82
 1 Tumatayo ang Diyos sa banal na pagtitipon; sa kalagitnaan ng mga diyos, nagbibigay siya ng paghatol.  2 Gaano katagal kang hahatol nang walang katarungan at magpapakita ng pagtatangi sa masasama? Selah  3 Ipagtanggol mo ang mahihirap at mga ulila sa ama; panatilihin mo ang mga karapatan ng pinapahirapan at dukha.  4 Sagipin mo ang mahihirap at nangangailangan; alisin mo sila sa kamay ng masasama.  5 Hindi nila nalalaman ni nauunawaan; nagpapalabuy-laboy sila sa kadiliman; lahat ng mga pundasyon ng lupa ay gumuguho.  6 Sinabi ko, “Kayo ay mga diyos, at lahat kayong mga anak ng Kataas-taasan.  7 Gayumpaman mamamatay kayo tulad ng mga tao at babagsak tulad ng isa sa mga prinsipe.”  8 Bumangon, O Diyos, hatulan mo ang daigdig, dahil mamanahin mo ang lahat ng mga bansa.