×
Home: Mobile Home: Original Style Christian Netflix Jewish Stories X-Witch X-Muslim MP3 Bible Bible Movies Gospel Videos Godly Movies CBN Videos Kids Videos Worship Music Vids for New Believers Random Video Ask AI Bible Questions What's New
  Kat Kerr   Anna Rountree   Mary Baxter   Several #1   Several #2   Choo Thomas   Ian McCormack   Burpo   I saw His Glory   7 Colombian Youths   Heavenly Blood   Heaven Testimonies
  Lazarus   Bill Wiese   Mary Baxter   Dr. Rawlings   J. Perez   Hepzibah   Ptr. Park   7 Columbian Youths
  Atomic Prayer   Prayers that ROUT demons   Warfare + Blessing   Healing   Declaration   101 Decrees   Tongues   Rosary   Artic Fire   Why Should We Pray?   Why Bother
  MP3 Bible   10 Commandments   Learn Bible in 24 Hours   40 Spiritual Lessons   Alpha   Foundations   Bible Commentaries   Book of Mormon   Temple Study   Red Letters   Divine Healing Training   God Story   Gap Theory   Creation to Christ   Book of John   Kids Bible Cartoons   Derek Prince Teaching   Jesus Film   Digital Bible   Bible Codes ELS   Memorize the Bible   Bible Games
  Passion of Christ   New Jesus Film   Introduction   Names of God   Jesus IS...   Jesus Film   That's My KING   Father's Love Letter   Celestial Hug
  Warfare Training 1   Warfare Training 2   Casting Out demons   Combat   Examples   Warrior King   Exorcism   Prayer   Ask Him   demonology   Clarita   NUWI
  Final Quest   The Call   Tommy Hicks   3 Days   Angel Song   The Prison   H.A.Baker
  Best #1   Best #2   Spiritual Food   Generals   Ramirez   Bishop Kelley   Gary Wood   Roland Buck   Rees Howells   Baptized by Fire   Sid Roth   Todd White   Gary Beaton   Victor Marx   Akiane   Theo Nez   Nun's Story   Retha McPherson   Tomas Welch
  Booth's Vision   Frank Jenner   Hell's Best Kept Secret   EE-Taow   Manifesting Power   LivingWaters   Atheist Delusion   Using AI for Jesus   Sharing w/ Muslims   Sword + Serpent
  Revival Hymn   Jesus in China   Freemason Curruption   Modern Child Sacrifice   the WAR on Children   XGay   Transformations   Ark of Covenant   Soul Ties   Last Reformation   Noah's Ark Found   Does GOD Exist   Political Issues   Fake Mountain   7 Mountains   ID vs Evolution   Bible Science   American History   China Records   Case: Creator   Case: Christ   Case: Faith   Little Lessons   Deadly Mistakes   Enemies Within   Chinese Characters   Global Warming   The Final Frontier   Understanding Israel   Testing Joseph Smith   Targeting Kids
  X-Muslim   Journey of Hope   Islam Rising   ACT   Jihad   Best Muslim Story   Enemies Within   Answering Islam   Killing for Heaven   Killing the Infidel
  Downloadable MP3 Worship Music   Online Worship Music  DivineRevelations University   Free Posters   Christian Pictures   Kids Christian Cartoons   Bible Trivia   End Times Visions   Fractal Praise   Soaking Music   Communion Verses   Bobby Conner   Brother Yun   Civil War   Prayer Tank   Fiscal Cliff   Understanding Economics   Who takes the Son   Christian GPTs
  All Languages   Afrikaans   Albanian   Amharic   Arabic   Bengali   Bulgarian   Burmese   Cambodian   Catalan   Chinese   Czech   Danish   Dutch   Farsi   Finnish   French   German   Greek   Gujarati   Hausa   Heberw   Hindi   Hungarian   Indonesian   Italian   Japan   Kannada   Khazanah   Korean   Laos   Malagasy   Malayalam   Malaysian   Marathi   Mongolian   Nepali   Norwegian   Oriya   Polish   Portuguese   Punjabi   Romanian   Russian   Somali   Samoan   Serbo_Croatian   Sinhala   Slovak   Slovenian   Spanish   Swahili   Swedish   Tagalog   Tajik   Tamil   Telugu   Thai   Tongan   Turkish   Ukrainian   Urdu   Uzbek   Vietnamese
 About  Disclaimer  Phone# USA 425-610-9216  [email protected]  Donate
Follow on YOUTUBE  YouTube Follow on Facebook  Facebook Follow on X/Twitter  X/Twitter Follow Podcast RSS  Podcast  RSS Follow on Instagram  Instagram Follow on TikTok  TikTok
  PDF Library   Believer's Authority   Heavenly Man, Yun   Torch + Sword   The Harvest   Faith Shoemaker's Vision   Daughter of Sacrifice
Something Funny... 2nd Page, Older Material
×






Menu / Home
Menu / Home

ISANG SULYAP SA WALANG HANGGAN

TAKIP

Isang Sulyap sa Walang-Hanggan
Nakatagpo ng Isang tao ang kamatayan at ang kaharian sa likod nito.

Larawan ng isang tao naaaninag sa isang madilim na pintuan na may liwanag na dumadaloy, pinintahan palibot.
Nilathala sa pamamagitan ng Rescuehouse Publications

LIKURANG TAKIP
“Ano ang mangyayari sa atin kapag tayo ay namatay?”

“Isang Sulyap sa Walang Hanggan” ay ang kamangha-manghang tunay na kasaysayan ng isang taong nakaranas nang kamatayan at ang daigdig pagkatapos nito. Tinusok ng limang dikya (box jellyfish) habang sumisisid sa labas ng baybayin ng Mauritius, si Ian ay namatay kinalaunan sa ospital sa pagitan ng 15-20 minuto. Sa mga panahong ito naranasan niya ang impiyerno at langit at muling bumalik upang ikuwento ang nangyari! Kamatayan ang kanyang naging pintuan sa tunay na buhay at ang kanyang kuwento ay patuloy na nagbabago ng mga buhay sa palibot ng Mundo habang tinatalakay nito ang ilan sa mga pinaka malalalim na mga tanong na tatanungin din nating lahat balang araw.

PDF   DOC

PAUNANG SALITA NI Dr KENT

KABANATA ISA – ANG MALAKING (THE GREAT O.E.)

Mayroong isang daan na tila matuwid sa isang tao subalit sa bandang huli ito ay patungo sa kamatayan.

Mga Kawikaan 14:12 (NIV)

Noong 1980 nang ako ay 24 na taong gulang tumulak ako sa isang abentura na magpapabago ng aking buhay. Ako ay ipinanganak at lumaki sa New Zealand. Ang aking mga magulang ay mahuhusay, matatatag na mga tao. Sila’y mga guro sa paaralan, at dahil dito kami ay parating lumilipat sa mga baryo, palipat-lipat ng bahay sa iba’t-ibang lugar sa mga probinsya. Ako ay may dalawang kapatid at kami magkakasamang masaya sa maraming mga bagay na hindi alintana ng mga bata sa New Zealand, tulad ng mga bakasyon tuwing tag-init sa tabing dagat. Mula sa isang murang edad nasiyahan ako sa dagat.

Natapos ko ang isang kurso sa agrikultura sa Lincoln University at pagkatapos nagtrabaho sa loob ng dalawang taon bilang isang pinagsasanggunian sa bukid sa New Zealand Dairy Board. Gusto ko ang gawain sa bukid. Ako ay isang taong mahilig sa gawain sa labas ng bahay, at umaangat habang gumagawa sa dakilang mga gawain sa labas (great outdoors). Kadalasan nang aking Sabado at Linggo ay nagagamit sa pagsisid, pagsakay sa alon (surfing), paghahayo (tramping), at paglalaro ng lahat ng uri ng pampalakasan (sports).

Kapag ako ay nakaipon ng ilang salapi magkakaroon ako nang pagnanasang maglakbay. Sa New Zealand isang nakamamanghang bilang ng kabataan ang naglalakbay sa ibayong dagat bago sila pumirmi sa isang gawaing-pambuong buhay (career). Ito’y isang nakamamanghang termino na kinagigiliwang tawaging “Ang Malaking O. E.’ Sa simula ng taong 1980, ang aking matalik na kaibigan at ako ay nagpasya na ipagbili ang aming mga makamundong ari-arian at tumungo palabas sa isang paglilimayon (surfing safari), isang walang katapusang bakasyon grande.

Kaya tumulak kami dala ang aming mga tabla sa alon o ‘surfboard’ sa aming mga kili-kili. Lumipad muna kami patungong Sydney, Australia at pagkatapos naglayag kami sa aming daan pataas ng Silangang Baybayin o East Coast ng Australia sa Surfers Paradise. Kami ay naglakbay ng may konting daladalahan at tumitira sa pinaka murang tirahan na aming makikita, habang ginugugol namin ang aming mga araw sa panghuhuli ng magandang mga alon sa Dee Why, Fosters, Lennox Heads, Byron Bay sa Burleigh Heads.

Nagpasya kaming makisakay pataas sa mga lugar ng maiilap patungong Darwin, na isang mapusok na karanasan kung sasabihin nating may kababawan.

Nagpatuloy kami sa Bali, Indonesia, na kung saan kami ay sumakay sa alon sa Kuta Reef, pagkatapos nakipagsapalaran kami sa pagsakay sa alon sa Uluwatu, isang kahanga-hangang kaliweteng batuhang babaw (reef) na batong-dagat. Bumisita rin kami sa ilang templo ng mga Hindu at Buddhist bago kami magpatuloy sa paglalakbay sa lupa tagos sa Java.

Sa aming paglalakbay sa Asia ang mga tao ay malimit na nagtatanong sa amin kung kami ay mga Kristiyano, sa palagay nga nila dahil puti ang aming mga balat. Ang tanong ay humamon sa akin dahil ako ay pinalaki sa isang Kristiyanong pamilya, subalit hindi ako sigurado kung dapat kong tawagin ang aking sarili na isang Kristiyano.

Ako’y lumaki bilang isang Anglican at sa gulang na 14 na taon ako ay kinumpilan sa simbahan. Malimit akong manalangin noong bata pa ako at tumungo sa Sunday School o Panglingguhang Gawain at grupo ng kabataan, subalit kailanma’y di pa ako nagkaroon ng ang isang personal na karanasan sa Diyos.

Naalala ko ang araw matapos akong kumpilan at walang pag-asang ako’y papalabas ng simbahan. Tila baga walang nangyaring anuman. Kaya tinanong ko ang aking nanay kung minsan nangusap na nang personal ang Diyos sa kanya. Ang aking nanay ay lumingon sa akin at nagsabi, “Ang Diyos talaga ay nangungusap at siya ay tunay”. Ibinahagi niya kung papaano siyang pumalahaw ng iyak sa Diyos sa isang panahon ng trahedya at siya ay tinugon Niya. Kaya tinanong ko sa kanya bakit hindi pa nangungusap ang Diyos sa akin. Tumugon siya, “Kalimitan kinakailangan ng trahedya o masamang pangyayari upang tayo ay magpakumbaba. Ang tao ay may likas na pagiging mayabang”. Ako ay sumabat “Hindi ako ang ganoong klase ng tao, hindi ako mayabang”. Subalit nang salaminin ko ito, ako nga pala talaga ay mayabang.

Sabi ng nanay ko, “Hindi kita pipiliting dumalo sa simbahan. Subalit tandaan mo ang isang bagay na ito. Anuman ang iyong gawin sa buhay, saan ka man pumunta, gaano ka man napalayo sa Diyos, tandaan mo ang isang bagay na ito; kung ikaw ay malagay sa panganib at pangangailangan, umiyak ka sa Diyos mula sa iyong puso, at pakikinggan ka Niya. Tunay na pakikinggan ka Niya at patatawarin ka.” Naalala ko ang mga salitang iyon. Talagang nanatili sila sa aking isipan. Subalit ako’y nagpasya na sa halip na maging mapagpaimbabaw hindi na ako babalik sa simbahan dahil hindi naman talaga ako nagkaroon ng isang karanasan sa Diyos. Ito ay para lamang isang relihiyon para sa akin

Ang aking kaibigan at ako ay patuloy na naglakbay pataas patungong Java, Singapore, Tiomen Island at sa Malaysia. Pagkatapos ang aking kaibigan ay nagpasya na lumulan sa isang maliit na barko patungong Madras, India, habang ako naman ay naglakbay patungong Colombo, Sri Lanka kasama ang isang Dutch na babae na aming nakilala.

Nang kami ay naroon na, gumawa ako ng paraan na umakyat patungo sa dalampasigan upang sumakay sa alon sa Arugum Bay. Makalipas ang isang buwan sa mga kamangha-manghang mga alon ang aking visa (pahintulot manatili sa isang bansa) ay nauubos kaya ako ay bumalik sa Colombo.

Ako ay nakipagkaibigan sa ilang mga Tamil na nagdala sa akin sa kanilang Hindu Temple sa bayan at pagkatapos sa tagong lungsod ng Katragarma. Habang ako ay nasa ‘banal’ na lungsod na ito naranasan ko sa unang pagkakataon ang higit sa natural na karanasan. Ako ay nakatitig sa isang rebulto at nagpasimula kong makita ang kayang mga labi ay gumalaw. Ito ay isang karanasang labas sa aking lugar ng kaaliwan (comfort zone) at ginusto ko kaagad na umalis.

Habang lumilisan ako kasama ang aking mga tinuluyan napansin ko na sa bawat araw ay naghahandog sila ng pagkain sa pambahay na diyus-diyosan ang elepantent diyos na si Garnesh. Ilang mga araw dinaramtan nila ito, sa ibang mga araw pinaliliguan nila sa gatas o tubig. Para sa akin tila kakaiba na sampalatayanan ng isang tao ang isang diyus-diyosang bato bilang isang diyos, na halata namang may taong gumawa nito sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.

Isang araw tinitignan ko ang estatwang bato naramdaman ko na isang masama na makapangyarihang presensya ang lumalabas mula rito at naramdaman kong ako’y naduwag. Pagkatapos ang mga salitang ito ay ay dumating sa aking isipan, “Huwag kang magkakaroon ng ibang Diyos maliban sa Akin at huwag kang yuyukod sa anumang nililok na mga imahen o diyus-diyosan.” Pagdakay natanto ko na ito ay isa sa Sampung Utos at nagpasimula kong pagbulaybulayan ang mga salitang ito na malaon ko nang napakinggan sa Sunday School o Panglingguhang Paaralan.

