablo at sa kanyang mga anghel. Kinakailangan kang humayo at sabihan sila! Binibigyan kita ng isang buwan, humayo ka at sabihan sila." Inisip ko sa aking sarili, “pero Panginoon, hindi nila ako paniniwalaan. Iisipin nila na ako ay nababaliw o nagkaroon nang masamang panaginip.” Ang ibig kong sabihin hindi Mo ba iisipin yung ganoon? Habang iniisip ko ito tinugon ako ng Panginoon at sinabi Niya, "Hindi mo tungkuling paniwalain sila. Ito ay gawain ng Banal na Espiritu! Basta’t humayo ka at sabihin sa kanila!" At ito ay sa loob lamang, “Opo!” Walang-pasubali, dapat akong humayo at sabihin sa kanila.” Hindi ka puedeng mag-alala at matakot kung ano ang iisipin nila sa iyo, kinakailangan mong humayo at gawin ito at hayaan mong gawin ng Diyos ang iba pa. Amen? At sinabi ko, “Panginoon, bakit kinamuhian nila ako nang lubos?” “Bakit itong mga nilakha ay lubos ang pagkamuhi sa akin?” Sabi Niya, “Dahil ginawa ka ayon sa aking wangis, at namumuhi sila sa akin." Alam mong walang magagawa ang diablo laban sa Diyos. Hindi niya maaaring saktan ang Diyos, kumbaga, ngunit kaya niyang saktan ang Kanyang nilalang. Ito ang dahilan kung bakit namumuhi ang diablo sa lahi ng tao, at dinadaya sila upang madala sa Impiyerno. At binibigyan niya sila ng mga karamdaman, lahat ng bagay na magagawa niya upang saktan ang nilika ng Diyos. (Ang Kapayapaan ng Diyos) At pagkatapos pinuspos ako ng Diyos nang Kanyang mga kaisipan. Pinahintulutan Niya akong mahipo ang isang bahagi ng Kanyang puso, kung gaano Niya kamahal ang sangkatauhan. Hindi kapanipaniwala, hindi ko ito kayang tanggapin. Ito’y sobrang bigat. Ang pag-ibig na inilaan Niya sa tao, hindi mo ito kayang tanggapin sa katawang ito. Alam ninyo kung gaano ninyo kamahal ang ating mga asawa at mga anak? Ang pag-ibig natin ay hindi maaaring ikumpara sa pag-ibig ng Diyos para sa atin. Ang Kanyang pag-ibig ay walang hanggan ang laki kumpara sa ating pag-ibig at sa ating kakayanang umibig. Katulad ito nang sinasabi sa Efeso 3:19, ”...maunawaan ang pag-ibig ni Kristo na lumalagpas sa kaalaman...” Ito ay lagpas-lagpasan sa karunungan, hindi mo rin ito kayang panghawakan. Hindi ako makapaniwala kung gaano Niya kamahal ang sangkatauhan, na kailangan Niyang mamatay upang ang isang tao ay di mapunta sa lugar na ito. At nasasaktan Siya nang higit na makita ang isa sa Kanyang nilikha ay mapunta sa lugar na ito. Nasasaktan ang Panginoon. Nanangis Siya na makita ang isang tao na mapunta roon. At sumama ang pakiramdam ko para sa Panginoon. Naramdaman ko ang Kanyang puso, pinahintulutan Niya ako na mahipo ko ang isang bahagi ng Kanyang puso. Naramdaman Niya ang ganoong kalungkutan para sa Kanyang mga nilalang na papunta roon. At naisip ko "kailangang ako ay lumabas at magpatotoo at gamitin ang bawat huling hininga na mayroon ako at sabihin sa mundo ang tungkol kay Hesus, kung gaano Siya kabuti.” Ang ibig kong sabihin, mayroon tayong mabuting balita. Ito ay mabuting balita, at hindi ito alam ng sanglibutan. Kinakailangan silang sabihan! Alam mo, kailangan nating sabihin ang karunungang ito. Ang mga tao ay kapus sa kaalaman sa mga bagay na ito. Gusto ng Diyos na ibahagi natin sa kanila kung gaano Siya kabuti, at kung gaano Siya namumuhi sa lugar na ito. Sinabi Niya rin sa akin, “Sabihin mo sa kanila na malapit na malapit na akong bumalik.” At sinabi Niya itong muli, "Sabihin mo sa kanila na malapit na malapit na akong bumalik." Ngayon naisip ko, Bakit hindi ko ba nasabi sa Kanya, “Ano ang ibig Mong