130
 1 Yahweh, mula sa kailaliman ako ay umiiyak sa iyo.  2 Panginoon, pakinggan mo ang aking boses; hayaan ang iyong mga tainga na tumuon sa aking mga pagsusumamo ng iyong awa.  3 Yahweh, kung tatandaan mo ang mga kasamaan, Panginoon, sino ang makatatagal?  4 Pero mayroong kapatawaran sa iyo, para ikaw ay sambahin.  5 Naghihintay ako para kay Yahweh, naghihintay ang aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ako ay umaasa.  6 Naghihintay ang aking kaluluwa para sa Panginoon ng higit kaysa sa tagabantay na naghihintay na mag-umaga.  7 O Israel, umasa ka kay Yahweh. Si Yahweh ay maawain, at siya ay labis na nagnanais magpatawad.  8 Siya ang tutubos sa Israel mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan.