20
 1 Nawa ay tulungan ka ni Yahweh sa araw ng kaguluhan; nawa ang pangalan ng Diyos ni Jacob ang mangalaga sa iyo  2 at magpadala ng tulong mula sa banal na lugar para magtaguyod sa iyo sa Sion.  3 Nawa maalala niya ang lahat ng iyong mga alay at tanggapin ang iyong sinunog na handog. Selah  4 Nawa ay ipagkaloob niya sa iyo ang hinahangad ng iyong puso at tuparin ang lahat ng iyong mga plano.  5 Pagkatapos magagalak kami sa iyong tagumpay, at, sa pangalan ng ating Diyos, itataas namin ang mga bandila. Nawa ay ipagkaloob ni Yahweh ang lahat ng iyong kahilingan.  6 Ngayon alam ko na ililigtas ni Yahweh ang kaniyang hinirang; sasagutin siya mula sa kaniyang banal na kalangitan na may lakas ng kaniyang kanang kamay na maaari siyang sagipin.  7 Nagtitiwala ang ilan sa mga kalesang pandigma at ang iba ay sa mga kabayo, pero ang tinatawagan namin ay si Yahweh na aming Diyos.  8 Sila ay ibababa at ibabagsak, pero tayo ay babangon at tatayong matuwid!  9 Yahweh, sagipin mo ang hari; tulungan mo kami kapag kami ay nananawagan.