sabihin Panginoon? Ano ang ‘malapit’ na sa Iyo?” Ganoon tayo mag-isip. Subalit hindi ko itinanong. Hindi ka basta-basta nag-iisip para magtanong nang ganoong mga bagay. Gusto mo lang Siyang sambahin nang labis-labis. Ang kapayapaan ng Diyos na dumarating sa iyo dahil katabi mo Siya, hindi ito kayang ipaliwanag. Ako ay nakadalo na sa mga puspos na gawain, subalit walang kahalintulad sa pag-ibig at kapayapaan ng Diyos na iyong nararamdaman habang katabi mo Siya. At pagkatapos ako ay tumingala at nakita ko ang mga demonyo sa pader na sobrang babangis, nagmukha silang mga langgam sa pader! Mukha lang silang mga langgam! Malalaki pa rin sila, subalit dahil sa kapangyarihan ng Diyos sa iyong tabi, lahat ng panglikhang-kapangyarihan ng Diyos, tulad lang sila ng mga langgam sa pader. Hindi ko ito mawaksi sa aking isipan. Naisip ko, “Panginoon tulad lang sila ng mga langgam!” At sinabi Niya, "Kailangan mo lang silang talian at itapon sa aking pangalan." Naisip ko "aba, ang kapangyarihan na ibinigay niya sa mga mananampalataya." Ang mga bagay na ito na sobrang babagsik, wala tayong kalaban-laban kung wala si Hesus, wala. Sila’y mabalasik, subalit dahil kasama Siya, sila’y bale wala! Isang katapangan ang sumibol sa akin sa lugar na iyon, nang makita ko ang mga nilikha naramdaman kong gusto kong sabihin, "kayong mga nilikha na nagpahirap sa akin, gusto ninyo bang punitin ako? Lapit kayo! Lapit kayo ngayon!” Marahil ilang bahagi nang aking pagkatao lumabas o nagpakita, alam mo na, naisip ko, “Hesus kunin Mo sila.” (Paalis ng Impiyernol) Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala. Sa iyong pagtingin, inisip mo, "Ano ang humahawak dito? Ano ang nagpapaikot dito nang ganap?” Ang Diyos ay nasa gayong kapamahalaan. Ang kapangyarihan ng Diyos na bumaha sa akin, na taglay Niya, ito’y kamanghamangha. Taglay Niya ang sobrang kapangyarihan. Bawat isang bagay ay nasa Kanyang kapamahalaan. Walang buhok sa inyong ulo ang babagsak sa lupa na hindi Niya alam. Ako ay pinuspos nang mga ganitong kaisipan. Ang Diyos ay may taglay na labis na kapangyarihan. Nagulumihanan ako nito. May talata sa Isaias 40:22 na nagsasabi na ang Panginoon ay naka-upo sa ibabaw ng bilog ng mundo. Naroon ako sa ibabaw ng bilog ng mundo. Naisip ko pa, “Panginoon, papaanong nangyari na bago pa si Christopher Columbus nabasa na sana nila ang talatang iyan at nalaman na ang mundo ay pabilog.” Alam ninyo? Ang mga tao ay nagtataka, akala nila na ito ay patag? Gayunpaman, habang kami ay pabalik pababa dinaanan namin ang mga kalasag; alam ko na kami ay dumaraan sa kalasag ng init na nasa palibot ng mundo. Basta nalaman ko na lang ito. Nakapag-isip din ako ng hangal na pag-iisip, narito akong kasama ang Diyos, at naisip ko, “Nagtataka ako paano kaya Siyang makadadaan sa kalasag na iyon?” Alam ninyo sa kalawakan kailangan nilang mapasok ito sa tamang angulo. Pumasok kami rito nang walang anumang problema. Walang pagkamangha! Natitiyak ko na ang Panginoon ay kumurap at sinabi ‘Kaya Kong panghawakan yang isa na yan’. Mayroong isang talata sa Awit 47:9 na nagsasabi, ... Sapagka't ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios; siya'y totoong bunyi. ...Siya ang may kapamahalaan sa lahat ng bagay, lahat ng bagay. Hindi ko gustong Siya ay umalis na lamang. Gusto ko na lamang sa Kanyang presensya. Kami ay mabilis na tumungo sa ibabaw ng California. Talagang mabilis ang aming dating, mabilis kaming umusad, at nakarating sa aming bahay. At ako ay tumingin at nakikita ko ang tagos sa bubungan ng aming bahay. At nakita ko ang aking sarile nakahandusay sa sahig. Ito ay talagang tumama sa akin nang napakalakas, sa puntong ito dahil nakita ko ang aking katawan nakaratay doon at naisip ko, “Hindi maaaring ako iyon, ako’y naririto, ito ako!” Alam ninyo, hindi pa ninyo nakita na dalawa ang inyong sarile. Narito ako nakahiga rito at naisip ko, “Hindi talaga ako iyon.” At ang talatang sinasabi ni Pablo, na tayo ay nasa isang tolda (2 Corinto 5:1), malakas ang dating nito sa akin, Naisip ko “iyan ay isa lamang tolda, iya’y bale wala. Iyan ay pansamantala. Ito ang talagang ako.” Ito ang lahat nang kahulugan ng buhay na walang hanggan. Iyang buhay na iyan na labis nating pinag-aabalahan, namulat din ako na tayo ay isang hamog, na ang buhay ay isang hamog lamang tulad sa Santiago 4:14 nangungusap ito tungkol sa kung gaano kaigsi ang buhay na ito. Ito’y maigsi. Isang daan taon na iyong ipamumuhay ay bale wala! Aakyat ito na gaya ng isang hamog. At naisip ko, “Dapat tayong mamuhay para sa Diyos.” Kung ano ang ginagawa natin ngayon dito, ay may bilang sa buhay na walang hanggan. Kinakailangan nating magpatotoo. Kinakailangan nating lumabas doon at iligtas ang mga nawawala. Hindi tayo maaaring mag-alala sa mga maliliit na bagay na ito na lahat tayo ay natatali at nabibitin. Kailangan natin talagang lumabas doon at ipangaral ang mabuting balita dahil ito ay matatapos nang tunay na mabilis. Subalit nakita ko ang aking katawan nakahiga roon at naisip ko, ito ay tulad nang lumabas ka sa iyong kotse at lumingon sa iyong kotse. Hindi ikaw iyon, iyon ay ang iyong kotse. Ito ay ginamit mo lang upang makaikot. Ganoon ang pananaw ko rito. Isinakay ka lang nito upang makagala sa mundo, subalit ito ay hindi talagang ako. At naisip ko, “Panginoon huwag mo akong iwan, huwag Kang umalis”. Gusto ko lang na manatili Ka pa nang ilang saglit. Subalit Siya ay umalis. Ako ay pumunta sa aking katawan, at mayroong isang bagay na humila sa akin pabalik sa aking katawan, tulad nang paghigop sa akin papasok mula sa aking ilong o bibig. Doon din, nang Siya ay umalis, nanumbalik ang lahat ng takot, ang pahirap, at ang kabalisahan sa aking isipan! Dahil sinasabi sa Bibliya (1 Juan 4:18), "Ang ganap na pag-ibig ay nagpapalayas nang takot." Kaya katabi ko ang ganap na pag-ibig sa lahat nang oras na iyon, kaya nang umalis Siya, walang kaginsaginsay lahat ng takot at ang mga sindak ng Impiyerno ay pumasok sa aking isipan. Hindi ko ito makakayanan, hindi ko ito makakayanan! Ako ay humihiyaw. Ako ay nasa matinding paghihirap. Hindi ako maaaring mabuhay kasama ito. Alam ko na hindi makakayanan nang katawang ito ang ganoong uri ng takot. Hindi ka makatitindig sa ganoong uri ng puwersa. Ang katawan mo ay walang sapat na lakas. Kaya ako ay nagpasimulang manalangin at ako ay nakapanalangin. “Alisin Mo ito sa aking isipan!” Sa karaniwan, kinakailangan mong magpatingin at dumaan sa lahat nang uri ng pagpapayo upang makalaya sa ganitong uri ng trauma, subalit inalis ito ng Diyos, inalis agad ang trauma sa akin. Iniwan Niya ang alaala, subalit inalis ang trauma at ang takot. Ako’y lubos na nagpapasalamat. Gayunpaman, pagkatapos nito, maraming bagay ang nangyari, sana ay may oras ako na daanan ang lahat ng mga patunay ng Diyos na mangyayari sa akin. Kung mayroong sinuman dito sa gabing ito na hindi kilala ang Panginoon; dapat mong tanungin ang iyong sarili. Dapat mong sabihin, “Pinaniniwalaan ko