Sa sarili kong kaparaanan hinahanap ko ang ‘kahulugan ng buhay’. May pagkakataon na hindi ako naniniwalang may Diyos at sa ibang pagkakataon naman isang ‘malayang nag-iisip’. Nais kong maranasan ang bawat bagay na maiaalok ng buhay. Sa mga panahong iyon hindi ako nagsusuot ng relo…namumuhay ako sa lugar na walang oras ng mga pagsikat ng araw at mga paglubog nito.

Nang ako ay bumalik sa Arugam Bay nakamtan ko ang isang puesto bilang tripolante sa isang 96-piye bangka na ang tawag ay “Constellation”. Naglayag kami mula sa Sri Lanka sa gitna ng gabi patungong Africa. Pagkalipas ng dawampu’t anim na araw dumating kami sa panganlungan ng Port Louis sa paraisong isla ng Mauritius.

Habang na sa islang ito humantong ako sa Tamarin Bay namumuhay kasamang nakikipamuhay sa mga katutubong mangingisda ng Creole at mga sumasakay sa alon. Tinanggap nila ako sa kanilang mga buhay at tinuruan akong sumisid sa gabi sa higit na labas na batuhang-babaw (reefs). Ang pagsisid sa gabi ay isang di kapani-paniwalang karanasan. Ang banagan (crayfish) ay sa gabi lumalabas at mabubulag mo sila sa pamamagitan ng iyong pangtubig na lente (flashlight) at madadampot mo na lamang sila. Ang mga isda ay natutulog sa gabi at kailangan mo lamang pagpasyahan kung sino sa kanila ang gusto mong panain para ipang hapunan.

Matapos akong magpasasa sa pagsakay sa napaka tulin na alon sa Tamaring kaliweteng batuhang-babaw nauubusan na ako ng pera. Kaya tumungo ako sa Timog Africa nakasumpong ako ng trabaho sa pagtuturo ng pagsakay sa alon (surfing) at pagpapadulas sa ibabaw ng tubig (water-skiing). Nakakatuwa na talagang binayaran nila ako para gawin ito! Ako’y sumakay sa alon sa Jeffreys Bay at Elands Bay at binisita ang ilang kilala sa buong mundo na pangalagaan ng mga hayop.

Ang aking nasa ay maglakbay sa lupa daraanan ang Africa patungong Europe subalit ang aking mga plano ay lubusang nabago nang marinig ko mula New Zealand na ang aking nakababatang kapatid na lalake ay nagpaplanong mag-asawa. Gusto kong naroon sa kanyang kasalan kaya nagpasya akong bumalik sa New Zealand daraan sa Reunion Island, Mauritius at Australia.

Sa aking paghimpil sa Reunion nakakita ako ng isang kagila-gilalas na surf break o palaruan sa alon na tinatawag na St Leu na kung saan nakamtan ko ang ilan sa malalaking mga alon para sa aking sarili. Ito ay Marso 1982 at ako ngayon ay naglalakbay na nang kulang-kulang na dalawang taon, kalimitang natutulog ako sa isang kubol sa mga tabing dagat at namumuhay na gaya ng isang taong lagalag.

 

IKALAWANG KABANATA – ANG DIKYANG KAHON

Ang lahat ng mga araw na itinakda para sa akin

Ay nakasulat sa iyong aklat

Bago pa ang isa sa kanila ay nalalang.

-Psalm 139:16 (NIV)

Bumalik akong uli sa Mauritius para sa ilang linggo, ako ay umupa ng isang bahay at muling bumalik sa aking pagsasakay sa mga alon at pagsisid sa gabi. Doon ko nakatagpo ang aking mga kaibigang Creole na silang nag-imbita sa akin na manisid. Ako ay dapat bumalik sa New Zealand isang linggong nakalilipas, hinilingan nila ako na pumaroong muli sa pagsisid sa gabi. Ako ay lumabas sa aking balkon kagaya nang malimit kong ginagawa at nakita ko ang isang malaking bagyong may taglay na mga kidlat rumaragasa sa karagatan. Lumingon ako sa aking kaibigang si Simon at nagtanong “Sigurado ka ba? Nakakita ka na ba ng bagyo?” Ako’y nangangamba na magdulot ng malalaking alon ang bagyo sa batuhang-babaw (reef) at maging mapanganib. Subalit sumagot si Simon “Ito’y magiging maayos, hahayo tayo pababa nang may limang milya mula sa pampang sa isang napaka gandang bahagi ng batuhang-babaw upang sumisid ngayong gabi, ika’y talagang mamamangha kung gaano ito kaganda.”

Sa bandang huli talagang na inganyo niya ako para rito. Noo’y bandang 11 ng gabi. Dinala ko lahat ng aking mga kasangkapan, lumukso sa bangka at kami’y humayo. Sinagwan namin pababa sa pampang at tila kalahating milya mula sa talagang isla. Kami ay nasa mas loob ng lawa, at kami ay sumisisid sa mas labas na bahagi ng batuhang-babaw, na kung saan ito ay matarik na palalim.

Kami ay sumisid paloob. Ako ay umakyat sa batuhang-babaw at ang aking dalawang kaibigan ay pumunta pababa sa batuhang-babaw (reef). Kalimitan kami ay nagsasama-sama ngunit sa ilang kadahilanan kami ay nagkahiwalay. Ako’y naghahanap ng banagan (crayfish) nang ako ay makakita ng ilang kakaibang nilalang sa tubig na mukhang isang pusit. Mausisa, ako’y lumangoy papalapit dito at tunay na inabot ko ng aking kamay at dinakma ito. Suot-suot ko ang aking guwantes at ito ay umaalpas sa pagitan ng aking mga daliri tulad ng isang dikya. Pinagmamasdan ko ito habang ito ay lumulutang papalayo, na intriga ako sa dikya na ito na lubhang kakaiba ang itsura. Ito ay nagtataglay ng tila baga ulo ng pusit, subalit ito ay hugis kahon at ito ay mayroong kakaibang daliri kagaya ng mga galamay. At ito ay walang kulay. Hindi pa ako nakakita nang ganoong uri na dikya, subalit ako ay tumalikod papalayo rito at nagpatuloy ako sa paghahanap ng aking banagan.

Dala ko ang aking lente na nagliliwanag sa may batuhang-babaw, hinahanap ang aking huli, nang may tumusok sa akin. Pumihit ako upang tignan kung ano ito. Suot ko ang maikling manggas na damit pangtubig, kaya ang tanging bahagi ng aking katawan na di natatakpan ng aking damit pang tubig ay ang aking mga braso. Mayroong isang bagay na dumaan sa akin at tinusok ako taglay ang isang di kapani-paniwalang yanig. Tulad ito ng pagtayo sa isang kulungan ng baka na may basang sahig na wala kang sapatos at nakapatong ang iyong kamay sa pinagmumulan ng kuryente. Ito talaga ay isang nakayayanig na dagok . Ako ay napaatras mula rito, at sinikap kong hanapin kung ano iyon o kung nasaan na iyon sa pamamagitan ng aking lenteng pangtubig, subalit hindi ko makita kung ano ang nakatama sa akin.

Marahil may isang bagay na kumagat sa akin, o nasugatan ko ang aking sarili sa mga batuhang babaw. Tinignan kong pailalim ang aking braso upang makita kung may dugo, subalit wala naman. Basta isang kumikirot na sakit. Hinaplos ko ito, na naging isa sa pinaka masaklap kong ginawa. Sa mga oras na ito ang sakit ay tila baga namamanhid na nang konti kaya pinabayaan ko ito at inisip na, “Huhuli ako ng isang banagan at ako ay babalik at tatanungin ang bata sa bangka kung ano iyon”. Ayaw kong maghinala ng labis. Kapag ika’y isang maninisid, hindi ka dapat talagang masiraan ng loob.

Kaya umalis ako upang kunin ang isang banagan. Habang ako ay sumisisid muli kong nakita itong maliliit na dikya na katulad nang nakita ko ilang minuto ang nakalilipas. Dalawa sa kanila ay marahang umuusad papalapit sa akin. Mula sa sulok ng aking mata nakita ko ang kanilang mga galamay pumunas sa aking braso. Sa kanilang paghipong ito, magkatulad na yanig ng kuryente ang dumaloy sa aking braso. Talagang nayanig ako sa ilalim ng tubig. Bigla kong natanto kung ano ang nakatama sa akin!

Nalaman ko mula sa aking pangsagip-buhay na karanasan na ilang dikya ay di kapanipaniwalang makamandag. Bilang isang bata nagkaroon ako ng lagnat at mga masamang reaksyon o ‘allergic reactions’ na kung ako ay matusok ng isang bubuyog sa aking binti ito ay mamamaga na lamang gaya ng isang lobo. Ngayon nararamdaman kong ako ay nangangamba dahil dalawang beses na akong natusok sa magkahiwalay na pangyayari ng mga dikyang ito. Ako’y lumangoy pa- ibabaw at itinaas ang aking ulo upang makita ang bangka. Kaya ko lamang marating pababa sa batuhang babaw. Inilagay ko ang aking braso sa likuran ng aking likod upang makalabas sa tubig. Ayaw ko nang matusok pang muli. Habang ako ay lumalangoy na tulad ng ganoon naramdaman kong may dumulas sa ibabaw ng aking likuran at pagkatapos isa pang yanig ang aking naramdaman sa ibabaw ng aking braso Luminga-linga ako palibot nakita ko ang mga galamay naglalaglagan. Natusok ako ng pangatlo!

Nilagay ko ang aking lente pabalik sa tubig upang mapanatili ang aking mata sa batuhang babaw at ang ilaw ng aking lente nagtungo derecho pababa sa isang grupo ng dikayang ito. Naisip ko, “Kung isa sa mga ito ay tamaan ang aking mukha, sa palagay ko hindi ko na kayang bumalik sa bangka”. Kaya nilagay ko ang lente pataas malapit sa aking mukha at lumangoy. Balik sa bangka, tinanong ko ang batang lalake sa aking pinakamahusay na French at Creole, kung alam niya kung ano ang mga dikya. Hindi niya alam dahil hindi naman siya isang maninisid, iniling-iling na lamang niya ang kanyang ulo at itinuro ang aking kaibigan na Simon na nasa tubig. Kaya ako’y muling bumalik sa tubig at lumangoy patungo sa kanya.

Nakikita ko siya sa ilalim ng tubig, kaya itinapat ko sa kanya mukha ang aking ilaw upang makuha ang kanyang pansin. Siya ay umahon sa ibabaw, at sinabi ko sa kanya “gusto kong umalis”. Nilagay ko ang aking ulo sa tubig upang lumangoy pabalik sa bangka at sa harap ng aking mukha mayroon na namang dikya sumasalakay sa akin. Kailangan kong pumili, tatamaan ba nito ang aking mukha o tatanggapin ko na lamang ito sa ibabaw ng aking braso. Kaya itinaas ko ang aking braso at tinanggap ang isa pang tusok sa ibabaw ng aking braso. Itinulak ko na lamang ang dikyang iyon papalayo at ako ay sumampa sa ibabaw ng batuhang babaw.

Dalawang piye ang tumatakip sa talagang batuhang babaw. Tumindig ako roon suot ang aking gamit sa paa at tinignan ko ang aking braso, na talagang namamaga tulad ng isang lobo na may mga sugat paikot sa ibabaw ng balat tulad ng sugat sa sunog. Ito’y parang ako’y nasunugan sa isang kalan, sa ibabaw na kung saan ang mga galamay ay hinila.

Habang ako’y nakatingin dito ang kaibigan kong Simon ay dumating naglalakad sa ibabaw ng batuhang babaw sa kanyang gamit sa paa papalapit sa akin. Nakasuot siya ng kumpletong damit pang tubig at hindi naka salubong ng dikya. Tinignan niya ang aking braso, at pagkatapos tinignan niya ako. Nagtanong siya, “Ilang beses? Ilang beses kang natusok?” Ako’y sumagot, “Apat sa palagay ko.” Sabi niya, “Hindi nakikita? Ito ba ay kulay salamin?” Tumugon ako, “Oo, mukhang hindi nakikita.” Binitin ni Simon ang kanyang ulo pababa at nanumpa. Sabi niya “Isang tusok at tapos ka na, isa lang!” Itinaas niya ang kanyang lente sa kanyang mukha at nakikita ko nakasulat doon ang panganib ng aking kalagayan. Sabi ko “Mabuti, ano ang ginagawa ko sa apat nila sa ibabaw ng aking braso pagkatapos?”

Si Simon ay natataranta, at ako ay natataranta dahil siya ay sumisisid na sa mahigit na dalawampung taon at alam ang tungkol sa mga dikyang ito. “Kinakailangan mong pumunta sa ospital.” Sabi niya, “Allez, allez, vitement.” Ang pangunahing ospital ay 15-20 milya ang layo, ito ay hating gabi at ako may kalahating milya ang layo sa batuhang babaw. Naririnig ko siyang nagsabi ng ‘alis’ subalit pakiramdam ko’y paralisadong nakatayo roon. Sinisikap niya akong makabalik sa bangka. Habang hinihila niya ako, natanto ko na ang aking kanang braso ay walang pakiramdam o paralisado at hindi ko ito kayang itaas sa mula sa tubig. Sa puntong ito ako ay natusok nang panglimang beses.

Sa aking puso naisip ko, “Ano ba ang ginawa ko upang kamtan ito?’ Pagkatapos nagkaroon ako nang pagbabalik alaala sa aking kasalanan. Naunawaan kong bigla kung ano ang ginawa kong mali. Mayroong maraming mga bagay na nagawa ko upang tanggapin ko ito. Hindi ka makalalayo sa anumang bagay.

Ang dalawa kong kaibigan itinaas ang bangka sa ibabaw ng batuhang babaw kasama ako sa loob nito. Nasisira nito ang ilalim. Ito ay isang kahoy na bangka, at ang bangka ay para sa kanilang kabuhayan, kaya nalaman ko na ang sitwasyon ay seryoso para gawin nila ito. Itinaas nila ang bangka sa ibabaw sa lawa at nagsilangoy, sinisikap na itulak ang bangka upang ito ay umusad. Sabi ko, “Sumama kayo sa akin!” Subalit sila ay sumagot “Hindi, lubha itong mabigat, tawagin mo ang batang lalaki na dalhin ka sa pampang.” Kaya ang batang lalaking ito tinutulak ang bangka sa pampang sa pamamagitan ng isang tungkod.

