47
 1 Kayong lahat na mga tao, ipalakpak ninyo ang inyong mga kamay; sumigaw kayo sa Diyos sa tunog ng tagumpay.  2 Dahil kasindak-sindak ang Kataas-taasang si Yahweh; sa buong mundo siya ang dakilang Hari.  3 Nilulupig niya ang mga tao sa ilalim natin at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.  4 Pinipili niya ang ating mamanahin para sa atin, ang kaluwalhatian ni Jacob na minahal niya. Selah  5 Sa pamamagitan ng isang sigaw ang Diyos ay naitaas, si Yahweh sa pamamagitan ng tunog ng isang trumpeta.  6 Umawit ng mga papuri sa Diyos, umawit ng mga papuri; umawit ng mga papuri sa ating Hari, umawit ng mga papuri.  7 Dahil ang Diyos ang Hari ng buong mundo; umawit ng papuri na may pang-unawa.  8 Ang Diyos ay naghahari sa lahat ng mga bansa; ang Diyos ay nakaupo sa kaniyang banal na trono.  9 Ang mga prinsipe ng mga tao ay nagtipon-tipon kasama ang bayan ng Diyos ni Abraham; dahil ang mga pananggalang ng mundo ay pag-aari ng Diyos; siya ay pinarangalan ng lubos.