ba ang mga taong ito, na ang kanilang nakita ay totoo, lahat ng mga taong ito pati ang aking sarili?” Subalit higit na mahalaga, kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos patungkol sa Impiyerno. Gusto mo bang kunin ang pagkakataon at sabihin, “Hindi, hindi ako naniniwala riyan, hindi ako naniniwalang iyan ay totoo.” Kinakailangan mong itapon ang lahat ng Salita ng Diyos, at lahat kami na nagsusubok na sabihin sa iyo. Gusto mo bang kunin ang ganitong pagkakataon kasama ang buo mong kawalang-katapusan? Iyan ay magmumukhang kahangalan para sa akin. Hindi mo na maaaring payagan ang diablo na dayain ka. Iyang malaking nilalang sa dulo doon na tumatawa. (ipinakita sa video) Ganoon ang gagawin ng diablo kapag ikaw ay napunta sa Impiyerno. Siya ay tatawa, dahil nagkaroon ka nang pagkakataon na tanggapin ang Panginoon at nasayang ito. Subalit kung ikaw ay naroroon na, hindi ka na muling makababalik. Lubos na hindi ka na talaga makababalik. Naroon kang napahamak magpakailan-kailan pa man. Maaaring sinasabi mo sa iyong sarili. “Ako’y medyo mabuti. Ako’y mabuting tao naman. Hindi ako karapat-dapat sa lugar na iyon.” Maaaring ikaw ay mabuting tao kumpara sa iba. Subalit hindi mo dapat ikumpara ang iyong sarili sa iba. Dapat nating ikumpara ang ating mga sarili sa pamantayan ng Diyos. Ang Kanyang pamantayan ay higit na mataas kumpara sa atin. Sinabi Niya sa Kanyang Salita kung magsinungaling ka nang minsan, minsan lamang sa iyong buhay, ikaw ay naging sinungaling na. Kung ikaw ay nagnakaw nang minsan sa iyong buhay, isang ipit ng papel, ilang minuto sa oras ng iyong amo, anupaman, kahit minsan. Ikaw naging isang magnanakaw na. Kung ikaw ay nagalit nang walang dahilan, kung hindi mo pinatawad ang sinuman na gumawa nang masama laban sa iyo, kung nagnasa ka sa isang babae, anuman sa mga bagay na ito, kung ginawa mo ito kahit minsan, ikaw ay naging isang makasalanan, at hindi ka makakapasok sa langit. Kaya makikita mo na tayong lahat ay kapos at hindi makararating doon sa sarili nating mga gawa. Tito 3:5 sinasabi, Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo... Amen, kaya ito ay nakasalalay kung paano mo ikinukumpara. Kagaya ito ng isang babae na nakakita ng isang kawan ng mga tupa sa isang burol, at sila ay kay puputi at kay gaganda laban sa burol na ito. Sinabi niya, “Tignan ninyo ang mga puting tupa, tignan ninyo kung gaano sila kaganda tignan, napakapuputi.” Natulog siya at buong magdamag ay nagyelo. Tinignan niya kinabukasan at nakita ang mga tupa at lahat sila ay mukhang malabo, madilim at abo kumpara sa puting snow. Kaya kinakailangan nating ikumpara ang ating mga sarili sa Diyos. Ang Kanyang pamantayan ay higit na mataas kaysa atin. Kaya kailangan natin ang isang tagapagligtas. Hindi tayo makakarating doon sa ating mga sarili. Ginawa ito ng Diyos na walang bayad na regalo. Sinabi Niya sa Juann 14:6, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan Ko." Siya ang tanging daan palabas sa lugar na ito. Kaya kung mayroon dito na hindi nakikilala ang Panginoon, sinuman na hindi pa tinatanggap si Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas ng iyong buhay. Hindi ka pa talaga nakarating sa punto na kung saan ipinahayag ito ng iyong mga labi at hiniling Siya na pumasok sa iyong buhay, maaari ka bang tumayo? Kung mayroon sinuman dito maaari bang tumayo ngayon, para kay Hesus? Huwag mong payagan ang diablo, iyang nilalang na yan na tawanan ka. Tumayo ka ngayon, habang mayroon kang