Nararamdaman ko ang lason na dumadaloy sa aking mga ugat at ito ay sumuntok sa isang bagay sa ilalim ng aking braso. Isang kulane ang tinatamaan. Ito’y unti-unti nang nagpapahirap sa akin huminga sa aking kanang baga. Ang aking kanang baga ay pinasisikip ng aking damit pang tubig kaya kinalagan ko ang aking damit pang tubig sa pamamagitan ng aking kaliwang braso, tinanggal ko ito at isinuot ang aking pantalon habang kaya ko pang kumilos. Ang aking bibig ay tuyo at nakaupo ako roon na pinagpapawisan. Nararamdaman ko ang lason na gumagalaw. Nadarama ko ang isang matalim na kirot sa aking likod na tila baga na may isang taong tinira ako sa aking mga bato (kidneys). Sinisikap kong hindi gumalaw, sinisikap kong huwag mataranta. Kami ay nasa kalahatian na malapit sa pampang at nararamdaman ko talagang ang lason ay pumipintig at gumagalaw sa aking sistema ng dugo.

Hindi ko alam kung saang direksyon tumungo ang aking dugo hanggang sa gabing iyon, subalit sasabihin ko sa iyo kung ano, ako talaga ay naging interesado kung saan ang aking dugo ay pumaikot! Ang lason ngayon ay nagpapamanhid nang aking buong kanang binti, at ako ay may sapat na likas na pag-iisip na malaman na kung ito ay bumaba sa aking binti na iyon at babalik sa aking puso o aking utak, pagkatapos patay na ako. Habang ako ay papalapit sa pampang, ang aking paningin ay lumalabo. Nahihirapan akong tumitig. Narating namin ang pampang at sabi ng bata, “Halika, umalis na tayo rito.” Ako ay tumindig upang umalis at ang aking kanang binti ay tumiklop sa ilalim ko. Ako’y bumagsak sakto sa ibabaw ng banagan, sa sahig ng bangka. Ang bata ay tumindig paatras na isang gulat, pagkatapos siya ay sumenyas sa akin na ilagay ko ang aking braso sa kanyang leeg. Nilagay ko ang aking braso sa kanyang leeg, hinawakan ko ang aking paralisadong braso ng mahusay kong braso at nanatili roon nakahawak. Kinaladkad niya ako papalabas ng bangka at pagkatapos pataas sa pampang sa buhanginan. Ibinangon niya ako patayo sa pangunahing kalsada.

Ito’y malapit nang maghating-gabi. Ang lugar ay walang laman- walang sasakyan, walang anuman. Ako’y nakahawak sa batang lalaki nagtatanong sa aking isipan kung papaano akong makararating mula roon patungo sa ospital sa ganoong kalalim ng gabi. Hinanghina ako sa aking kanang binti na ako ay naupo sa semento. Sinikap ng batang lalaki na ako ay tulungan subalit sa bandang huli tinuturo niyang muli ang dagat, sinasabi, “Ang aking mga kapatid na lalaki ay naroroon, kinakailangan kong tumungo roon at kuhanin sila”. Sabi ko, “Hindi manatili ka rito at tulungan mo ako.” Subalit sa bandang huli siya ay umalis.

IKATLONG KABANATA – ANG PAGSUBOK SA KATATAGAN

Kapag ang aking espiritu’y lumagong nanlulupaypay sa loob ko

Ikaw itong nakaaalam ng aking daan

Sa landas na aking nilalakaran

Mga tao’y nagtago ng isang patibong para sa akin

Tignan sa aking gawing kanan at makita;

Walang sinumang nagmamalasakit sa akin

Wala akong pahingahan

Walang nagmamalasakit para sa aking buhay

Awit 142:3,4

(Bagong Pandaigdigang Salin)

Habang ako ay nakaupo roon nagapi ako ng kapaguran at nahiga ako sa ibabaw ng kalsada nakatitig sa mga bituin. Ipinipikit ko na ang aking mga mata upang matulog, nang marinig ko ang isang malinaw na tinig nangungusap sa akin, at sabi “Ian, kung ipipikit mo ang iyong mga mata hindi ka na muling magigising”. Ipinagpag ko ang aking pagkaantok at inisip, “Ano ba ang aking ginagawa? Hindi ako maaaring matulog dito, kinakailangan kong makarating sa isang ospital, kinakailangan kong makakuha ng mga laban sa lason, at kailangan kong makakuha ng tulong. Kung ako ay matutulog maaaring hindi na ako muling magising.”

Kaya muli kong sinikap na tumayo. Nagawa kong lumakad nang iika-ika ng marahan pababa sa kalsada at nasumpungan ko ang ilang mga sasakyan kasunod ng isang kainan, na hindi ko nalalaman, na naroroon. Ako’y tumungo sa kinaroroonan ng mga sasakyan at nagsumamo sa mga tsuper na dalhin ako sa ospital. Tinignan ako ng mga lalake sa loob ng sasakyan at nagsabi “Magkano ang ibabayad mo sa amin?” Kung ikaw ay nakapamuhay na sa Asia alam mo na ito ay ang kalakaran. Kung may pera ka, makaaalis ka, kung wala kang pera wala kang patutunguhan. Kaya sabi ko, “Wala akong anumang pera” – nangungusap ako ng malakas sa aking sarili. Pagkatapos natanto ko kung gaano ako kahangal. Hindi ko dapat sinabi iyon. Makapagsisinungaling ako, subalit hindi ko nagawa, sinabi ko lang ang katotohanan. Wala akong pera. At ang tatlong tsuper ay nagtawanan, “Ika’y lasing, ika’y baliw”. Tumalikod sila, sinindihan ang kanilang mga sigarilyo at nagpasimulang maglakad papalayo.

Pagkatapos muli kong narinig ang isang malinaw na tinig nagsasabi “Ian, gusto mo bang magmakaawa para sa iyong buhay?” Siguradong kaya ko. Alam ko kung papaano ito gawin. Namuhay ako sa Timog Afrika nang mahabang panahon. Nakita ko ang mga itim na lalaki salubungin ang kanilang mga palad at iyokod ang kanilang mga ulo sa mga puting lalaki at sasabihin, “Oo, m boss, oo’ m amo.” Kaya nakita ko ito, at ito ay napakadali sa akin na lumuhod dahil ang aking kanang binti ay wala na, at ang aking kaliwang binti ay napakahina o hindi matatag. Ako’y nakasandal sa kotse kaya nagpadausdos na lamang ako paluhod at isinalubong ang aking mga palad (kagaya ng pagdarasal). Ibinaba ko ang aking ulo upang hindi ko sila makita nagmakaawa ako para sa aking buhay. Nasa bingit na ako nang pag-iyak, dahil alam ko na kung hindi ako madadala sa ospital sa lalong madaling panahon wala na akong ibang pupuntahan pa. Kung ang mga taong ito ay walang habag at pagmamahal sa kanilang puso para sa akin, at awa para sa akin, namatay na sana ako roon sa harapan nila.

Kaya ako ay nagmaka-awa at nakiusap sa kanila para sa aking buhay. Ang aking ulo ay nakayukod tinitignan ko ang kanilang mga paa. Dalawa sa kanila ay umalis na lang basta, subalit nakita ko ang isang batang lalaki nag-aalangan na gumalaw ang mga paa. Tila baga na ito ay napaka tagal, pagkatapos lumapit siya at dinampot ako. Hindi siya nagsasalita subalit tinulungan niya ako makatayo, inilagay ako sa sasakyan at kumaripas. Sa kalahatian nang daan patungong ospital nagbago ang kanyang isip. Pagalit na siya ay nagtanong “Saang hotel ka nakatuloy puting lalake?” Ako’y sumagot na hindi ako nakatira sa isang hotel kundi sa isang bahay na bungalo sa Tamarin Bay. Ang akala niya ako ay nagsinungaling sa kanya at galit na baka wala siyang makuhang pera mula sa akin matapos ang lahat. “Papaano ko makukuha ang aking pera?” sabat niya. Sumagot ako “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng pera ko!” Kapag ang iyong buhay ay nakasalalay, ang pera ay bale wala. Sabi ko “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng perang gusto mo kung madadala mo ako sa ospital. Ibibigay kong lahat ito sa iyo.” Subalit hindi siya naniwala sa akin.

Kaya nagbago ang kanyang isip at dinala ako sa isang malaking hotel na pang turista. Sabi niya “Ibababa kita rito, hindi na kita dadalhin”. “Hindi!” Nagsumamo ako, “Pakiusap dalhin mo ako, ako’y namamatay”. Humilig lamang siya, tinanggal ang aking sinturon pangkaligtasan at binuksan ang pintuan. “Lumabas ka!” Umungol siya. “Hindi ako makakalabas, palagay ko hindi ko kayang gumalaw” tugon ko. Kaya tinulak na lamang niya ako palabas.

Nasabit ang aking mga binti sa hamba ng pinto kaya itinaas niya ito at itinapon palabas, hinampas pasara ang pinto at kumaripas ng takbo. Nakahandusay ako roon, at naisip ko, “Ang mundong ito ay bulok. Nakita ko ang kamatayan, puot, karahasan; ito ay impiyerno, ang lugar na ito ay impiyerno sa lupa. Ito ay isang marumi, may sakit na mundo na ating tinitirhan.” Nakahandusay ako roon at nararamdaman kong tila susuko na ako. Naisip ko, “Ano ang punto nang pagsisikap makarating sa ospital? Kung ubos na ang iyong bilang, hayaan mo na lang, mamatay na lang.”

Pagkatapos sumagi sa isipan ko ang aking lolo. Dumaan siya sa Una at Ikalawang Digmaang Pangdaigdig. Galing na siya sa Gallipoli at nakipaglaban sa Egipto laban kay Rommel. Naalaala ko ito at naisip ko kung papaano ang aking lolo ay nakaligtas sa dalawang digmaang pangdaigdig at narito ang kanyang apo sumusuko na dahil sa limang kaabaabang dikya na tumusok sa kanya! Kaya naisip ko “Pupunta ako sa huling hininga, huwag kang bibigay Ian!” Gamit ang aking isang natitirang gumaganang braso sinikap kong hilahin ang aking sarili patungo sa pasukan ng hotel. Nakikita ko ang ilang mga bukas na ilaw. Sa aking pagkamangha ang mga guardya na ginagawa ang kanilang paglilibot dala ang kanilang lente ay nakita ako na gumagapang sa lupa.

Isang lalaki ang tumatakbong dumating. Tumingin ako pataas at nakilala ko siya na isa sa aking mga kainuman. Isa siyang malaking maitim na lalaki na ang tawag ay Daniel, isang malaking kaibig-ibig na lalaki. Tumatakbo siyang lumapit sa akin at nagtanong, “Ano nangyari sa iyo, ikaw ba ay lasing, ikaw ba ay sabog, ano nangyari sa iyo?” Hinila ko ang aking pangginaw pataas upang ipakita sa kanya ang aking braso at makita niya lahat nang aking mga paltos at ang pamamaga. Kinalong niya ako sa kanyang mga braso at tumakbo.

Ito’y parang pagdampot sa akin ng isang malaking anghel. Tumakbo siya papasok, lagpas sa paliguan at ibinaba niya ako sa isang upuan. Tila tatlong metro ang layo ang mga Intsik na may ari ng hotel ay naglalaro ng mahjong at nag-iinuman. Ang lahat ng mga turista ay nagtungo na sa higaan, ang tindahan ng alak ay sarado na at sila ay nagsusugal.

Ibinaba ako ni Daniel doon at nawalang muli sa kadiliman. Nagtataka ako kung saan siya nagtungo subalit natanto ko na ang itim na lalaki ay hindi puwedeng makipagusap sa isang Intsik na lalaki sa bansang ito maliban na lamang na siya ay tanungin. Ako’y gagawa ng pagsubok na kausapin ko mismo ang mga Intsik. Kaya hinila ko ang aking manggas pataas at ipinakita ang aking namamaga at paltos na braso. Sabi ko, “Kailangan kong pumunta agad sa ‘Quartre Bonne’ ospital, ako ay natusok ng limang dikya.” Gumamit pa ako ng ilang salitang Intsik. Sila’y nagtawanan. Isa sa mga batang lalaki ay tumayo at nagsabi “O puting bata, hindi maganda sa iyo ang heroin, mga matatanda lamang ang gumagamit ng Opium.” Ang akala niya ako ay nasa droga dahil ipinakita ko ang aking braso at mukha itong tinusok ng ‘injection’ sa malayuan.

Unti-unti na akong nagagalit at nawawalan ng pag-asa dahil dito. Naupo ako roon pinipilit kong payapain ang aking sarili, dahil alam ko na kung ako ay labis na magalit and lason ay mas lalong kikilos ng mabilis. Subalit ang buo kong katawan, bawat kalamnan, nagpasimulang bumaltak at mangunot. Ako ay talagang napapaalis sa aking upuan sa bawat pangungunot habang ang lason ay gumagalaw sa aking mga kalamnan. Ang mga Intsik na lalake ay patakbong dumating at tatlong lalaki ay sinikap na ako ay pigilan pababa. Hindi nila ako mapirmi, hinahagis ko sila palabas.

Nang ako ay makalabas dito sa di kapanipaniwalang panginginig isang nakamamatay na lamig ang gumapang sa ibabaw ng aking pangluob na bahagi ng aking buto. Ito’y tulad ng kamatayan na gumagapang sa ibabaw ko. Alam ko na ang aking katawan ay namamatay, sa aking harapan. Ako ay lubhang napaka lamig. Ang mga lalake ay nagpasimulang lagyan ako ng mga kumot sa buong ibabaw sinisikap na ako ay mapanatiling mainit. Sinisikap ko pa ring mapanatili itong sama-sama, at tinatanong ko sila, “Dalhin ninyo ako sa ospital pakiusap.” Ipinatong ng isang lalake ang kanyang kamay sa aking balikat at sabi, “Hindi, aantayin natin ang ambulansya puting bata.” Kaya naupo ako roon nag-iisip, “Hindi ko alam kung makakaabot pa ako roon.” Noon din dumating ang ambulansya at mula sa kawalan lumitaw si Daniel kasama ang isa pang bantay. Nilagay nila ako sa ibabaw ng kanilang mga braso at lumarga. Natanto ko pagkatapos na siya ay tumungo derecho sa palitan ng telepono at tinawagan niya mismo ang ospital.

Kaya ang ambulansya ay dumating. Dumating ito na umuugong ang sirena at gumagala ang mga ilaw sa paradahan ng sasakyan, pumihit ito pabalik sa harap ng hotel, at muling kumaripas. Ang tsuper ng ambulansya ay mula sa isang ospital ng mga itim, kaya nang wala roong tao sa harap ng hotel nang Intsik upang kumulekta halatang halata na akala niya na mali ang pagsunod sa kanyang mga tagubilin.

Kaya naroon ako, kalahati sa daan patungong mga pintuan o gates, at nakikita ko ang ambulansya na nawawala sa paikot sa kanto. Sinikap kong sumipol subalit ang aking bibig ay tuyo at hindi ako makakuha ng sipol palabas. Nakita ni Daniel kung ano ang sinisikap kong gawin kaya siya ang sumipol nang napaka lakas sa abot nang kanyang makakaya. Ito ay bumanda sa pader at pababa sa kalsada. Marahil ibinaba ng tsuper ang bintana ng ambulansya dahil ang pulang ilaw ng preno ay bumukas at siya ay umatras. Ang ambulansya ay isang matandang Renault 4 na tinanggalan ng upuan sa harapan at isang teheras para sa campo ang inilagay sa lugar na ito. Iyon nga iyon mga bata, iyon ang ambulansya.

Hindi ako nag-aalala. Wala akong pakialam kung ano ang nagdala sa akin doon. Ang tsuper ay hindi man lamang nagawang lumabas ng ambulansya. Humilig siya sa harapan, binuksan ang pinto at ibinaba ako ni Daniel sa loob ng higaan o teheras. “Kamusta ang iyong nanay, kamusta ka na, gusto mo ba ng isang kumot, ano ang mali sa iyo?” Siya ay isa lamang tsuper at kumaripas na siya. Sinisikap kong hindi isara ang aking mga mata, nalalaman ko na dapat akong gising hanggang sa masaksakan ako ng laban sa lason. Kung mapapanatili ko sanang ako’y buhay hanggang makarating ng ospital.

 

 

KABANATANG APAT – ANG PANALANGIN NG PANGINOON

Ama namin sa langit

Banalin ang iyong pangalan

Dumating ang iyong kaharian

Mangyari ang iyong kalooban

Dito sa lupa gaya nang sa langit

Bigyan mo kami sa araw na ito nang aming pangaraw-araw na tinapay

At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan

Gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala laban sa amin

Huwag mo kaming akayin sa tukso

Subalit iligtas mo kami sa masama

Sapagkat sa iyo ang kaharian

Ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian

Magpakailan-kailan man

Amen

(mula sa Matthew 6: 9-13)

Kami ay nasa kalagitnaan nang daan patungo sa ospital at ang Renault ay umaakyat sa isang burol. Ang aking mga paa ay tumataas sa hangin at ang lason sa aking dugo ay nagpapasimulang rumagasa derecho sa aking utak. Nagpasimula kong makita ang isang larawan ng isang maliit na malanieveng (snowy) at pagkatapos nakita ko and isa pang sulyap ng isang mas matandang lalake na may malanieve na puting buhok. Nakatingin ako sa larawang ito nag-iisip, “Gee mayroon siyang maputing buhok,” at ito’y bigla na lamang nagrehistro na ako ay tumitingin sa aking sarili, nakikita ko ang aking buhay na dumaan sa aking harapan. Ito’y isang nakapangingilabot na karanasan, pagtingin sa mga larawan ng aking buhay dumadaloy sa aking harapan tulad ng isang pelikula, kasing linaw ng kristal mulat ang aking mga mata. Ako’y nakatitig at nag-isip, “Narinig ko na ang tungkol dito, at nabasa ko pa ang tungkol dito. Sinasabi lang ng mga tao bago sila mamatay nakikita nila ang kanilang buhay na dumadaloy sa kanilang harapan.”

Sabi ko sa aking sarili, “Ako’y napakabata para mamatay, bakit ba ako nagtungo upang manisid? Anung isang hangal, nanatili na lamang sana ako sa bahay.” Ang aking mga iniisip ay nag-uunahan. Ngayon nalaman ko na ako ay nakaharap sa siguradong kamatayan. Hindi ko na halos marinig ang tibok ng aking puso at nakahandusay ako roon namamangha kung ano ang mangyayari kapag ka ako ay namatay? Mayroon pa bang anuman matapos akong mamatay? Saan ako pupunta kung ako ay mamatay?

Pagkatapos nakita ko ang isang malinaw na pangitain ng aking nanay. Ito’y para bagang siya’y nangungusap sa akin ng mga ganoong mga pananalita na sinabi niya sa aking nang matagal nang panahon; “Ian, gaano ka man napalayo sa Diyos, anuman ang nagawa mong mali, kung ikaw ay iiyak sa Diyos mula sa iyong puso, pakikinggan ka niya at patatawarin ka niya.”

Sa aking puso ako ay nag-iisip, “Ako ba ay naniniwala na may isang Diyos? Ako ba ay mananalangin? Kaunti na lamang at ako ay isa nang masugid na taong walang Diyos. Wala akong sinumang pinaniniwalaan. Subalit, ako ay naharap sa sa pamamagitan ng pangitaing ito ng aking nanay. Kinausap ko ang aking nanay ang tungkol dito nang ako ay bumalik sa New Zealand. Sinabi niya na nagising siya nang maagang maaga nang araw na iyon. Ipinakita sa kanya ng Diyos ang aking mapupulang mga mata at sinabi sa kanya, “ang iyong panganay na anak Ian ay malapit nang mamatay. Manalangin ka para sa kanya ngayon.” Kaya nagpasimula siyang manalangin para sa akin.

Ngayon siyempre ang kanyang panalangin ay hindi makapagliligtas ng aking kaluluwa, hindi niya ako kayang dalhin sa langit, subalit alam ko na kailangan kong manalangin. Hindi ko alam kung papaanong manalangin at kung kanino ako mananalangin. Kaninong diyos ako dapat manalangin? Buddha, Kali, Shiva? Libu-libo sila. Subalit hindi ko nakita si Buddha o Krishna o ibang mga diyos o tao nakatindig doon, nakita ko ang aking nanay, at ang aking nanay ay sinusundan si HesuKristo. Naisip ko, “Maraming taon na akong hindi nanalangin, ano ang ipapanalangin ko? Ano ang ipapanalangin mo sa puntong ito? Ano ang panalangin kung malapit ka nang mamatay?”

Pagkatapos naalala ko noong ako’y isang bata pa tinuruan kami ng aming nanay nang ‘Panalangin ng Panginoon’. “Aming ama na nasa langit, banalin mo ang iyong pangalan, dumating ang iyong kaharian, maganap ang iyong kalooban sa lupa kagaya ng sa langit…” Kaya naisip ko na iyon ang ipapanalangin, iyon lamang ang panalanging alam ko. Nagpasimula akong ipanalangin ito, subalit hindi ko ito maalaala. Tila baga na ang lason na pumasok sa aking ulo ay kaunti nang pinatigil akong makapag-isip. Isinasara nito ang aking isipan. Ito’y nakapangingilabot. Umasa ako nang higit sa aking isipan at sa aking karunungan at ngayon biglaan ito’y namamatay sa akin. Buradong isipan, zero.

Habang ako ay nakahandusay doon naalala ko ang aking nanay na sinabi na hindi ka mananalangin mula sa iyong isipan, mananalangin ka mula sa iyong puso. Kaya, sabi ko “Diyos hindi ko alam kung saan ang panalanging ito, gusto kong ipanalangin ito, tulungan mo ako”. Habang sinasabi ko iyon, ang panalanging ito ay tunay na nagmula sa aking panloob na pagkatao, mula sa aking espiritu. Nanalangin ako, “Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan.” Pagkatapos nagpatuloy ako “Diyos, hinihiling ko sa iyo na patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, subalit marami akong ginawang bagay na mali. Alam ko na iyon ay mali, ang aking budhi ay nagsasabi sa akin na ang mga iyon ay mali. Kung mapapatawad mo ako sa lahat ng aking mga kasalanan, at hindi ko alam kung papaano mo itong gagawin – wala akong maisip na paraan kung papaano mo mapapatawad ang mga ito – nagsusumamo ako na patawarin mo ako sa aking mga kasalanan”. At pinaninindigan ko ito. Gusto kong punasang malinis ang munting pisara, magsimulang muli. “Diyos patawarin mo ako.”

Habang ipinapanalangin ko iyon, nakuha ko ang isa pang bahagi ng panalangin. “Patawarin mo sila na nagkasala sa iyo.” Nauunawaan ko ang ibig sabihin na kailangan kong patawarin sila na nanakit sa akin. Naisip ko, “Mabuti, wala akong itinatagong sama ng loob. Mayroong mga tumpok ng mga taong na nagwakwak sa akin at nanaksak sa likod at nagsalita ng mga masasamang salita laban sa akin at gumawa ng napaka samang mga bagay sa akin – pinapatawad ko sila.” Pagkatapos narinig ko ang tinig ng Diyos nagsasabi, “Patatawarin mo ba ang Indian na nagtulak sa iyo papalabas ng sasakyan at ang mga lalaking Intsik na ayaw kang dalhin sa ospital?” Nagtungo ako, “Hmm, mayroon akong ibang plano, kapagka nakalusot ako rito.” Subalit inisip ko, “ Okay, pinapatawad ko sila. Kung kaya mo akong patawarin, kaya ko silang patawarin. Papatawarin ko sila.”

Ang susunod na bahagi ng aking panalangin ay dumating sa akin, “Ang kalooban mo ang mangyari.” Ginawa ko ang sariling kong bagay sa nakalipas na 20 masalimoot na taon. Sabi ko, “Diyos, kung ako ay makalulusot dito, hindi ko man lamang alam ang iyong kalooban – wala akong hinuha kung ano ang iyong kalooban – Alam ko na ito ay hindi paggawa ng mga bagay na masasama, subalit hindi ko alam kung ano ang iyong kalooban. Kung makakalusot ako rito, hahanapin ko ang iyong kalooban para sa aking buhay at gagawin ko ito. Gagawa ako ng isang punto na sumunod sa iyo ng buong puso kung ako ay makalulusot dito.”

Hindi ko ito maunawaan sa oras na iyon, subalit iyon ang aking panalangin para sa kaligtasan. Hindi mula sa aking ulo, kundi sa aking puso, humihiling “Diyos patawarin mo ako sa aking pagsalangsang at gawang masasama. Diyos linisin mo ako. Pinapatawad ko ang lahat ng nanakit sa akin. At HesuKristo, gagawin ko ang iyong kalooban, ang kalooban mo ang mangyari. Susundin kita.” Pinanalangin ko ang panalangin ng makasalanan, ang nagsisising panalangin sa Diyos.

Isang di kapanipaniwalang kapayapaan ang dumating sa aking puso nang ipanalangin ko ang panalangin. Tila baga ang takot ay umalis sa akin, ang takot sa bagay na darating. Ako ay namamatay pa rin, alam ko iyon, subalit ako ay payapa tungkol dito. Nakipagkasundo na ako sa aking manlilikha. Alam ko ito, nalaman ko sa unang pagkakataon na nahipo ko ang Diyos at tunay na napapakinggan ko siya. Hindi ko pa siya napakinggan kailan man subalit ngayon naririnig kong nagsasalita siya sa akin. Walang sinuman ang makapagsasabi sa akin ng Panalangin ng Panginoon.

 

IKALIMANG KABANATA – ANG HULING KALAG

Makakapasok ka sa kaharian ng Diyos sa makipot na pintuan lamang.

Ang lansangan sa impiyerno ay malapad at ang kanyang pintuan ay maluwang

para sa marami na pinili ang madaling paraan.

Subalit ang lagusan sa buhay ay maliit,

at ang daan ay makipot,

at kakaunti lamang ang makasusumpong nito.

Mateo 7:13,14

(Bagong Buhay na Salin)

Sa wakas nakarating kami sa ospital. Ang tsuper ng ambulansya itinaas ako mula sa isang upuang may gulong at patakbong dinala ako sa lugar ng emergency. Mayroong kumuha ng presyon ng aking dugo. Habang ako ay nakaupo roon pinagmamasdan ko ang nars tinignan niya ang sukatan o gauge at pagkatapos tinapik niya ito. Sa isip-isip ko anung klaseng ospital ito? Ito’y isang lumang pangalawang pandaigdigang digmaan na ospital. Iniwanan ito ng mga Ingles at ibinigay sa mga tao ng Creole. Kapareho pa rin nito ang itsura ng ito ay gawin noong 1945. Ito ay mabaho at napakaluma at ganunpaman naroon ako.

Tinapik muli ng nars ang gauge o sukatan ng presyon. Nagpasimula akong mag-isip, “Walang problema sa makina, itong aking puso, hindi ito tumitibok.” Tinaggal niya ito at humalughog patungong pamingganan, nagbabakasakali na makakita ng mas mukhang bago. Hinila niya papalabas ang isa, inilagay ito ibabaw, binuksan ito at nagpasimulang bombahin. Nakikita ko na kahit na ano ang gawin hindi ito nagrerehistro ng marami. Tinignan niya ako, pagkatapos tumingin sa makina. Ang aking mga mata ay mulat, subalit alam ko na siya ay nagtataka kung bakit mulat ang mga ito. Sa ganitong uri ng presyon ng dugo ang iyong mga mata ay hindi dapat mulat. Ako ay desperadong nakabingit. Ako ay nakakapit para sa lahat ng aking kahalagahan. Ayokong pumunta saan man. Gusto kong manatili sa aking katawan. Ayokong mamatay. Ako ay lumalaban nang buo kong lakas upang manatiling buhay.

Kaya ang tsuper ng ambulansya, natanto niya na ang sitwasyon ay malubha, tinanggal ang ‘gauge’ o panukat sa aking braso at itinakbo ako sa mga doktor. Dalawang Indianong doktor ang nakaupo roon, kapwa sila kalahating tulog, nakababa ang mga ulo. “Ano ang pangalan mo, saan ka nakatira?” Ang isa ay nagtanong sa Frances, “Ilang taon ka na?” Siya ay isang batang doktor at hindi man lamang niyang nakuhang tumingin sa akin. Ako ay tumingin sa mas matandang doktor. Siya ay may roon ilang puting buhok at inisip ko, “Siya ay matagal na rito ng ilang taon, maaaring alam niya kung papaano niya akong tutulungan.”. Kaya nag-antay ako. Hindi ako sigurado kung mayroon pa akong natitirang lakas para magsalita. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata at binigyan ko siya ng pinaka mabigat na titig na magagawa ko. Bumulong ako “Malapit na akong mamatay, kailangan ko ng pangontra sa lason ngayon din”. Hindi siya gumalaw. Hindi ko inalis ang aking mga mata sa kanya, siya ay nakatitig lamang pabalik sa mga ito.

Pumasok ang nars na may dalang isang pirasong papel. Ang matandang doktor ay tinignan ito, tumingin sa akin, at tumalon. Nakikita ko siya na inis na inis tila baga na sinasabi sa nakababatang doktor, “Ikaw na tanga, bakit hindi mo tinignan ang batang lalakeng ito?” Tumalon siya, itinulak ang tsuper ng ambulansya paalis sa kanyang daraanan, kinuha niya mismo ang upuan may gulong at nagpasimulang itakbo ako pababa sa pasilyo. Nakakarinig ako ng isang uri ng ingay ng mga alingasngas. Naririnig ko siyang sumisigaw ng ilang bagay subalit hindi ito malinaw sa akin.

Ang doktor ay tumakbo sa isang silid nang mga botelya at mga kasangkapan sa gamot sa loob nito. Nang sumunod na minuto ako ay napapalibutan ng mga nars, doktor at mga tagapagsaayos. Sa matagal na huli, mayroong nangyayari. Isang nars ay pinihit ang aking braso at nilagyan ng swero. Ang doktor ay nasa tapat ng aking mukha nagsasabi, “Hindi ko alam kung naririnig mo ako anak subalit susubukin naming iligtas ang iyong buhay. Panatilihin mong mulat ang iyong mga mata…sige anak, labanan mo ang lason. Subukan at panatiliin mong gising, tama itong lahat, naglalagay kami ng swero upang hindi ka maubusan ng tubig.” Isang nars ang nagturok ng isang karayom sa isang bahagi at isa pang nars sa kabilang bahagi, tinuturok. Hindi ko sila maramdaman subalit nakikita ko silang ginagawa ito. Sinasabi ng doktor, “Kontra sa lason (anti-toxin) upang labanan ang lason.” sa kanyang Ingles na Oxford. Isa pang nars ang lumuhod sa aking mga paa, sinasampal ang aking kamay sa abot ng kanyang makakaya. Ako’y nag-iisip, “Ano ang kanyang ginagawa?” Subalit wala akong pakialam, basta itinulak na lamang ang sa loob ang mga karayom!

Isang nars sa aking likuran ay pinupuno ang isang malaking heringgilya, tulad ng isang heringgilya para sa kabayo. Inaalis niya ang hangin palabas dito. Sinikap niyang itusok ito sa aking braso subalit walang ugat ang nagpakita. Kaya tinaas niya ang aking balat, inilagay ang karayom sa loob at nagpasimulang itulak ang likido sa loob. Napuno nito ang aking ugat tulad ng isang maliit na lobo. Nakikita ko kung gaano siya kinakabahan dahil ang karayom ay nasa loob ng ugat at tila baga ito ay nanginginig ng higit na pupunitin nitong pabuka ang aking ugat.

Iniwan niya ang karayom na nakatusok at mayroong nag-abot sa kanya ng panibagong karayom. Muli, pinasabog nitong pabuka ang ugat. Tinignan ng nars ang doktor at tinanong siya, “Isa pa?” Tumango ang doktor. Kaya sinikap niya ang isa pa. Isang nars ngayon ang nagsikap na hilutin ito papaloob subalit gumugulong lamang ito, sa katunayan iginugulong ng ugat papaalis ang kanyang hinlalaki. Hindi niyang makuhang ilagay ang kontra-lason sa dugo, ito’y hindi na gumagalaw.

Ang puso ko ay halata nang hindi nagtutulak ng sapat na dugo paikot. Ang aking mga ugat ay nagdadapaan. Gumawa ako ng panggagamot sa hayop sa aking kurso kaya pinag-aralan at naunawaan ang pangunahing pag-aaral sa katawan at balangkas. Nauunawaan ko kung ano ang nangyayari, subalit wala akong magawang anuman sa mga bagay na ito. Nauunawaan ko na ako ay papunta sa isang kalagayan na coma o walang malay. Ako ay lubos na paralisado. Ang aking puso ay gumagalaw patungo sa isang punto na kung saan hindi na ito gumagana.

Wala akong alam kung ano ang nakatusok sa akin isang dikya (box jelly fish) o isang insekto sa dagat, ang pangalawang pinaka nakamamatay na makamandag na kilala ng tao. Sa loob ng 20 taon 60 tao ang namatay na minsan lamang natusok. Anim na buwan sa loob ng isang tao naglalagay sila ng babala na may nakalagay na bungo at magkaekis na buto sa mga pampang ng Darwin upang balaan ang mga tao sa paglangoy sa tubig. Mayroon akong sapat na lason upang patayin ako ng limang ulit. Kalimitan ang isang tao ay namamatay sa loob ng labing limang minuto sa unang tusok. Wala ako nito sa kalamnan, kundi nasa gitna ng aking mga ugat.

Tinignan ako ng doktor sa aking mata at sinabi, “Huwag kang matakot.” Isip-isip ko, “Kaibigan, higit ka pang takot kaysa sa akin.” Nakikita ko ang pagkahibang sa kanyang mga mata. Ako ay inangat at inilagay sa isang higaan kasama ang aking swero. Ang doktor ay nakatayo sa ibabaw ko pinupunasan ang aking ulo. Tila baga na ang tubig ng swero na nilagay nila pabalik sa aking katawan ay lumalabas sa aking pawis sa noo. Pinupunasan ito ng doktor paalis sa aking mukha, subalit nang siya ay umalis nang ilang minuto. Habang ako ay nakahiga roon nararamdaman ko na ito ay tumutulo sa aking mga mata at nagpasimula itong palabuin ang aking paningin, parang ito ay mga luha sa aking mga mata.

“Kinakailangan kong panatiliing mulat ang aking mga mata.” Sabi ko sa aking sarili. Ninasa ko na bumalik ang doktor at punasan ang aking mukha subalit hindi siya bumalik. Sinikap kong magsalita, “Doktor bumalik ka.” subalit ayaw gumalaw ng aking labi. Sinubukan kong ipaling ang aking ulo subalit ayaw gumalaw ng aking ulo. Kaya kinurap ko itong aking mga talukap ng mga mata. Piniga ko ito ng bahagya subalit ito’y malabo pa rin. Patuloy kong pinipiga ang aking talukap pasara. Gumawa ito ng bahagya, at pagkatapos biglang-bigla ako ay dumighay, tulad ng dighay ng kaginhawahan at hindi ko na alam kung ano ang nangyari.

IKA-ANIM NA KABANATA – ANG KADILIMAN

Liwanag ay dumating sa sanglibutan, subalit inibig ng tao ang kadiliman sa halip na liwanag dahil ang kanilang mga gawa ay masama.

Juan 3:19

(NIV)

Marami…ay itatapon sa higit na labas na kadiliman,

na kung saan ay mayroong pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.

Mateo 8:12

(NLT)

Alam ko na mayroong isang pagkalas, ang pagpupunyagi na manatiling buhay ay tila natapos na. Walang sinuman ang nagsabi sa akin kung ano ang nangyari, walang nagsabi, “Namatay ka na anak.” Hindi ko alam iyon. Ang tanging alam ko ang pakikibaka na pilitin at panatiliing mulat ang aking mga mata at manatiling buhay ay tapos na.

Alam ko na ako ay nagtungo sa isang lugar, hindi ito tulad nang pagsasara ng iyong mga mata at pupunta sa pagtulog, alam ko na mayroon akong pinuntahan. Taglay ko ang isang lumulutang na damdamin sa mga nakalipas na 20 minuto sa ospital ganoonpaman. Ako’y nanghahawak sa aking katawan nang lahat sinisikap kong huwag magpalutang-lutang kung saan-saan. Subalit nang isara ko ang aking mga mata, hindi ako lumulutang papalayo, ako’y wala na.

Sinabi ng Bibliya sa Ecclesiastes, na kapagka ang isang tao ay namatay ang kanyang espiritu ay babalik sa Diyos na nagbigay nito at ang kanyang katawan ay babalik sa alabok na kung saan ito nagmula. Mabuti, nalaman ko na ang aking espiritu ay umalis, ako ay napunta kung saan, at ganoon pa man hindi ko alam na ako ay patay na. Tila baga na ako ay dumating sa isang malawak, malapad na lugar tulad ng isang hungkag ng napaka-itim na kadiliman. Ang pakiramdam ko na ako ay nakatindig. Ito ay tulad ng ako ay nagising mula sa isang masamang panaginip sa bahay ng iba, at nagtataka kung saan na napunta ang iba. Ako ay tumingin sa palibot sinisikap na masanay ang aking sarili sa mga bagong kapaligiran.

Ikaw ba ay minsan nang nagising sa kalagitnaan ng gabi at sinikap na hanapin ang pindutan ng ilaw? Mabuti, sinisikap kong hanapin ang pindutan ng ilaw, at tila hindi ko ito makita. Sinisikap kong hipuin ang ilang bagay, at ako ay gumagalaw paikot-ikot at walang anuman doon. Ni hindi man lamang ako mabangga sa anuman. Hindi ko makita ang aking kamay sa aking harapan ng aking mukha. Itinaas ko ang aking kamay upang makita kung ilan ang aking makikita. Itinaas ko ito kung saan naroon ang aking mukha at ito ay lumagos ito sa lugar na kung saan naroon ang aking mukha. Ito ay nakapangingilabot na karanasan. Alam ko doon mismo at pagkatapos, ako iyon, Ian McCormack, nakatayo roon, subalit walang isang katawan. Mayroon akong pandama at pakiramdam na ako ay mayroon isang katawan, subalit wala akong pisikal na mahihipo. Ako ay isang espiritung nilalang, at ang aking pisikal na katawan ay namatay na, subalit ako ay buhay na buhay, at lubos na alam na ako ay mayroong mga braso at mga binti at isang ulo, subalit hindi ko na sila mahipo. Ang Diyos ay isang espiritu, isang di nakikitang espiritual na persona, at tayo ay ginawa ayon sa kanyang larawan.

Iniisip ko sa aking puso, “Saan sa mundo naroon ako?” At habang ako ay nakatayo roon sa kadiliman, nadama ko ang higit na kakaibang kalamigan at takot na sumusukob sa akin. Marahil ikaw ay naglakad na pababa sa isang malungkot na kalsada sa gabi, o ikaw ay umuwi sa bahay na nag-iisa at nadarama mo na mayroon doong nakatingin sa iyo. Naramdaman mo na ba iyon? Nararamdaman mo na mayroong nakatingin sa iyo sa kadiliman subalit hindi mo makita kung sino ito. Nagpasimula kong maramdaman ang masama sa kadiliman. Ang kadiliman ay tila baga hindi lamang pisikal kundi espiritual. Dama ko na ako ay minamatyagan. Isang malamig na nanghihimasok na masama ang tila baga sumasakop sa hangin sa palibot ko. Alam ko na mayroong ilang bagay sa palibot ko. Dahan-dahan nagpasimulang malaman ko na tila baga na mayroong ibang mga tao na gumagala sa palibot ko, sa parehong kalagayan na tulad ng sa akin. Bagaman hindi ko sinabi nang malakas sinagot nila ang aking mga iniisip. Mula sa kadiliman nagpasimula kong marinig mga tinig na humihiyaw sa akin: “Tigil!” “Karapat dapat kang naririto!” Isip ko, “Ako ay nasa impiyerno, ito ay maaaring tunay, subalit papaano akong humantong dito?” Ako ay nahintakutan – takot gumalaw o huminga o magsalita. Habang iniisip ko ito natanto ko, “Oo, maaaring naging karapat dapat ako sa lugar na ito.”

Ang mga tao ay may larawan ng impiyernong ito, sa oras ng kasiyahan at dakilang kaaliwan. Dati ganoon din ang pag-iisip ko. Isip ko na gagawin mo ang lahat ng bagay doon na hindi mo dapat gawin sa mundo. Iyon ay tunay na basura. Ang lugar na kinaroroonan ko ay talagang pinaka nakatatakot na lugar na napuntahan ko. Ang mga tao roon ay walang magawa na ang kanilang mga puso ay gustong gawin, wala silang magawa. At wala roong pagyayabang. Sino ang pagyayabangan sa baba roon? “Ay oo, nanggahasa ako, pumatay, nagnakaw, nang dambong.” Mabuti whoop-de-doo bata! Walang anuman sa baba roon na pag-uusapan, wala. At alam nila na ang paghahatol ay darating.

Wala nang kaugnayan sa oras sa lugar na iyon. Ang mga tao roon ay di makapagsasabi kung anung oras na. Hindi nila masabi kung sila ay naroon na ng 10 minuto, 10 taon o 10,000 taon. Wala na silang kaugnayan sa oras. Ito ay isang nakatatakot na lugar. Sinabi ng Bibliya na mayroong dalawang kaharian, ang Kaharian ng Kadiliman, na pinaghaharian ni Satanas, at ang Kaharian ng Liwanag. Ang aklat ng Hudas nagsasabi na ang lugar ng kadiliman ay talagang inihanda para sa mga anghel na sumuway sa Diyos, hindi para sa mga tao, kailanman. At ito ang pinaka nakakatakot at ang pinaka nakasisindak at ang pinaka nakapangingilabot na lugar na napuntahan ko. Hindi ko pinapangarap o inaasahan maging ang aking pinaka masamang kaaway na mapunta sa impiyerno.

Wala akong maisip na paraan kung papaanong makaalis sa lugar na ito. Papaano kang makalalabas sa impiyerno? Subalit ako ay nanalangin na, at ako ay nagtataka bakit sa mundo na napunta ako roon, dahil ako ay nanalangin bago ako mamatay, at hiniling sa Diyos na patawarin ako sa aking mga kasalanan. Ako ay umiiyak at talagan umiiyak nang malakas sa Diyos, “Bakit ako naririto, humingi na ako sa iyo ng kapatawaran, bakit ako naririto? Ibinaling ko na ang aking puso sa iyo, bakit ako naririto?”