pagkakataon, sapagkat hindi mo alam kung ilang oras pa ang mayroon tayo. Hindi mo alam na maaari kang mamatay bukas, at humantong sa lugar na iyon Hayaan mong sabihin ko sa iyo, iyong lugar na iyon, ang init pa lang ay napakahirap nang tagalan. Iyong mga tao na nakita nating tumalon palabas mula sa matataas na gusali sa New York. Naghawak-hawak sila ng mga kamay at tumalon. Gaano pa kaya lalong kasaklap iyon. Alam mo kung ikaw ay nasa taas at tumingin pababa, ang tumalon ay napakahirap unawain. Subalit dapat nilang harapin ang ganoong init. At iyon ay limang segundo lamang, na susunog sa kanila at iyon ay dalawang libong antas. Sinabi ng mga siyensya na ang gitna ng mundo ay may labing dalawang libong antas. Kaya dapat mong pagtiisan iyon panghabang panahon. Kung gusto mong dumaan sa ganoon, iyan ay talagang masaklap na kahangalan. Ngayon na ang panahon… (nagsasalita tagapanguna) Ang Bibliya ay tunay na malinaw, lahat tayo ay makasalanan, at ang sinumang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas. Sinabi ni Hesus kung ipapahayag mo ako sa harap ng mga tao, sa publiko, gagawin ko rin, ipahayag ang iyong pangalan sa harap ng Aking Ama at ng mga banal na anghel. Subalit kung ako ay itatatwa ninyo sa harap ng mga tao, itatatwa ko rin kayo sa harap ng Aking Ama. Gusto kong hilingin sa inyong gawin ang ilang bagay. Kung hindi mo pa ipinapahayag sa publiko, sa harap ng mga tao, kung hindi mo pa ipinapahayag sa publiko si HesusKristo bilang iyong Tagapagligtas, at ginawa Siyang Panginoon ng iyong buhay, o kung hindi ka tiyak kung sa langit ang iyong tirahan sa buhay na walang hanggan, tandaan mo si Hesus ay binitin na hubo’t hubad sa isang krus, sa isang pamilihan, nabitin Siya roon para sa iyo, binata Niya ang iyong kahihiyan. Kung ipapanalangin mo ang panalanging ito mula sa kaibuturan ng iyong puso, ililigtas ng Diyos ang iyong kaluluwa, at bibigyan ka Niya nang pagkakataon sa malapit na kinabukasan na gawin itong pangpubliko. Manalangin kang kasama namin, lalo na iyong naririto sa kapulungan at alam mong dapat mong gawin. "Diyos nananalig ako sa Iyo. Ikaw ang aking Manlilikha. Ako ay isang makasalanan. Nagkasala ako sa maraming bagay, sinadya at di-sinasadya. Ako ay kapos. Hindi ako nakapasa. Ako ay tigmak ng kasalanan. Hesus nananalig ako sa Iyo. Ikaw ang pangwalang hanggang Anak ng Diyos. Ikaw ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanglibutan, na nag-aalis ng aking mga kasalanan. Nananalig ako na ikaw ay namatay sa isang krus. Itinigis ang iyong dugong banal sa aking makasalanang kaluluwa. Nananalig ako na ikaw ay inilibing at nang may ikatlong araw nabuhay nanamang muli. Ikaw ay buhay magpakailan-kailan pa man. Tinatawag kitang aking Panginoon. Tinatawag Kitang aking Tagapagligtas. Ibinibigay ko sa Iyo ang aking buhay. Mamahalin Kita, paglilingkuran Ka nang aking buong buhay. Ako ay para sa Iyo, ang mabuting bahagi, ang masamang bahagi, ang makasalanang bahagi, lahat ng aking mga plano, lahat ng aking mga panaginip, ibinibigay kong lahat sa Iyo. Mangyari ang kalooban Mo sa akin. Nananalig ako ay naligtas. Hindi sa mabubuting gawa, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya, sa pagtitiwala sa Iyo. Kay Hesus ang aking dalangin. Amen.” >>>>> MALAKAS, MAHABANG PALAKPAKAN<<<<< Ang pagtugon na iyon ay ganap at nararapat. Sinasabi ng Bibliya na ang langit ay walang higit na kaligayahan kapag ang isang makasalanan ay nagsisi. At alam lang natin ang isang maputlang