Ang tanging paraan upang ako ay makaalis ay dahil nagsisi ako bago ako mamatay. Talagang huli nang magsisi kung ikaw ay nasa baba roon. Ikaw ay maka pagsisi lamang bago ka mamatay. Hindi ka maaaring manalangin na makaalis ka sa impiyerno at walang sinuman sa mundo ang makapag-aalis sa iyo sa impiyerno sa pananalangin, walang sinuman. Kinakailangan na ikaw mismo ang manalangin para sa iyong sarili. Ang Bibliya ay nagtuturo na walang sinuman ang makapananalangin para sa mga patay, umalis na mga kaluluwa at palalabasin sila sa impiyerno. Kinakailangan silang magsisi bago mamatay.

Pagkatapos isang makinang na liwanag ang sumilay sa akin at talagang hinila ako palabas ng kadiliman. Sinabi ng Bibliya na isang dakilang liwanag ang sumilay sa kadiliman, sa kanila na na naglalakad sa lilim ng kamatayan at kadiliman, at ginabayan ang kanilang mga paa sa mga landas ng kapayapaan at katuwiran. Habang ako ay nakatayo roon isang kamangha-manghang sinag ng liwanag lumagos sa kadiliman mula sa aking itaas at nagliwanag sa aking mukha. Ang liwanag na ito ay nagpasimulang lumukob sa akin at nagpasimula akong makadama ng isang kawalang bigat sumapit sa akin. Pagkatapos nagpasimula kong madama ang aking sarili tumaas mula sa lupa at nagpasimulang umakyat pataas sa napakaliwanag na puting ilaw na ito.

IKAPITONG KABANATA – ANG LIWANAG

Sapagkat ang Diyos, na nagsabi,

“Magkaroon ng liwanag sa kadiliman,”

ay ginawang maunawaan natin na ang liwanag na ito

ay ang kaningningan ng kaluwalhatian ng Diyos

na nakikita sa mukha ni Hesus.

2 Corinto 4:6

(New Living Translation)

Habang ako ay nakatingin pataas nakikita ko na ako ay hinihila sa isang malaking hugis pabilog na bukasan malayo sa aking ibabaw. Ayaw kong tumingin pabalik ng madalas baka muli akong bumagsak pabalik sa kadiliman. Ako’y maligayang maligaya na makalabas sa kadilimang iyon.

Sa aking pagpasok sa lagusan nakikita ko na ang pinagmumulan ng liwanag ay nagmumula sa pinakadulo ng lagusan. Ito ay mukhang katakatakang maliwanag, na tila baga na ito ang pinaka sentro ng sansinukob. Mukhang ito talaga ang pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan, ng lahat ng liwanag. Ito’y mas maliwanag pa sa araw, mas makinang pa sa anumang alahas, anumang diamante, mas maliwanag kaysa isang liwanag ng laser. Subalit ikaw ay makakatitig dito.

Habang ako ay nakatingin ako ay talagang nabibighani rito, nabibighani tulad ng isang gamo-gamo sa presensya ng isang apoy. Nadarama ko ang aking sarili na nahihila patagos sa hangin sa isang nakamamanghang bilis patungo sa dulo ng lagusan. Habang ako ay inililipat sa patagos sa hangin nakikita ko ang sunud-sunod na alon ng mas makapal na matinding liwanag lumalabas mula sa pinagmumulan at nagpapasimulang maglakbay pataas sa lagusan patungo sa akin. Ang unang alon ng liwanag naglabas ng isang kamangha-manghang init at kaaliwan. Ito ay tila baga ang liwanag ay hindi lamang pisikal na kalikasan subalit isang ‘buhay ng liwanag’ na nagpapadala ng pakiramdam. Sa kalahatian daan pababa isa pang alon ng liwanag ang dumaan sa akin. Ang liwanag na ito ay naglabas ng lubos at kumpletong kapayapaan. Ako ay naghanap sa mahabang panahon para sa ‘kapayapaan ng isip’ subalit nasumpungan ko lamang ay ang panandaliang panahon nito. Sa paaralan nabasa ko ang mula kay Keats hanggang kay Shakespeare upang subukan at makamtan ang kapayapaan ng isipan. Sinubukan ko ang alak, sinubukan ko ang edukasyon, sinubukan ko ang palakasan (sports), sinubukan ko ang makipagrelasyon sa mga babae, sinubukan ko ang magdroga, sinubukan ko ang lahat upang masumpungan ang kapayapaan at kakuntentuhan sa aking buhay, at hindi ko ito nasumpungan. Ngayon mula sa itaas ng aking ulo hanggang sa talampakan ng aking mga paa nasumpungan ko ang aking sarili lubos na nasa kapayapaan.

Ang susunod sa aking isipan ay “Nagtataka ako kung ano ang magiging anyo ng aking katawan?” Sa kadiliman hindi ko makita ang aking mga kamay sa harap ng aking mukha. Na isip ko “Kinakailangan kong makakita ng malinaw ngayon yamang ako ay nasa liwanag na ito.” Kaya tumingin ako sa aking kanan at sa aking paghamangha naroon ang aking braso at kamay subalit lumalagos ang tingin ko sa kanila. Ako ay walang kulay tulad ng isang espiritu, ang aking katawan lamang ang puno ng kaparehong liwanag na sumisinag sa akin mula sa dulo ng lagusan (tunnel). Ito ay para bang ako ay puno ng liwanag. Ang ikatlong alon malapit sa dulo ng lagusan ay lubos na kagalakan. Ito’y talagang nakapagpapasigla na alam ko na kung ano ang makikita ko ay ang pinaka nakakabighaning karanasan sa buong buhay ko.

Ang aking isipan ay hindi maarok kung saan ako pupunta, at ang aking mga salita ay hindi kayang isalarawan kung ano ang nakita ko. Ako ay lumabas sa dulo ng lagusan at tila baga nakatindig ng patayo sa harap ng pinagmumulan ng lahat ng liwanag at kapangyarihan. Ang buo kong pananaw ay nabitbit pataas nitong kakaibang liwanag. Bigla kong naisip na ito ay parang aura. Pagkatapos tulad ng kaluwalhatian. Nakakita ako ng mga larawan ni Hesus na may taglay na isang maliit na bilog na liwanag o maliit na sinag sa palibot ng kanyang mukha. Subalit si HesuKristo ay namatay, muling nabuhay mula sa mga patay at umakyat sa langit, at naupo sa kanan ng Ama, at niluwalhati, napaligiran ng liwanag at sa kanya ay walang kadiliman. Siya ang Hari ng Kaluwalhatian, ang Prinsepe ng Kapayapaan, ang Panginoon ng mga panginoon at ang Hari ng lahat ng mga hari. Nakita ko ang aking sinasampalatayanan ay ang kaluwalhatian ng Panginoon. Sa Lumang Tipan, si Moses ay umakyat sa bundok ng Sinai sa loob ng 30 araw at nakita niya ang kaluwalhatian ng Panginoon. Siya ay bumaba at ang kanyang mukha ay nagliliwanag. Ang mukha ni Moses ay nagliliwanag sa kaluwalhatian ng Panginoon, at kinakailangan niyang maglagay ng isang belo, upang ang mga tao ay di matakot. Nakita niya ang liwanag ng Diyos, ang kaluwalhatian ng Diyos. Si Pablo ay nabulag ng isang maluwalhating liwanag sa daan patungong Damasco, ang kaluwalhatian ni Hesus. At ako noon ay nakatayo roon nakikita ito di kapanipaniwalang liwanag at kaluwalhatian.

 

Habang ako ay makatayo roon, mga tanong ay nagpasimulang nag-unahan sa aking puso, “Ito ba ay isa lamang puwersa, kagaya ng sinasabi ng mga Buddhists, o karma, o yin at yang? Ito ba ay isa lamang na likas na kapangyarihan o pinagmumulan ng enerhiya o mayroon talagang nakatayo roon sa loob?” Nagtatanong pa rin ako sa lahat ng mga ito. Habang iniisip ko ang mga kaisipang ito isang tinig ang nagsalita sa akin mula sa sentro ng liwanag. Ang tinig ay nagsasabi “Ian, gusto mo bang bumalik?” Ako ay nayanig na malaman na mayroong doon sa gitna ng liwanag at sino man siya alam niya ang aking pangalan. Ito ay para bang naririnig ng persona ang aking malalim na iniisip bilang talumpati. Pagkatapos inisip ko sa aking sarili “Babalik, babalik – pa saan? Nasaan ako?” Dali-dali tumingin ako sa likuran nakikita ko ang lagusan naglalaho pabalik sa kadiliman. Naisip ko na marahil ako ay nasa aking higaan sa ospital nananaginip at sinara ko ang aking mga mata. “Ito ba’y totoo? ako ba talaga ay nakatindig dito, ako, Ian, nakatindig sa tunay na buhay dito, ito ba’y totoo?” Pagkatapos nangusap muli ang Panginoon. “Gusto mo bang bumalik?” Ako’y sumagot “Kung ako ay nasa labas ng aking katawan hindi ko alam kung nasaan ako, gusto kong bumalik.” Ang tugon ay “Kung gusto mong bumalik Ian kinakailangang tumingin ka sa isang bagong liwanag.”

Nang sandali na marinig ko ang mga salita “tignan sa isang bagong liwanag,” mayroong ilang bagay ang gumana. Naalala ko nang bigyan ako ng isang Christmas Card na nagsasabi, “Si Hesus ang liwanag ng mundo” at “Ang Diyos ay liwanag at walang anumang kadiliman sa kanya.” Pinagbulay-bulay ko ang mga salitang iyon sa oras na iyon. Kagagaling ko lamang sa kadiliman, at tiyak na walang kadiliman dito.

 

IKAWALONG KABANATA – ANG MGA ALON NG PAG-IBIG

Nawa’y maranasan ninyo ang pag-ibig ni Kristo,

Bagaman ito ay napakadakila hindi mo ito lubos na mauunawaan

Pagkatapos ikaw ay mapupuno ng kabuoan

Ng buhay at kapangyarihan na nagmumula sa Diyos

Ephesians 3:19

(New Living Translation)

 

Kaya ito ang Diyos! Siya ay liwanag. Alam niya ang pangalan ko at alam niya ang mga lihim kong kaisipan sa aking puso at isipan. Naisip ko, “Kung ito ang Diyos marahil nakita niya rin marahil ang lahat ng ginawa ko sa aking buhay.” Nararamdaman ko na ako ay lubos na hayag at kitang-kita sa harap ng Diyos. Nahihiya ako at naisip ko “Nagkamali sila at dinala ang isang maling tao rito. Hindi ako dapat dito. Hindi ako napakabuting tao. Dapat akong gumapang sa ilalim ng ilang bato o bumalik sa kadiliman na kung saan ako nabibilang.” Habang ako ay nagpasimulang dahan-dahang gumalaw pabalik sa lagusan isang alon ng liwanag ang lumabas mula sa Diyos at lumapit patungo sa akin. Ang una kong isipan ang liwanag na ito ay itatapon ako pabalik sa butas. Subalit sa aking pagkamangha isang alon ng dalisay na walang sinisinong pag-ibig ang dumaloy sa akin. Ito ang huling bagay na inaasahan ko. Sa halip na paghahatol ako ay hinuhugasan ng dalisay na pag-ibig.

Puro, walang daya, malinis, walang pag-aalinlangan, hindi karapat-dapat, pag-ibig. Nagpasimula itong punuin ako mula sa loob papalabas. Na isip ko, “Marahil hindi alam ng Diyos ang lahat ng mga ginawa kong mali,” kaya nagpatuloy akong sabihin sa kanya ang tungkol sa lahat ng mga nakaiinis na mga bagay na ginawa ko sa takip ng kadiliman. Subalit ito’y tila baga na ako ay pinatawad na niya at ang lakas ng kanyang pag-ibig ay lalong lumakas. Sa katunayan, ipinakita ng Diyos sa akin nang ako ay humihingi ng kapatawaran sa loob ng ambulansya, doon niya ako pinatawad at hinugasan ang aking espiritu malinis mula sa kasamaan.

Nasumpungan ko ang aking sarili nagpapasimulang manangis na walang pigil habang ang pag-ibig ay palakas ng palakas. Ito’y isang napaka linis at puro, walang taling nakakabit. Hindi ko naramdaman ang pag-ibig nang ilang taon. Ang huling panahon na naaalala kong ako’y minahal ay nang aking nanay at tatay sa aming bahay, subalit ako ay gumala patungo sa malaki at malapad na daigdig at nasumpungan ko na walang masyadong pag-ibig doon. Nakita ko ang mga bagay na akala ko ay pag-ibig. Ang pagtatalik ay hindi pag-ibig, susunugin ka lamang nito. Ang pita ay isa lamang apoy na naglalagablab sa loob mo, isang di masupil na pagnanasa na susunog sa iyo mula loob palabas.

Habang ako ay nakatayo roon, ang mga alon ng liwanag ay huminto at ako ay nakatindig na papaloob sa purong liwanag puno ng pag-ibig. Mayroon doong sukdulang kapanatagan. Sinabi ko sa aking sarili, “Ako’y napaka lapit, hindi ko alam kung kaya kong humakbang patungo sa liwanag na nakapaikot sa Diyos at makita siya ng mukhaan. Kung makikita ko siya ng mukhaan malalaman ko ang katotohanan.” Ako’y sawa na sa kakapakinig ng mga kasinungalingan at mga panlilinlang. Gusto kong malaman ang katotohanan. Ako’y naparoon na sa lahat ng lugar upang hanapin ang katotohanan, at walang sinuman ang may kakayanang makapagsabi sa akin. Nakikipag-usap ako kahit kanino na makapagsasabi sa akin kung ano ang kahulugan ng buhay, ang katotohanan, kung ano ang nangyayari, anumang bagay na katotohanan. Naisip ko na kung ako ay makakalakad papaloob at makatagpo ang Diyos mukha sa mukha. Malalaman ko ang katotohanan at malalaman ko ang kahulugan ng buhay. Hindi na ako magtatanong pa sa panibagong lalake, babae o bata kahit kailan. Alam ko.

Maaari ba akong pumasok? Walang anumang tinig na nagsasalita na hindi. Kaya, pumasok ako, hinakbang ko ang mainam kong paa sa harapan at pumasok sa liwanag. Nang ako ay pumasok sa liwanag ito’y parang ako ay pumasok sa loob ng mga kurtina ng mga nakabitin na kumikinang na mga ilaw, kagaya ng mga nakabitin na mga tala o diamante na nagbibigay ng kanyang pinaka nakamamanghang liwanag. Ang liwanag ay nagpatuloy na pagalingin ang pinaka malalim na bahagi ko, tulad ito ng pagpapagaling ng sirang panloob na pagkatao ko, pagpapagaling ng aking basag na puso.

Inasinta ko ang pinaka makinang na bahagi ng liwanag. Nakatindig sa gitna ng liwanag may nakatindig na isang lalaki na may nagliliwanag na puting mga balabal na umaabot sa kanyang mga sakong. Ang mga tela ay hindi pang taong tela kundi tulad ng mga kasuotan ng liwanag. Habang ako ay tumitingin pataas nakikita ko ang dibdib ng isang lalake na ang kanyang mga braso ay nakabukas para bang ako ay pinapapasok niya. Tinignan ko ang kanyang mukha. Ito ay napaka liwanag; ito’y tila baga na sampung doble ang kinang kumpara sa liwanag na nakita ko na. Naging dilaw at maputla ang araw dito kung ikukumpara mo. Ito’y napaka liwanag hindi ko magawang makita ang itsura ng kanyang mukha, at habang ako ay nakatindig doon nagpasimula kong maramdaman na ang liwanag ay naglalabas ng kadalisayan, isang kabanalan. Naunawaan ko ngayon na ako ay nakatayo sa presensya ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat – walang sinuman kundi ang Diyos lamang ang mag-aanyong ganito. Ang kadalisayan at kabanalan nagpatuloy na dumaloy mula sa kanyang mukha at nagpasimula kong maramdaman na kadalisayan at kabanalan pumasok sa akin. Nagnasa akong makalapit pa nang higit upang makita ang kanyang mukha. Wala akong maramdamang takot kundi lubos na kalayaan habang ako ay papalapit sa kanya. Nakatayo ako ngayon na ilang piye lamang ang layo sa kanya, sinikap kong tignan sa loob ng liwanag na nakapalibot sa kanyang mukha habang ginagawa ko ito kumilos siya sa isang gilid. Sa kanyang paggalaw ang lahat ng liwanag ay gumalaw na kasama niya.

IKASIYAM NA KABANATA – ANG PINTUAN AT ANG PAGPAPASYA

Ako (Jesus) ang Daan.

Sinuman ang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas;

siya ay papasok siya ay lalabas, at makakasumpong ng pastulan.

Ang magnanakaw ay naparito lamang upang siya ay magnakaw

at pumatay at mangwasak.

Ako ay naparito upang sila ay magkaroon ng buhay, at kamtan ito nang masagana.

Ako ang Mabuting Pastol.

Iniaalay nang Mabuting Pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa.

Juan 10:9-11

(NASB)

Diretso sa likod ni Hesus ay may isang pabilog na hugis na bukasan tulad ng lagusan (tunnel) na aking nilakbayan pababa. Tumingin-tingin ako sa labas sa pamamagitan nito, nakikita ko ang isang bagong daigdig na bumubukas sa aking harapan. Pakiramdam ko ay parang nakatayo ako sa gilid ng paraiso, kinakamtan ang isang sulyap sa walang hanggan.

Ito ay hindi pa nahihipo kailanman. Sa aking harapan ay mga luntiang bukid at parang. Ang damo mismo ay nagbibigay ng katulad na liwanag at buhay na naroon sa presensya ng Diyos. Wala akong makitang sakit sa mga halaman. Tila baga na para bang kahit yapakan mo ang damo ay muling titindig sa buhay. Bagaman ang gitna ng mga parang nakakakita ako ng isang mala-kristal sa linaw na batis gumuguhit ito ng daan sa buong kaparangan na may mga puno sa magkabilang gilid. Sa aking gawing kanan ay mga bundok na may kalayuan at ang kalawakan sa itaas ay asul at malinaw. Sa aking gawing kaliwa ay mga pagulong na mga luntian burol at mga bulaklak, na nagliliwanag ng mga magagandang mga kulay. ‘Paraiso’. Alam ko na ako ay para rito, nakapaglakbay na ako sa buong daigdig upang maghanap ng paraiso, at alam ko na natagpuan ko na ito. Naramdaman ko na tila baga na kasisilang ko lamang sa unang pagkakataon. Bawat bahagi ko ay alam na nasa tahanan ako. Sa aking harapan ay nakaharap ang buhay na walang hanggan, isang hakbang lamang ang layo.

Sa aking pagtatangkang humakbang pasulong sa bagong daigdig na ito umatras si Hesus sa daraanan. Ang Bibliya ay nagsabi na si Hesus ang daan na kung ikaw ay papasok sa pamamagitan niya, makakapasok ka at makalalabas at makakasumpong ng mga luntiang pastulan. Siya ang pintuan sa buhay. Si Hesus ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang sinumang makararating sa Ama kundi sa pamamagitan niya. Siya lamang ang tanging daan. Mayroon lamang isang makitid na daanan na patungo sa kanyang kaharian. Kakaunti lamang ang nakasusumpong nito. Marami ang nakasusumpong ng matulin na daanan or mataas na daanan (highway) pababa sa impiyerno.

Tinanong ako ni Hesus ng tanong na ito “Ian, ngayong nakita mo na gusto mo bang bumalik?” Naisip ko “Bumalik, syempre hindi. Bakit pa ako babalik? Bakit pa ako babalik sa kapanglawan at samaan ng loob? Hindi, wala na akong babalikan pa. Wala akong asawa o anak, wala naman talagang nagmamahal sa akin. Gusto ko nang magpatuloy sa loob.” Subalit hindi siya gumalaw kaya lumingon ako sa huling pagkakataon upang sabihin, “Paalam malupit na mundo wala na ako rito!”

Habang ginawa ko, sa isang malinaw na pangitain sa harap ng lagusan, nakatindig ang aking nanay. Habang nakikita ko siya alam ko na ako ay nagsinungaling; mayroong isang tao na nagmamahal sa akin – ang mahal kong nanay. Hindi lamang sa minahal niya ako, subalit alam ko na ipinapanalangin niya ako araw-araw para sa aking buhay, at sinikap niyang ipakita ang Diyos sa akin. Sa aking kayabangan at kapalaluan pinagtawanan ko ang kanyang mga pananampalataya. Subalit siya ay tama, mayroong isang Diyos at isang langit at isang impiyerno. Natanto ko kung gaano ito kasakim na maraanan ang paraiso at iwan ang aking nanay na sumasampalataya na ako ay napunta sa impiyerno. Wala siyang anumang kaalaman na ako ay may isang panalangin sa banig ng kamatayan at nagsisi sa aking mga kasalanan at tinanggap si Jesus bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Tatanggap lamang siya ng isang patay na katawan sa isang kahon mula sa Mauritius.

Kaya sabi ko, “Diyos, mayroon lamang isang tao na nais ko talagang balikan at iyon ay ang aking nanay. Gusto kong sabihin sa kanya na kung ano ang kanyang sinasampalatayanan ay tutoo, na mayroon isang buhay na Diyos, na mayroong isang langit, at isang impiyerno, na mayroong isang pintuan at si HesuKristo ang pintuang iyon at makararaan lamang tayo sa pamamagitan niya”. Pagkatapos habang ako ay nakalingon muli, nakita ko sa likod niya aking tatay, aking kapatid na lalake, at kapatid na babae, aking mga kaibigan, at isang laksa ng mga tao sa likod nila. Ipinakikita sa akin ng Diyos na mayroong maraming tao na hindi alam,at hindi malalaman maliban kung gawin kong ibahagi sa kanila. Tanong ko, “Sino iyong iba pang mga tao?” At sabi ng Diyos, “Kung hindi ka babalik, marami sa mga taong ito ay hindi magkakaroon ng isang pagkakataon na mapakinggan ang tungkol sa akin dahil marami hindi maglalagay ng kanilang paa sa loob ng isang simbahan”.

Sabi ko, “Diyos gusto kong bumalik at sabihin sa lahat sa kanila. Ako’y nakarating dito ng minsan, hindi ko rin talaga alam kung papaano ako nakarating dito, subalit tiyak na malalaman ko rin. Kung minsan nakarating ako rito, alam ko na makakabalik akong muli. At nais kong siguraduhin na makababalik ako” sabi ko, “Diyos, papaano ako babalik? sa pamamagitan ng lagusan sa kadiliman, pabalik sa loob ng aking katawan? Papaano ako makababalik? Hindi ko nga alam kung papaano ako kung papaano ako nakarating dito.” At sabi ng Panginoon, “Kung ikaw ay babalik dapat mong tignan ang mga bagay sa isang bagong liwanag.” Naunawaan ko na kinakailangan ko ngayong tignan sa pamamagitan ng kanyang mga mata, ang kanyang mata ng pag-ibig at pagpapatawad. Kinakailangan kong tignan ang mundo tulad ng pagtingin niya rito – sa pamamagitan ng mga mata ng walang hanggan.

At ang sabi ko “Diyos, papaano ako makababalik? Hindi ko alam kung papaanong bumalik.” Sabi niya, “Ian ipihit mo ang iyong ulo…ngayon damhin mo ang dumadaloy na tubig sa iyong mga mata…ngayon buksan mo ang iyong mga mata at tumingin.”

IKASAMPUNG KABANATA – ANG PAGBABALIK

Sinaklolohan mo ako mula sa kamatayan;

iningatan mo ang aking mga paa mula sa pagdupilas.

Kaya ngayon makalalakad ako sa iyong presensya, O Diyos,

sa iyong liwanag na nagbibigay-buhay.

Awit 56:13

(Bagong Buhay na Salin)

Pagdakay nabalik ako sa loob ng aking katawan. Ang aking ulo ay nakapihit sa kanan at ang isa kong mata ay dilat. Ako’y nakatingin sa isang batang Indian na doktor na ginawang nakataas ang aking kanang paa sa kanyang kamay at sinusundot ng isang matalas na instrumento ang talampakan ng aking paa. Siya ay naghahanap ng anumang mga tanda ng buhay. Hindi niya alintana na ako ay buhay na at nakatingin sa kanya. Namamangha ako kung ano ang mayroon sa mundo na ginagawa niya, pagkatapos ang barya ay nahulog; “Ang isip niya ako ay patay na!” Sa oras ding iyon huminto ang doktor sa kanyang ginagawa at ipinihit ang kanyang ulo sa direksyon ng aking mukha. Habang ang aming mga mata ay nagkatagpo, sindak ay nagwalis sa ibabaw ng kanyang mukha, tila baga na siya ay nakakita ng isang multo. Ang dugo ay nawala sa kanyang mukha at siya ay umalis na parang puting papel. Ang kanyang mga paa ay kamuntik nang umalis sa lupa.

Tigatig hiniling ko sa Diyos na bigyan ako ng lakas na pihitin ang aking ulo sa kaliwa at hanapin ang kabilang banda. Habang pinipihit ko ang aking ulo pakaliwa nakita ko ang mga nars at mga tagapag-ayos sa pintuang daanan nakatitig sa akin sa pagkamangha at sindak. Maliwanag na ako ay patay sa loob ng 15 hanggang 20 minuto. Pakiramdam ko ay mahina at isinara ko ang aking mga mata, subalit dali-dali kong binuksan muli upang masubukan na ako ay naroon pa rin sa aking katawan. Hindi ako sigurado kung ako ay muling mawawala o hindi na. Ako ay sobrang pagod. Isinara kong muli ang aking mga mata at nakatulog ng mainam.

Hindi ako gumising muli hanggang sa sumunod na hapon. Gumising ako upang makita ang aking kaibigan na si Simone nakatayo sa labas ng aking silid. Mukha siyang maputla at iniiling ang kanyang ulo. Hindi siya makapaniwala na ako ay buhay. Sinundan niya ang aking pinagdaanan sa ospital at nagdala ng isang kaibigan ko na galing New Zealand. “Mukhang nagkaroon ka ng isang masalimuot na gabi aye?” Tanong ng kaibigang ito. “Oo kasama.” Tugon ko. “Hindi ko talaga alam ang tunay na nangyari.” Hindi ko nais sabihin - “Sa katunayan – namatay ako!” Ako ay nakikipagbuno pa rin sa lahat nang nangyari at ayaw kong sabihin nila “Duon ka sa gomang silid – masyado kang maraming tinanggap na droga at ito ay lumalabas sa butas ng iyong mga tainga!”

“Ang lugar na ito ay nangangamoy na tulad ng isang latrine.” Sabi nila. “Aalisin ka namin sa lugar na ito. Aalagaan ka namin.” Tinutulan ko sila – Gusto kong manatili sa ospital. Subalit dinampot nila ako, inilagay nila ako sa kanilang mga balikat at ako ay inilakad palabas. Dumating ang doktor at sinikap na pigilan sila subalit tinulak nila siya paalis sa daraanan. Isang taxi ang nag-aantay. Ayaw ni Simone na sumakay sa taxi kasama ako, marahil takot na ako ay isa nang multo o anu pa man. Dinala nila ako sa bahay sa aking bungalo sa tabing dagat at inilagay ako sa higaan. Pagkatapos, lumabas silang diretso sa sala para sa isang kasiyahan o party upang magdiwang sa aking muling pagbabalik!

Ako ay pagud na pagod at gutom. Natulog akong muli at nagising nang hating-gabi nanginginig at pinapawisan. Ang puso ko ay puno ng sindak. Ako’y nakahiga na nakaharap sa dingding. Ako ay gumulong patihaya upang makita kung ano ang nagbibigay ng takot sa akin. Sa labas ng aking kulambo at sa mga rehas na bakal ng aking mga bintana nakakakita ako ng mga mata, marahil pito o walong pares ng mga mata nakatingin sa akin. Mayroon isang pulang ilaw sa kanila. Sa halip na bilog na mata sila ay may roong matang kagaya ng sa pusa. Tila baga na sila ay kalahating tao, kalahating hayop. Naisip ko, “Ano sa mundo kaya sila?” Tumingin sila sa aking mga mata at ako ay tumingin sa kanila at nagpasimula kong marinig, “Ikaw ay sa amin at kami ay muling babalik.” “Hindi, hindi ninyo kaya!” Sabi ko. Hinawakan ko ang aking lente at inilawan ko sila. Walang anuman roon. Subalit alam ko na kakikita ko lamang sa kanila!