halimbawa kung ano ang nangyayari sa kalangitan kung ito ay nagpapatotoo sa iyong ginawa ngayon. Nais kong sabihin sa iba pa sa inyo, at pagkatapos ay aalis na ako rito. Gusto kong imbitahang lumapit sa harapan para sa lahat sa atin na nakasaksi rito. Talagang napakapalad nating na mapakinggan si Bro. Bill sinabi sa atin ang kanyang naranasan. Ako ay magbibigay ng isang hamon sa inyo at talagang binabalaan ko kayo, huwag ninyong tanggapin ito maliban na lang kung handa kayo gumawa sa inyo ang Banal na Espiritu. Hindi ko sinisikap na hindi maging seryoso, sinsabi ko lang na huwag ninyong gagawin itong kapahayagan ito maliban na lang kung kayo ay seryoso, at heto na iyon. Mayroon itong dalawang bahagi. Una, hindi na ako matatakot sa mukha ng mga tao. Ang tanging pinakamalaking hadlang sa atin gumagawang katulad na alam mo na may isang tunay na Langit at Impiyerno. Hindi na ako muling matatakot sa mukha ng tao. Ikalawa, Sasabihin ko sa lahat ng mga kakilala ko, sa buong buhay ko ang tungkol kay Hesus, at Langit, at Impiyerno. Iyan ay napakalaking pagtatalaga. Lahat ng taong kakilala ko na umaabot sa ibang tao para kay Kristo ay dumating sa dalawang puntos na ito ng pagtatalaga. Bakit pa tayo makikipagrelasyon sa sinuman kung hindi rin natin ibabahagi ang maluwalhating mabuting balita na makapagliligtas ng kanilang mga kaluluwa sa Impiyerno. Isang mabigat na kasalanan sa Espiritu na ang mga kakilala ninyo, kinakausap ninyo, nagsasaya kayo, nalulugod kayo sa isa’t isa at hindi mo sasabihin sa kanila na kung wala si Kristo, sila ay pupunta sa Impiyerno. Ang bawat relasyon ay isang pintuan upang ipahatid ang katotohanan na ikaw ay nagpatotoo ngayon. Ito ay makatuwiran. Kung hindi ka pa handang gawin iyan, naiintindihan ko. Subalit kung ikaw ay handa na gawin ang dalawang pagtatalaga, kung ikaw ay sangayon, sabihin mo ito sa Diyos, "Diyos nananalig ako sa Iyo. Nananalig ako kay Hesus, Iyong Anak, Iyong mahalagang Banal na Espiritu. Tinatanggap ko ang hamon ng oras na ito. Ipinapahayag ko ang aking sarili, ito ang aking kapahayagan. Hindi na ako muling matatakot sa mukha ng tao. Hindi ko na aalalahanin pa ang aking sarili sa mga sasabihin ng mga tao. Ang aking reputasyon ay hindi mahalaga. Kinamumuhian ko ang takot sa tao. Sasabihan ko ang lahat ng tao na kakilala ko sa buong buhay ang tungkol sa Iyo Panginoong Hesus. Tungkol sa Langit at sa isang lugar na tawag ay Impiyerno. Hahakbang ako sa linya. Hindi na ako mangingilag, abala, walang malasakit. Tinatanggap ko ang Iyong Salita. Hindi na ako matatakot, at ako ay magsasalita. Ito ang aking kapahayagan sa Diyos na makapangyarihan. Tumindig kayo mga kawal ng Diyos, sa buong lungsod, bansa, at mundo, isang tao na nakauunawa ng mga tanda ng mga panahon na kanilang ginagalawan. Isang tao na nauunawaan ang buhay na walang hanggan ay kasunod lamang ng ilang panahon, makita nang may kalinawan ang loob ng kaluwalhatian ng Langit at ang kasamaan ng Impiyerno, at ayusin ang kanilang mga gawain upang masunod ang Diyos. Ngayon, humihiling kami ng biyaya. Gumawa sila ng isang matapang na kapahayagan Diyos. Kung wala ang iyong biyaya, hindi ito mangyayari. Nananalig kami na ang Iyong biyaya ay sapat upang gawin kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos na dapat naming gawin. Biyaya, Biyaya, Biyaya ay sumaiyong mga tao rito, sa pangalan ni Hesus. Bilhin ang kanyang kumpletong patotoo "23 Minutes in Hell" sa
Amazon.com Isinalin sa Tagalog ni: Reyn Araullo |