Nagtataka ako kung nasisiraan na ako ng ulo. Nagpasimula kong maramdaman na para bang bibigay ang aking pag-iisip. Kinakailangan kong payapain ang aking sarili at kumbinsihin ang aking sarili na hindi ako mababaliw. Marami na akong pinagdaanan sa nakalipas na 24 na oras. Kaya sabi ko, “Diyos, ano ang nangyayari?” Pagkatapos unti-unti niya akong dinala sa lahat ng bagay na aking napagdaanan. Tila baga na ito ay pinaso niya sa aking isipan. Sa bandang huli nito sabi ko, “Mabuti Diyos, ano ang mga bagay na ito na tila gusto akong lapain?” Sumagot siya, “Ian, tandaan mong muli ang panalangin ng Panginoon.” Kaya sinikap kong alalahanin itong muli sa pamamagitan ng aking isipan subalit hindi ko kaya. Pagkatapos mula sa aking puso lumabas ang lahat ng mga salita at ipinanalangin ko ito hanggang sa ‘iligtas mo ako sa masama’. Ipinanalangin ko ito mula sa aking puso. Pagkatapos sabi ng Diyos, “Isara mo ang ilaw Ian.” Inipon ko ang aking tapang at isinara ang pangunahing ilaw. Naupo ako sa gilid ng aking higaan na nakabukas ang aking lente. Dama ko na ako ay parang isang Jedi na mandirigma mula sa Star Wars! Nagpasimula kong isipin, “Kung hindi ko isasara ang aking lente o ilawan gugugulin ko ang buong buhay ko na bukas ang ilawan sa pagtulog.” Isinara ko ang lente. Walang nangyari. Ang panalangin ay naging mabisa. Nahiga ako at tumungo sa pagtulog.

IKALABING ISANG KABANATA – PAGTINGIN SA ISANG BAGONG LIWANAG

Laging magbantay.

Manindigang matatag sa iyong sinasampalatayanan.

Maging matatag.

Maging malakas.

1 Corinto 16:13

(Bagong Buhay na Salin)

Nang sumunod na umaga bumangon ako at inihanda ko sa aking sariling almusal. Ang aking mga kaibigan ay nagpasukan mula sa kanilang pang-umagang laro sa alon at nagpasimulang makipag-usap sa akin. Nagpasimula kong makita na kung ano ang kanilang sinasabi ay hindi naman talaga ito ang tunay na pakahulugan. Naguluhan ako rito, na tila baga nakakarinig ako ng dalawang mensahe. Nagpasimula kong makita ang loob ng kanilang mga maskara. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aking buhay nagpasimula kong makita ang mga bagay sa isang bagong liwanag. Nakikita ko na ang layunin ng kanilang mga puso ay lubusang taliwas sa kung ano ang lumalabas sa kanilang mga labi. Ito’y nakakatakot para sa akin dahil hindi ko alam kung papaano kumilos sa ganoong uri nang pang-unawa. Kaya bumalik ako sa aking silid tulugan, at nanatili roon.

Nang gabing iyon muli akong nagising sa isang malamig na pawis. Mayroong ilang bagay sa malapit ang nagbibigay ng takot sa akin. Pinihit ko ang aking ulo upang makita at sa aking pagkasindak, ang mga demonyo ay naroon na sa aking silid-tulugan nakatingin sa akin sa loob ng aking kulambo. Subalit dahil sa ilang kadahilanan hindi sila makalapit sa akin. Dinuduro nila ako subalit hindi talaga nila ako malapitan. Sa aking puso mayroon akong isang malalim na kapayapaan. Alam ko na nakita ko ang liwanag ng Diyos at ang liwanag na iyon ay nasa akin na ngayon. Gaano man kaliit ang apoy, ito ay nasa akin at hindi sila makalapit. Subalit siguradong sinisikap nilang sindakin ako at ibalik akong muli.

Hinawakan kong muli ang lente. Sa pagkakataong ito ako ay takot na lumabas sa aking higaan upang buksan ang ilaw dahil sila ay nasa loob ng aking silid. Hindi ko alam kung anung kapangyarihan ang mayroon sila. Subalit inilawan ko sila ng aking lente palibot ng silid, lumukso palabas sa higaan at binuksan ang ilaw. Pagkatapos bumagsak ako sa sahig sa aking tuhod. Nakipagdigmaan ako sa aking isipan muli, sinisikap lamang na mapanatili ang aking katinuan. Muli nanalangin ako ng panalangin ng Panginoon at pagkatapos ako ay bumalik matulog.

Mayroon pang dalawang gabi bago ako lumipad paalis ng Mauritius papuntang New Zealand. Nang sumunod na gabi ako ay nagising sa pamamagitan ng isang pagtatapik sa aking bintana. Ito’y isang babae nagsasabi, “Ian, gusto kong makipag-usap sa iyo, papasukin mo ako.” Habang kilala ko ang babae wala akong iniisip tungkol dito. Kalahating tulog naglakad ako patungong pintuan at binuksan ito. Nang oras na buksan ko ang pinto sinakmal niya ito at nakita ko ang kanyang mga mata. Nakikita ko ang kaparehong bahid na pula sa kanyang mga mata na nakita ko sa mga mata ng mga dumadalaw sa akin sa huling dalawang gabi. Nagsimula siyang magsalita sa ganap na Ingles. Siya ay isang Creole at kaylan man hindi pa nagsalita ng ganap na Ingles. Sinabi niya, “Sasama ka sa amin ngayong gabi Ian. Dadalhin ka namin sa ilang dako.” Pagkatapos nakarinig ako ng iba pang mga yabag na paparating. Sinikap kong hilahin pasara ang pinto subalit ito ay tila baga na ang babae ay nagkaroon ng kakaibang lakas at hindi ko ito magalaw. Pagkatapos mula sa aking puso lumabas ang mga salita, “Sa pangalan ni Hesus – alis!” Umikit siya paatras na para bang sinuntok siya sa dibdib. Habang tinitignan ko siyang umaatras at inihampas ko ang pinto pasara sa kanyang mukha at ikinandado ito. Ako ay ligtas para sa ilang sandali.

Sa wakas ito na ang aking panghuling gabi at naimpake ko nang lahat at handa nang umalis. Isang taxi ang susundo sa akin sa ika 5 ng umaga. Natulog ako subalit nagising sa hating gabi, sa pagkakataong ito ng mga batong tumatama sa bintana. Ito ay ang babae na naman. Ako ay naka handa na at nagsara ng mga pintuan subalit naiwan kong bukas ang isang maliit na bintana. Naisip ko, “Anuman ang mga nilalang na ito, sila ay nasa labas upang ako ay patayin at ginagamit nila ang mga tao upang gawin ito!” Ako ay patalon na sana at isasara ang bintana nang isang malaking itim na braso ang lumabas dito at pinihit ang trankahan. Narinig ko ang babae marahan na nagsasalita, “Ian, gusto naming kausapin ka. Lumabas ka.” Ako’y nagpapanggap na natutulog at ang mga bato ay tumamang muli sa aking mga bintana. Sa pagkakataon ito siya ay maingay, “Ian, lumabas ka.” Pagkatapos mas mabibigat na bato ang nagdatingan sa loob ng bintana at siya ay galit na ngayon, “Ian, lumabas ka!!” Bigla akong lumingon at nakita ko ang isang sibat dumarating sa pamamagitan ng bukas na bintana patungo sa akin. Hinawakan ko ang aking lente. “Ang pinaka magaling na depensa ay salakay.” Naisip ko at inilawan ko ng aking lente ang mga mata ng nagtatapon ng sibat. Naroroon na naman ang mapulang bahid! Tumindig akong humihiyaw kung ano ang lahat kong kahalagahan, hinawakan ang kanyang sibat at ipinukol ko itong pabalik sa kanya kaya nabitiwan niya ito. Itinapon ko ito papalabas ng bintana at ihinampas ang bintana pasara. Dali-dali inilawan ko ng aking lente sa labas ang tatlong lalake at isang babae. Sila’y nagpulasan papalayo tulad ng mga aso na malapit nang batuhin. Ang nakamamangha sa akin ay kung gaano sila nahintakutan sa liwanag.

Ako’y labis na natigatig na nanatili akong gising sa buong magdamag sa paghahantay sa pagdating ng taxi. Subalit hindi ito dumating. Ginising ko ang aking mga kaibigan sa paglalaro sa alon at pinakiusapan kung maaari umalis upang hanapin ang taxi. Nakita nila itong sira na. Mayroong nagtulos ng mga tungkod na bakal sa kanyang radiator noong gabi. Ito ang kaisa-isang taxi sa bayan. Pinakiusapan ko ang aking kaibigan na pumunta sa kasunod na bayan at kumuha ng isang taxi para sa akin doon. Kamuntik na rin siyang hindi na makabalik, habang sa mga oras na ito mayroong isang grupo ng mga Creole sa labas ng aking bahay na may dalang patpat at ang tsuper ay tinakot para umalis sa pamamagitan nila. Nakalabas kami roon at nakasakay ako sa aking biyahe papunta sa New Zealand daraan sa Australia.

Sa Perth nagkita kami ng aking nakababatang kapatid na lalake na nakatira roon. Sinikap kong sabihin sa kanya ang mga nakita ko. Siya ay gulat na gulat at hindi makapaniwala rito. Natulog ako sa kanyang silid nang gabing iyon dahil lumipad siyang papuntang Sri Langka, at sa hating gabi nagising ako sa pag-atake ng isang demonyong may puting mata. Kumaripas ako ng takbo palabas ng silid at nakitang nakaupo sa painitan (fireplace) ang isang maliit na Buddha. Habang nakatingin ako rito nagsalita ang Diyos sa akin na ang demonyong may puting mata ay lumabas mula sa diyus-diyosang ito. Ako’y namangha! Ngayon nalaman ko na ang karanasan ko sa mga diyus-diyosan sa Colombo ay sa demonyo. Pagkatapos naglakbay akong patungong Melbourne at Sydney at nagkaroon din nang magkatulad na mga karanasang espiritual. Pinagpasyahan kong iklian ang aking biyahe sa Australia at bumalik kaagad sa New Zealand.

Sa eroplano pababa sa Auckland tinanong ko ang Panginoon, “Kung ano na ako ngayon?” suot ko ang aking Walkman na tumutugtog ang ‘Men at Work’. Isang tinig ang nagsalita sa ibabaw ng tugtugan sa Walkman at nagsabi, “Ian, ikaw ay naging isang ipinanganak na muling Kristiayano.” Inalis ko ang aking Walkman at tiniyak kong walang sinuman sa paligid ko ang nagsabi nito. Pagkatapos inabot ko ang aking bag para sa aking madilim na mga salamin (dark sunglasses). Inilagay ko sila at sa lugar na inilaan nila sa akin na nakahiwalay marahan akong sumigaw. Isang Kristiyano! Iyon ba ako noon? Sino ba ang gustong maging isang Kristiyano? Hindi pa ito sumagi sa akin na kung ano ang nangyari sa akin.

Kinuha ako ng aking mga magulang sa paliparan. Balik sa tahanan, iniwan ng nanay ko ang aking silid tulugan na taglay ang mga larawan ng mga laro sa alon siyang siya nang iwan ko ito may dalawang taon nang nakalilipas. Tulad ito ng paglalakad sa loob ng isang hibla ng oras. Bumalik ako sa tahanan para sa isang kanlungan. Natulog ako nang gabing iyon at nagising nang hating gabi ng isang bagay na nagyuyugyug sa akin. Sa mga panahong ito alam ko na kung papaano ko sila papaalisin sa paggamit ng pangalan ni Hesus at ang panalangin ng Panginoon. Dapat silang umalis. Subalit ano ang ginagawa nila sa aking silid tulugan, sa aking bahay? Ako’y nagagalit! Ako’y tumindig at nagpasyang bigyan sila ng isang masakit na salita! Kaya nagpatuloy ako rito! Nagising ko ang aking mga magulang subalit nagpatuloy ako rito! Naupo ako sa aking higaan at nagsabi “Diyos- Ako’y pagod na sa mga bagay na ito hinahagad ako sa kalagitnaan ng gabi. Ano ang kinakailangan kong gawin upang mapalayas sila?” Tunugon siya, “Basahin mo ang Bibliya.” Sabi ko, “Sa susunod sasabihin mo sa akin na pumunta ako sa simbahan! Wala akong Bibliya!” “Iyong tatay mo ay mayroon – pumunta ka at hingin mo ito sa kanya.” Kaya ginawa ko. Nagsimula akong magbasa mula sa pasimula;

Nang pasimula ginawa ng Diyos ang mga langit at ang lupa. Ang lupa ay hungkag, isang walang anyong tumpok nadamtan ng kadiliman. At ang Espiritu ng Diyos ay gumagala sa ibabaw ng kanyang mukha. Pagkatapos sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag,” at nagkaroon nga ng liwanag. At nakita ng Diyos na ito ay mabuti. Pagkatapos ihiniwalay niya ang liwanag sa kadiliman.

Napaiyak ako nang mabasa ko ito. Naisip ko, “Ako’y naging sobrang palalo. Nanggaling ako sa pamantasan at pinag-aralan ang lahat ng uri ng aklat subalit hindi man lamang ako nakasulyap sa isang aklat na makapagsasabi sa akin ng katotohanan.” Sa sumunod na anim na linggo binasa ko mula Genesis hanggang Pahayag.

Ako’y sumusunod kay HesuKristo bilang aking personal na Panginoon at Tagapagligtas mula sa karanasang ito noong 1982. Ako ay isang ministrong na italaga sa Assembly Of God church dito sa New Zealand. Naglingkod akong sa ang mga mamumugot ng ulo sa Broneo at sa mga kampo ng mga nanganganlungan sa Timog-Silangang Asya. Nagpastor ako at ang aking asawa sa mga iglesia at ako ay naglakbay sa 24 na iba’t –ibang mga bansa ibinabahagi ang patotoong ito.

Sinabi ni Hesus “Ako ang liwanag ng sanglibutan. Sinuman ang lumalapit sa akin ay hindi na lalakad sa kadiliman kundi magkakaroon ng liwanag ng buhay” Juan 8:12

Isinalin sa Tagalog ni Reyn Araullo
Ika-14 ng Mayo, 2008-05-17
e-mail: [email protected]




Glimpse of Eternity
by Ian McCormack
Published by Rescuehouse Publications